Calamba City Police Station

Calamba City Police Station

Share

Official page of Calamba Component City Police Station,
under the PNP CALABARZON

06/06/2026

Press Release:Calamba CCPS20260606-02

Regional Most Wanted na Nanggahasa, Timbog sa Barangay IV

Calamba City, Laguna-Arestado ang isang Regional Level Listed Most Wanted Person na nahaharap sa mga kasong Statutory R**e at R**e Through Sexual Assault matapos ang matagumpay na manhunt operation ng Tracker Team ng Calamba Component City Police Station noong Hunyo 5, 2026 sa Brgy. 4, Calamba City.

Kinilala ang suspek na residente ng Brgy. Lingga, Calamba City, Laguna.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 156, Biñan City, Laguna noong ika-3 ng Hunyo 2026.

Nahaharap ang akusado sa kasong Statutory R**e sa ilalim ng Paragraph (1)(D), Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng RA 8353, na may rekomendasyong walang piyansa, at R**e Through Sexual Assault sa ilalim ng ikalawang talata ng Article 266-A ng parehong batas, na may inirekomendang piyansang Php200,000.00.

Naisagawa ang operasyon alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng Philippine National Police at naitala gamit ang Body-Worn Camera at Alternative Recording Device upang matiyak ang transparency at accountability sa pagpapatupad ng operasyon.

Pahayag ng ating Hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN:
"Ang bawat pag-aresto sa mga wanted person, lalo na sa mga nahaharap sa kasong panggagahasa, ay isang mahalagang hakbang sa paghahatid ng hustisya sa mga biktima. Mananatiling pursigido ang Calamba Police sa pagpapatupad ng batas at sa pagtiyak na ang mga akusado ay haharap sa tamang proseso ng hustisya."

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station ang naarestong akusado habang inihahanda ang Return of Order to Take Custody para sa pagpapadala sa korte na naglabas ng warrant.

Patuloy na hinihikayat ng Calamba Police ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

06/06/2026

Press Release: Calamba CCPS-20260606-01

Provincial Most Wanted Carnapper, Rank No. 6, Timbog sa Barangay Canlubang, Calamba City

Matagumpay na naaresto ng Tracker Team ng Calamba Component City Police Station (CCPS) ang isang Provincial Most Wanted Person sa isinagawang police operation sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.

Kinilala ang naaresto na nakatala bilang Provincial Most Wanted Person Rank No. 6.

Dakong alas-9:20 ng umaga nang maaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 6, Tanauan City, Batangas kaugnay ng kasong Carnapping sa ilalim ng Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Act of the Philippines) at may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱300,000.00.

Matapos maaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at Anti-Torture Warning.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng Calamba City Police Station.

Pahayag ng ating Hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, "Walang puwang sa ating komunidad ang mga sangkot sa carnapping at iba pang krimen. Patuloy nating tutugisin ang mga wanted person upang matiyak na maihaharap sila sa hukuman at mapanagot sa kanilang mga ginawa."

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

04/06/2026

Press Release: Calamba CCPS 20260604

Tatlong Indibidwal na Sangkot sa Ipinagbabawal na Gamot, Timbog sa Oplan Galugad sa Barangay Uno

Sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Calamba Component City Police Station ang tatlong hinihinalang sangkot sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bandang hapon noong Hunyo 2, 2026, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Barangay Uno, Calamba City, napansin ng mga intel operatives ang tatlong indibidwal na kahina-hinala ang ikinikilos. Sa isinagawang paglapit at beripikasyon, nahuli ang mga suspek na aktuwal na may hawak ng mga sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang tinatayang tatlong (3) gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na humigit-kumulang ₱20,400.00, kasama ang iba pang kaugnay na ebidensya.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at inquest proceedings.

Pahayag ng ating Hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, "Patuloy nating paiigtingin ang mga operasyon upang matiyak na ang Calamba ay mananatiling isang ligtas at mapayapang lungsod para sa lahat. Hinihikayat din natin ang publiko na makiisa at agad na iulat sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar."

Patuloy ang Calamba Police sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong sugpuin ang ilegal na droga at iba pang kriminalidad alinsunod sa direktiba ng Philippine National Police.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Photos from Calamba City Police Station's post 03/06/2026

Real Leaders Don't Just Lead, They Inspire

Naglingkod bilang Guest of Honor and Speaker ang ating Hepe na si PLTCOL DENNIS sa isinagawang Rank Inspection of Security Personnel ng Ayala Fields kahapon (June 2, 2026.)

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng disiplina, integridad, at propesyonalismo sa pagtupad ng tungkulin.

Hinikayat din niya ang mga security personnel na patuloy na maging handa, responsable, at tapat sa kanilang sinumpaang serbisyo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

Ang naturang aktibidad ay nagpapatibay sa kahalagahan ng mahusay na pamumuno at patuloy na pagsasanay upang matiyak na ang bawat miyembro ng security force ay nananatiling handa sa anumang hamon ng kanilang tungkulin.

Disiplina, Dedikasyon at Kahandaan.

Dahil ang tunay na lider ay hindi lamang nangunguna. Siya rin ay nagbibigay inspirasyon.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

29/05/2026

Scammers know exactly how to catch attention online. Kaya bago mag-click, mag-send ng pera, o magbigay ng impormasyon, mag-isip muna at mag-double check.

Hindi lahat ng maganda ang offer ay legit. Maging mapanuri at huwag basta padala sa hype.

Stay safe online, Calambeños.
Stay alert. Don’t be fooled.

29/05/2026

Mobile Patrolling | May 29, 2026

Patuloy na pinaigting ng Calamba Component City Police Station ang mobile patrolling bilang bahagi ng crime prevention measures upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.

Mula 9:25 AM onwards, nagsagawa ng mobile patrol operations ang mga Calamba CCPS Mobile 08 sa Brgy. Bubuyan, Burol, Bunggo, at Hornalan, Calamba City, Laguna sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL DENNIS C. DE GUZMAN, ACOP.

Layunin ng aktibidad na mapigilan ang anumang kriminalidad at matiyak ang seguridad ng publiko sa loob ng area of responsibility ng himpilan.

Ang Calamba Police ay nananatiling nakaantabay at handang maglingkod para sa mas ligtas at mapayapang komunidad.

“United, we strive to make Calamba Police the finest in Laguna.”

29/05/2026

Foot Patrol/Oplan Galugad | Brgy. Parian

Random inspection lang po, walang personalan

Mas okay na ang visible ang police presence kaysa huli na ang lahat

Patuloy na umiikot ang Calamba Police sa Barangay Parian para siguraduhing safe, peaceful, at walang pasaway sa kalsada.

Prevention is better than crime scene

Makiisa, makipagtulungan, at stay alert Calambeño!

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

28/05/2026

Happening Now| Patuloy ang pinaigting na Foot Patrol ng Calamba Component City Police Station sa Villa De Calamba, Barangay Lamesa, Calamba City bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at seguridad sa komunidad.

Layunin ng operasyon na mapalakas ang police visibility at mas mapalapit pa ang kapulisan sa mamamayan upang matiyak ang ligtas at mapayapang pamayanan.

Ang Calamba Police ay nananatiling handa at nakaalalay para sa kaligtasan ng bawat Calambeño.

28/05/2026
27/05/2026

Calamba Police Tumulong sa Tumirik na Sasakyan sa Gitna ng Checkpoint Operation

Habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Calamba Component City Police Station, isang sasakyan ang biglang tumirik sa kalsada na maaaring magdulot ng pagsisikip ng trapiko at abala sa mga motorista.

Agad namang umaksyon ang mga kapulisan at sama-samang itinulak ang sasakyan upang ligtas itong maitabi sa gilid ng kalsada at maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Patunay ito na bukod sa pagpapatupad ng seguridad at kaayusan, handa ring umalalay at tumulong ang Calamba Police sa oras ng pangangailangan.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Want your business to be the top-listed Government Service in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Barangay Real, Calamba City, Laguna
Calamba
4027