Calamba City Health Services Department

Calamba City Health Services Department

Share

The OFFICIAL page of the Calamba City Health Services Department
(049) 545 6789 loc. 8015

Photos from Calamba City Health Services Department's post 29/05/2026

πŸ€πŸ’™ PHILHEALTH YAKAP PARA SA MGA 4Ps BENEFICIARIES

Bilang bahagi ng pagsusulong ng mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang CalambeΓ±o, isinagawa ang PhilHealth YAKAP para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong Mayo 29, 2025 sa PhilHealth Office, Calamba Medical Center Annex Building.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas nabigyang-kaalaman ang mga kalahok tungkol sa mga benepisyong maaaring makuha sa ilalim ng PhilHealth, kabilang ang mga serbisyong medikal na makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya.

Ang aktibidad na ito ay bunga ng pagtutulungan ng PhilHealth, Calamba City Health Services Department, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak na ang mga serbisyong pangkalusugan ay naaabot ng mga pamilyang higit na nangangailangan.

πŸ’™ Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba ang mga programang naglalayong mapalawak ang access sa dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Photos from Calamba City Health Services Department's post 26/05/2026

🚨 Nakagat o nakalmot ng alagang hayop? Huwag ipagsawalang-bahala! 🐢🐱
Ang simpleng kagat o kalmot ay maaaring magdulot ng impeksyon at rabies kung hindi agad maaaksyunan. Protektahan ang sarili at ang pamilya sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga sa sugat at agarang pagpapakonsulta. πŸ’‰

πŸ‘‰ Narito ang mga dapat gawin kapag nakagat o nakalmot ng hayop:

βœ”οΈ Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at dumadaloy na tubig sa loob ng 15 minuto
βœ”οΈ Lagyan ng antiseptic upang mapanatiling malinis ang sugat
βœ”οΈ Magtungo agad sa pinakamalapit na Barangay Health Station o Health Center
βœ”οΈ Kumpletuhin ang serye ng anti-rabies / post-exposure vaccines na irerekomenda ng health professional
βœ”οΈ Maging responsableng pet owner at siguraduhing bakunado ang mga alagang hayop

⚠️ Tandaan: Ang maagap na aksyon ay makapagliligtas ng buhay.

πŸ“ Para sa karagdagang impormasyon at assistance, makipag-ugnayan sa Calamba City Health Services Department o sa Calamba Animal Bite Treatment Center

25/05/2026

πŸŽ—οΈ Babae, Mahalaga Ka! Magpa-Cancer Screening Na! πŸŽ—οΈ

Ngayong Cervical Cancer Awareness Month, hinihikayat ng Calamba City Health Services Department ang bawat kababaihan na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng regular na pagpapasuri at maagang pag-iwas laban sa cervical cancer.
Ang cervical cancer ay isang uri ng kanser na nakaaapekto sa cervix, ngunit ito ay maiiwasan at magagamot kung maaagapan.

Narito ang ilang paraan upang maprotektahan ang sarili:
βœ”οΈ Magpabakuna laban sa HPV para sa mga batang babae edad 9–14 taong gulang
βœ”οΈ Magpa-cervical cancer screening para sa kababaihang edad 30–65 taong gulang
βœ”οΈ Panatilihin ang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng tamang pagkain, ehersisyo, at disiplina

Maaring pumunta saCalamba City Cancer Control and Prevention Program upang makapagpa-screening ng libre.

Ang maagang pagpapasuri ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang komplikasyon at mapanatili ang mabuting kalusugan.

πŸ’‘ Paalala sa bawat CalambeΓ±a: Ang pag-aalaga sa sarili ay pag-aalaga rin sa pamilya. Magpatingin, magpasuri, at maging responsable para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan. πŸ’šπŸŽ—οΈ

Photos from Calamba City Health Services Department's post 22/05/2026

πŸ’™ Isinagawa ang isang serye ng Progestin Subdermal Implant (PSI) sa pangunguna ng bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng responsable at maalam na family planning sa .

Ang Progestin Subdermal Implant o PSI ay isang ligtas, epektibo, at pangmatagalang uri ng modernong kontraseptibo na nagbibigay proteksiyon laban sa hindi planadong pagbubuntis sa loob ng ilang taon.

Kasabay ng procedure ay ang pagbibigay ng counseling at impormasyon ukol sa tamang family planning at pangangalaga sa kalusugan ng kababaihan.

Para sa mga nagnanais magpa-PSI, hinihikayat ang lahat na makipag-ugnayan at magpatala sa kanilang kaukulang Barangay Health Station (BHS) upang maiproseso ang kanilang pagpaparehistro at mabigyan ng kaukulang gabay at iskedyul.

πŸ’‘ Paalala: Para sa mga nagnanais magpa-PSI, makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Health Station (BHS) para sa wastong proseso ng pagpaparehistro at schedule ng procedure.

Photos from Calamba City Health Services Department's post 22/05/2026

⚠️ Ang Banta ng Hantavirus ay Hindi Dapat Ipinagwawalang-Bahala ⚠️

Ang Hantavirus ay isang sakit na maaaring makuha mula sa ihi, dumi, at laway ng mga daga. Maaari itong maipasa sa tao sa pamamagitan ng paglanghap ng kontaminadong alikabok o direktang paghawak sa mga kontaminadong bagay at lugar.

πŸ” Mga maaaring sintomas:
βœ”οΈ Lagnat
βœ”οΈ Pananakit ng katawan at kalamnan
βœ”οΈ Ubo at hirap sa paghinga
βœ”οΈ Pagkahilo at panghihina

πŸ’‘ Paano makaiwas sa Hantavirus?
βœ”οΈ Panatilihing malinis ang tahanan at paligid
βœ”οΈ Takpan nang maayos ang mga pagkain at basura
βœ”οΈ Iwasan ang direktang paghawak sa dumi ng daga
βœ”οΈ Gumamit ng gloves at mask kapag naglilinis ng lugar na maaaring kontaminado
βœ”οΈ Kontrolin ang pagdami ng daga sa komunidad

🚨 Kapag nakaranas ng sintomas matapos ma-expose sa lugar na may daga, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital.

πŸ’™ Paalala: Ang kalinisan at maagap na pag-iingat ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa sakit.

Photos from Calamba City Health Services Department's post 22/05/2026

πŸ’™ Healthy Young Ones na mga Kabataan ng Barangay Batino! πŸ’™

Patuloy nating isinusulong ang kalusugan at kapakanan ng kabataan sa pamamagitan ng tamang kaalaman, wastong nutrisyon, at aktibong pamumuhay.

Sa pagtutulungan ng komunidad at ng mga programang pangkalusugan ng , layunin nating hubugin ang isang henerasyon ng mga kabataang malusog, responsable, at handang maging pag-asa ng bayan.

✨ Ang malusog na kabataan ngayon ay pundasyon ng mas matatag at mas progresibong kinabukasan sa bayan ng Calamba.

Photos from City of Calamba-Mental Health Program's post 19/05/2026

πŸ§ πŸ’š LIBRENG Mental Health Services mula sa City of Calamba Mental Health Program
As of May 19,2026, narito ang mga available na gamot para sa lahat ng nangangailangan ng suporta para sa mental health. πŸ’Š
πŸ“… Ang pamimigay ng gamot ay tuwing LUNES (MONDAY) hanggang MIYERKULES (WEDNESDAY).
πŸ• Oras: 1:00 PM – 4:00 PM
πŸ“Œ Paalala:
βœ”οΈ Magdala ng valid na reseta
βœ”οΈ Magdala ng valid ID

18/05/2026

πŸ“’ 2026 Ease of Doing Business (EODB) Month πŸ“’

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pagdiriwang ng 2026 Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong buwan ng Mayo, na may temang:

β€œAchieving Results through Transparency and Accountability: Towards a More Productive Bagong Pilipinas.”

Layunin ng pagdiriwang na higit pang mapabuti ang kalidad ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng mas mabilis, mas maayos, at mas transparent na proseso para sa bawat mamamayan at negosyante.

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mahusay na pamamahala, digitalization, at responsableng serbisyo upang mapadali ang transaksyon at mapalakas ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno.

Ang mahusay, tapat, at episyenteng serbisyo ay susi tungo sa mas progresibo at produktibong komunidad para sa bawat CalambeΓ±o.

18/05/2026

πŸ’š Magpa-BP Check Regularly! πŸ’š

Ngayong Hypertension Awareness Month, paalala ng Calamba City Health Services Department na bantayan at regular na i-monitor ang inyong blood pressure kahit wala kayong nararamdamang sintomas.

Ang hypertension o high blood pressure ay maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon kung mapapabayaan. Ilan sa mga maaaring sintomas nito ay:
βœ”οΈ Madalas na pananakit ng ulo
βœ”οΈ Pagkahilo at panlalabo ng mata
βœ”οΈ Mabilis o hindi pantay na tibok ng puso
βœ”οΈ Pagdurugo ng ilong
βœ”οΈ Di pangkaraniwang tunog o ugong sa tenga

Ngunit tandaanβ€”may mga pagkakataong walang sintomas ang hypertension, kaya mahalagang magpa-check up at uminom ng maintenance medicine ayon sa payo ng doktor.

πŸ’‘ Para mapanatiling malusog ang katawan, isabuhay ang TED:
πŸ₯— Tamang pagkain
πŸƒ Ehersisyo
πŸ’ͺ Disiplina

πŸ’š Paalala sa bawat CalambeΓ±o: Ang regular na BP monitoring ay simpleng hakbang tungo sa mas malusog at mas ligtas na pamumuhay. Alagaan ang puso, alagaan ang sarili.

16/05/2026

🚭 ITIGIL ANG PAG-VAPE!

Ang pagva-v**e ay hindi ligtas sa kalusugan. Ito ay naglalaman ng ni****ne at iba pang kemikal na mayroong dulot na masamang epekto sa baga, puso, at pangkalahatang kalusugan. Ito rin ay nagdudulot ng adiksyon at nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at kinabukasan.

Hindi lamang ang gumagamit ang naaapektuhan, kundi pati ang mga taong nasa paligid na maaaring makalanghap ng usok mula rito. Kaya mahalagang maging responsable at piliing pangalagaan ang sariling kalusugan at kapakanan ng pamilya at komunidad.

πŸ’™ Piliin ang mas malusog na pamumuhay.
πŸ’™ Iwasan ang v**e at iba pang bisyo.
πŸ’™ Maging ehemplo sa kabataan at sa komunidad.

✨ Itigil ngayon. Huminga nang mas malinis. Mabuhay nang mas maganda.

Want your business to be the top-listed Government Service in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Brgy 7, Calamba City, Laguna
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm