26/10/2026
๐ BAKUNA ESKWELA 2026, SINIMULAN NA SA CALABANGA! ๐ซโค๏ธ
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga bata sa pamamagitan ng pagbabakuna!
๐ MABUHAY, SIBAO ELEMENTARY SCHOOL! ๐
Binabati namin ang Sibao Elementary School sa pagkamit ng 100% na nabakunahang mag-aaral sa mga sumusunod:
๐ Grade 1 โ Bakuna laban sa tigdas, rubella, at tetano-dipterya (MR at Td).
๐ Grade 4 at Grade 5 na mga babaeng mag-aaral โ Bakuna laban sa HPV na makatutulong sa pag-iwas sa cervical cancer.
Maraming salamat sa mga responsableng magulang, kay School Head Joan Briรฑas, sa lahat ng g**o at kawani, Midwives Moppette Malate Moradillo and Melba Sanchez, Barangay Health Workers at Sangguniang Barangay ng Sibao sa kanilang suporta at pakikiisa! ๐
Pagpupugay rin sa lahat ng paaralan sa Calabanga sa kanilang pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang programang ito.
๐ ANO ANG BAKUNA ESKWELA 2026?
Ito ay programa na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
๐ Grade 1 at Grade 7 โ MR at Td vaccines
๐ Grade 4 at Grade 5 na mga batang babae โ HPV vaccine
๐ฃ Mga magulang, makiisa sa programa! Para malaman ang iskedyul ng pagbabakuna sa inyong paaralan, magtanong sa inyong mga g**o at Barangay Health Workers.