Bukas Palad Sa Bagong Mayapa - Kapitana Vicky Torres

Call Directions

Bukas Palad Sa Bagong Mayapa - Kapitana Vicky Torres � Tanglaw ng bawat tahanan
� Ilaw ng bawat mamayan
� Pag-asa ng bawat isa

23/04/2026

Konting update mula sa ating Kapitana Vicky Victoria Torres Sumbillo sa nakaraang SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ATING MGA KABABAIHAN :)

Continue to follow for more updates.

18/04/2026

💙 MASAYANG PAGSASAMA-SAMA AT PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PUROK 5 💙

Sobrang saya at mainit ang naging pagsasama-sama natin ngayong araw sa Purok 5, Camp Vicente Lim!

Personal na dumalo si Kapitana Vicky Torres kasama ang buong Sangguniang Barangay upang makipagkwentuhan, makinig, at makibalita sa kalagayan ng ating mga minamahal na residente.

Masayang napag-usapan ang mga plano at solusyon para sa patuloy na pag-unlad ng ating lugar.

Nakakatuwa makita ang aktibong pakikilahok at ngiti ng bawat isa! 😊

Salamat sa mainit na pagtanggap at sa walang sawang suporta. Patuloy tayong magtulungan at magkaisa para sa masaya, maayos, at maunlad na barangay para sa lahat! 🤝✨


09/04/2026

Walang katumbas na saya ang makita ang mga matang kumikinang at mga ngiting abot hanggang tenga ng bawat batang nakasalubong namin sa Sto. Nino Street. Sa simpleng pamamahagi ng mga tsokolate, naramdaman namin kung gaano kadaling magbigay ng ligaya at pag-asa sa ating mga kabataan. Hindi man malaki ang regalong ito, pero sapat na ito para mapasaya sila at iparamdam na may isang ina na nakakaalala, nagmamalasakit at naniniwala sa kanila.

Ang karanasang ito ay nagpaalala sa akin na ang tunay na saya ay nasa pagbibigayan at sa pagiging pagpapala sa iba. Ang bawat matamis na tsokolate ay may dalang mensahe ng pagmamahal at pag-asa na balang araw, sila rin ay magiging inspirasyon at gabay sa susunod na henerasyon. Salamat sa mga batang ito dahil sila ang nagbigay ng pinakamagandang gantimpala—ang kanilang wagas na ngiti. ❤️🍬✨


Address

Don Bosco Street, Mayapa
Calamba
4027

Telephone

+639279960151

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bukas Palad Sa Bagong Mayapa - Kapitana Vicky Torres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share