Cajidiocan RHU

Directions

Cajidiocan RHU Welcome to the official page of Cajidiocan Rural Health Unit.

07/09/2026

Handog ng Cajidiocan RHU — ang aming kwentong MR-SIA. 💉🏥

Sa gitna ng mga agam-agam, sa bawat pag-scroll sa Facebook, sa sabi-sabi ng kapitbahay, at sa dagsa ng fake news sa paligid, hindi maiwasang mangamba at mag-alinlangan. Likas sa ating mag-alala dahil pagdating sa kalusugan ng ating mga anak, walang gustong sumugal at magkamali.

Ngunit sa kabila ng lahat ng takot at maling impormasyon, isa lang naman ang ating hangarin: ang makitang ligtas, malakas, at masigla ang ating kabataan. Ang pagpapabakuna ay hindi lang simpleng pagprotekta sa sariling pamilya; isa itong sama-samang hakbang para sa isang mas ligtas at malusog na komunidad.

Katuwang ang sapat at tamang kaalaman, sama-sama nating protektahan ang kinabukasan ng ating mga kabataan! 🛡️✨

PHILHEALTH MDR AND ID CLAIMINGSa lahat ng kumuha at nagpa-update ng kanilang Philhealth noong nakaraang barangayan, maar...
07/09/2026

PHILHEALTH MDR AND ID CLAIMING

Sa lahat ng kumuha at nagpa-update ng kanilang Philhealth noong nakaraang barangayan, maari ninyo na makuha ang inyong bagong MDR at Philhealth ID dito sa Cajdiocan Rural Health Unit simula sa Miyerkules, September 09,2026.

Maraming salamat po!

Si Ma’am Hazel kasama sina Nurse PJ, Nurse Abi, RHU staff at mga BHW ay tumungo sa Sitio Panaguintingan— isa sa malayong...
03/09/2026

Si Ma’am Hazel kasama sina Nurse PJ, Nurse Abi, RHU staff at mga BHW ay tumungo sa Sitio Panaguintingan— isa sa malayong lugar sa Lumbang Weste upang maghatid ng serbisyong medikal gaya ng MR vaccination, Vitamin A supplementation at mamahagi ng stuffed toys at kaunting merienda para sa mga bata. Sa kasawiang-palad, wala ni isang magulang mula sa Panaguintingan ang dumalo at nakiisa sa ating programa.

Masigla at puno ng pag-asang nilakad ng ating masisipag na healthcare workers ang naturang lugar; ginugulan ng halos isang araw na pag-akyat. Nakakalungkot man pero tuloy pa rin ang serbisyo para sa bayan.

Naway ang ating mga kababayan ay huwag maniwala sa fake news at mas magtiwala sa ating mga healthcare workers. Makiisa po sana ang lahat sa mga programang pangkalusugan ng Municipal Health Office para sa isang


Saludo at pagpupugay sa ating mga natatanging manggagawang pangkalusugan! 🫡💯

‼️‼️‼️PAUNAWA SA PUBLIKO‼️‼️‼️Ngayong araw, tatlo ang naitalang kaso ng dengue mula sa mga mag-aaral sa ating bayan.Magl...
03/09/2026

‼️‼️‼️PAUNAWA SA PUBLIKO‼️‼️‼️

Ngayong araw, tatlo ang naitalang kaso ng dengue mula sa mga mag-aaral sa ating bayan.

Maglinis ng Paligid Laban sa Dengue!

🚨 Hindi sapat ang spray o misting kung madumi ang ating kapaligiran. Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, paalala sa lahat na ang pagpuksa sa mga lamok ay nagsisimula sa ating sariling bakuran. Pinapatay lamang ng fogging o misting ang mga adultong lamok, ngunit kung may mga naiwang nakaimbak na tubig at basura, mabilis lang silang makapangitlog at mangitlog ulit.

Pakiusap sa lahat, magtulungan, magbayanihan at magkaisa tayong linisin ang kapaligiran para maiwasan ang Dengue!

‼️‼️Mag-ingat sa Dengue‼️‼️🦟Nagsasagawa ang ating Municipal Health Office ng fogging at misting activity sa iba't ibang ...
02/09/2026

‼️‼️Mag-ingat sa Dengue‼️‼️🦟

Nagsasagawa ang ating Municipal Health Office ng fogging at misting activity sa iba't ibang barangay na may kaso ng Dengue para mabawasan ang mga adult mosquitoes at mapigilan ang pagdami ng kaso ng dengue sa ating bayan.

NGUNIT ALALAHANIN: pangsamantalang solusyon lamang ang spray. Ang pinaka-epektibong laban sa dengue ay nagsisimula sa ating mga tahanan sa pamamagitan ng 4T Strategy:

✅TAOB: Itaob ang mga balde, timba, planggana, at iba pang lalagyan na hindi ginagamit upang hindi maipunan ng tubig-ulan.
✅TAKTAK: Taktakin o itapon ang mga nakaimbak na tubig sa mga paso, lumang gulong, o anumang sisidlan.
✅TUYO: Patuyuin nang mabuti ang mga basang ibabaw, flower vase, o pinaliliguhang lagayan ng alagang hayop bago lagyan ng bagong tubig.
✅TAKIP: Takpan nang maigi ang mga dram, tangke, at iba pang imbakan ng tubig upang hindi maitlogan ng lamok.

Nasa ating pagtutulungan at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ang kaligtasan ng ating pamilya at komunidad. Sama-sama nating puksain ang dengue!

02/09/2026

MAHALAGANG PATALASTAS MULA SA CAJIDIOCAN RURAL HEALTH UNIT

Ipinagbibigay-alam po sa publiko na ang ating Medical Technologist ay dadalo sa isang training seminar mula Setyembre 7 hanggang Setyembre 9, 2026. Ang nasabing seminar ay mahalaga para madagdagan ang laboratory service sa ating RHU.

Dahil dito, magkakaroon po tayo ng pagbabago sa iskedyul ng mga laboratory services:

🔄 Bagong Iskedyul: Lahat ng mga pasyenteng may naka-schedule na laboratory sa mga araw na iyon ay ililipat sa Setyembre 14, 15, at 16, 2026 (Lunes hanggang Miyerkules).

⏰ Oras: Magsisimula po ang serbisyo sa ganap na 8:15 ng umaga.

Pinapayuhan po ang lahat ng apektadong pasyente na mag-adjust ng kanilang iskedyul ng pagpunta sa ating health center.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na kooperasyon!

Send a message to learn more

01/09/2026
01/09/2026

⚠️ HEALTH ADVISORY | HAZE

Ayon sa DENR–Environmental Management Bureau (DENR-EMB), may haze na naobserbahan sa ilang bahagi ng Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA. Posibleng kaugnay ito ng usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia, na nadadala ng hanging Habagat.

Ang haze ay maaaring magdulot ng pag-ubo, hirap sa paghinga, at pangangati ng mata at lalamunan. Mas kailangang mag-ingat ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may sakit sa puso o baga.

Kung makapal ang haze, limitahan ang paglabas at outdoor activities at magsuot ng maayos na mask kung kinakailangang lumabas.

Mag-ingat at pangalagaan ang kalusugan.

#

Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya nananatiling mataas ang panganib ng dengue. Ugaliing gawin ang...
30/08/2026

Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya nananatiling mataas ang panganib ng dengue. Ugaliing gawin ang Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang maiwasan ang pagdami ng lamok at alisin ang mga naipong tubig sa paligid ng bahay.

Kung ikaw o miyembro ng inyong pamilya ay may lagnat, lalo na kung may kasamang matinding sakit ng ulo, pananakit ng katawan, pagsusuka, o pagkakaroon ng pantal, magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility. Ang maagang pagpapatingin at tamang gamutan ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon ng dengue.

Habang patuloy ang pag-ulan, sama-sama nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran at maging alerto sa mga sintomas ng dengue.

🚨‼️PAUNAWA SA MGA BUNTIS‼️🚨
29/08/2026

🚨‼️PAUNAWA SA MGA BUNTIS‼️🚨

Address

Cajidiocan
5512

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cajidiocan RHU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share