10/09/2026
CALAMBA POLICE, 12 ARESTADO SA ISANG ARAW NA OPERASYON KABILANG ANG MGA WANTED PERSONS, SANGKOT SA IPINAGBABAWAL NA GAMOT AT ILLEGAL GAMBLING
CALAMBA CITY, LAGUNA- Hindi nagpahinga ang Calamba Police sa pagpapatupad ng batas matapos maitala ang 12 indibidwal na naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa loob lamang ng isang araw, Setyembre 8, 2026, kabilang ang mga wanted persons, isang sangkot sa ipinagbabawal na gamot, at mga nasangkot sa illegal gambling.
Sa magkakahiwalay na operasyon ng Calamba Component City Police Station sa Barangay Real, apat na wanted persons ang naaresto sa bisa ng kani-kanilang warrants of arrest.
Unang naaresto ang isang 35-anyos na residente ng Barangay San Cristobal, Calamba City, na may warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5(a) in relation to Section 6(a) ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, constituting Less Serious Physical Injuries.
Kasunod nito, naaresto ang isang 44-anyos na residente ng Barangay La Mesa, Calamba City, na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad. Siya ay may warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5(a) ng RA 9262, para sa service of sentence.
Naaresto rin ang isang 27-anyos na residente ng Barangay Mamatid, Cabuyao City, Laguna, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Theft, alinsunod sa Article 308 ng Revised Penal Code.
Samantala, isang 49-anyos na residente ng Barangay 2, Calamba City ang naaresto rin sa Barangay Real sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Direct Assault.
Sa pagpapatuloy ng operasyon laban sa kriminalidad, isang 45-anyos na residente ng Calambeรฑo Ville II, Barangay Looc ang naaresto sa isinagawang Oplan Galugad matapos umanong makuhanan ng dalawang heat-sealed sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang gross weight na 0.50 gramo, na may standard drug price na โฑ3,400. Isinagawa ang pag-aresto kaugnay ng paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, isa pang 50-anyos na residente ng Calambeรฑo Ville II, Barangay Looc ang naaresto sa operasyon laban sa illegal gambling o STL-Bookies, kung saan nakumpiska ang โฑ322.00 bet money, isang notebook na ginagamit bilang talaan at isang ballpen. Ang operasyon ay isinagawa kaugnay ng paglabag sa RA 9287.
Hindi rin pinalampas ng mga operatiba ang illegal gambling sa Barangay Parian. Sa dalawang magkahiwalay na operasyon laban sa Tong-its, anim na indibidwal na pawang mga residente ng nasabing barangay ang naaresto.
Tatlong indibidwal ang unang naaresto sa isang operasyon at nakumpiskahan ng isang set ng playing cards at โฑ577.00 bet money. Sa isa pang operasyon, tatlo pang indibidwal ang naaresto at nakumpiskahan naman ng isang set ng playing cards at โฑ804.00 bet money. Ang mga pag-aresto ay isinagawa kaugnay ng paglabag sa PD 1602.
Ang mga operasyon ay isinagawa ng mga Calamba City Police Station, kabilang ang mga intelligence at tracker teams, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod. Nairekord ang mga operasyon gamit ang mga Alternative Recording Device (ARD) at body-worn camera, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
Ang lahat ng naarestong indibidwal ay ipinaalam sa kanilang mga karapatang konstitusyonal, kabilang ang Miranda Rights at Anti-Torture Warning. Ang mga ito ay nananatili sa kustodiya ng Calamba CCPS para sa kaukulang dokumentasyon at legal proceedings.
Pahayag ng ating Chief of Police, PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, patuloy na paiigtingin ng Calamba Police ang kanilang operasyon laban sa mga lumalabag sa batas.
โAng sunod-sunod na operasyon na ating naisagawa ay patunay na seryoso ang Calamba Police sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating lungsod. Patuloy nating tutugisin ang mga wanted persons at paiigtingin ang ating kampanya laban sa illegal drugs, illegal gambling at iba pang uri ng kriminalidad. Hinihikayat din natin ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan at agad na ipagbigay-alam ang anumang ilegal na aktibidad sa inyong komunidad.โ
Patuloy ang Calamba Police sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng isang ligtas, maayos at mapayapang Calamba City.
United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna