07/02/2018
"Alaala"
Mga alaala
na masasaya.
Mga alaala
na hindi mawawala.
Masasakit,
hinanakit,
Hinagpis,
at inis.
Alalahanin mo ang saya,
pati ang ngiti ng aking mga mata.
Ang mga salita
na palaging buka ng aking bunganga.
Dinggin ang mga kanta
na inialay at kinatha.
Mga araw na kasama ka
sa oras ng iyong mga problema.
Matatapos ang lahat
ngunit di maglalaho ang nakalipas.
Alalahanin mo ako
sa lahat ng bagay na inialay ko sa'yo.
02/07/18
11:11AM
—J4R
06/12/2017
Like for more poems.
Poem
"Kawalan"
Lalakad ng mag-isa,
walang kasama.
Sa madilim na daan,
patungo sa kawalan.
Luha ang tanging dala,
mga mugtong mata.
Damdaming magulo,
kailan kaya maglalaho.
Isang patalim,
itatarak sa'king puso.
Di na masisilayan pa ang dilim,
lalaya na sa pagkabigo.
Mabubuhay sa sakit,
na puno ng hinanakit.
Uupo sa dilim,
sa lugar na puno ng lihim.
Tatalikod sa kahapon,
hahanapin ang ngayon.
Mag-isang tatahakin,
ang kalawakan
na para sa akin.
12/05/17
04:40Pm
30/11/2017
"Walang Halaga"
Mga likhang tula
na bigla nalang nawala
Naglaho ng parang bula
dahil walang nakakuha
Di na naalala pa ang tula
gaya ng lumikha
Nawala
maging ang mga alaala ng
Kanyang mga nilikha
Walang nakaunawa
sa damdamin ng bawat katha
Ni walang nakahalata
na natapos na pala ang likhang tula
Natapos lang ng bigla
ni walang namangha
Sa gulo ng kanyang mga gawa
di nakita ang nais ipaunawa.
—R.L.D
11/03/17
22/11/2017
Mga tulang may hugot? Like :)
Panimula
Muli kong uumpisahan,
storyang tila nasa katapusan.
Panibagong talata sa isang pahina,
kung saan ang huling salita ay mag-uumpisa sa isang bagong kabanata.
Uumpisahan ko ito sa mga masasakit na memoryang natamo,
dala ng kahapon na ang dulot ay pagdurugo ng puso kong bigo.
Muli akong tatayo mula sa k**a ko,
magpapatuyong muli ng mga unang nabasa ng luhang dulot mo.
Maglalakad na akong muli,
sa kalawakan kung saan ko ito inumpisahan.
Uupo sa isang sulok at muling hahanapin ang aking sarili.
pagmamasdan ang kalangitan hanggang sa ako ay matauhan.
Sisimulan ko itong muli,
mga panibagong salita.
Kung saan di ko na mababalikan ang huli,
gagawa akong muli ng mga bagong kabanata.
Bagong tagpo ng aking buhay,
muling gagawa upang mawala ang mga latay.
Sugat ng kahapo'y akin ng bibitawan,
kasabay ng paglalakad ko sa ilalim ng kalangitan.
Ito na ang bagong yugto,
buhay kong nanatili sayo.
Isusulat kong muli ang bagong tula,
na tungkol naman sa muling pagsisimula.
Muli kong uumpisahan,
salitang tila hindi nauubusan.
Mga sakit, bigo't paghihinagpis,
akin ng aalisin ang mga kargada ng dibdib na tila lumilitis.
Heto na ang panibagong araw,
muli ko ng masisilayan ang bahaghari sa kalangitan.
Mawawala na ang aking uhaw,
sa muling paglakad ko sa kawalan.
Heto na ang panimula,
mula sa paggiging baliw sa kanya.
Maaaring ito na ang simula,
kwentong natapos na sa simula.
Simulang walang wakas,
sinimulan ngunit hinding hindi nagwawakas.
Huling salita para sa panimula,
at muling magsisimula ng isang masayang kabanata.
11/21/17 1:00Am
20/08/2017
You accepted me when everybody rejected me.
You Loved me when no one love me.
Thank you for Acceptance and Love that you given to me.
I am now Yours Lord God, i surrender all of my life to you.
Fulfill me with your love, let me sight your perspective, may your words be my words, let your Knowledge be with my mind and let me have your strength be my hold in this life and in this world.
19/08/2017
Huling damang Kataga
—KirdLe
Nais kong sabihin sayo na mahal kita,
Ngunit natatakot akong magsalita.
Hindi ko alam kung paano ko ito ipapadama
Dahil sa tuwing katabi ka ako'y napipipe na.
Ilang araw na akong balisa
Isip ng isip kung kailan ba
Kung saan at kung paano kaya
Sasambitin sayong MAHAL KITA
Ako ba'y may pag-asa
O patuloy na lang akong aasa
Bigyan mo lang ako ng pagkakataon
At ako'y maghihintay kahit maghapon o kahit abutin pa ng mahabang panahon.
Ako'y maghihintay gaano man yan katagal
Kahit pa ako ay magpagal
Basta't suklian mo lamang
Pagmamahal kong iyong-iyo lang.
Ito'y aking pangarap
Pangarap na nais matupad
Bukod sa pangarap kong makapagtapos
Ay nais din kitang mapasagot.
Simpleng kataga
Napakalalim na pakahulugan
Mahal kita
Nais kong ito'y iyong matanggap
Tanggap ng buo at kuntento
Walang makakapigil kahit na ibang tao
Pangit man sa paningin nila'y tanggap mo
Ipagmamalaki dahil ito ay totoo
Ito lang ang pangako ko sayo
Na ipaglalaban pagmamahal kong ito
Hindi man ako sigurado
Ay naniniwala akong ikaw ang tadhana ko
At kung ito man ang huling pagkikita
Nais kong malaman mong MAHAL KITA
Proprotektahan kita dahil mahalaga ka
Laging tandaan lahat ng ito'y para sayo sinta.
—RGG❤
26/07/2017
Kaya kong manatili at maghintay dito kahit ilang araw o buwan o kahit taon
Kahit pa napakahirap na pagsubok pa ang ibigay ng tadhana sa paglaon ng panahon
Naniniwala akong may ginagawang magandang plano sa atin ang panginoon
Hindi ako nawawalan ng pag-asang matutupad ito sa tamang pagkakataon
Manatili ka lamang at makinig ng mabuti sa mensahe ng yong damdamin
Magtiwala tayo sa ginawang plano ng panginoon at sa ating mga panalangin
Dahil darating din ang araw, oras at panahon na mabubuo natin ang storyang para sa atin
Storyang masaya at may pagkakaisa na ang sentro ay siya na nagtakda ng lahat at nagtandhana sa ating dalawa.
—Forever
10/05/2017
but now you're gone, i think i have to live my life alone and unhappy. Now i am living dead in this world full of loneliness and sadness. A colorless life with a broken heart and eyes full of tears.
-Unloved
-Broken :'( 💔
29/03/2017
Kung ikaw man ay magiging akin,
Pangako ko sayong hindi na ako titingin
ni ibaling man ang hiling.
Dahil para sa akin nasa'yo na ang
lahat ng aking hinihiling,
Ang kulang na lang talaga ay ang aking mithiin.
na ika'y mapasaakin.
-z