Announcement po para sa mga nakaskedule ng tule.bukas May 7,2026.kumuha na po kayo ng form ky Dinya ngaun para po bukas hindi na maabala ng maaga iuuna na po ang form para maikuha ng green card.
Pkainin na po ng maaga mga bata.
11:00am po dapat nasa covered court na lahat.
11:30 am po pupunta nasa JP Hospital,
Bawat bata may kasamang magulang o guardian.para po may umalalay sa kanila hindi pwedeng wala.
Mgdala din po ng towel at tubig.
Maraming Salamat po!
Sangguniang Barangay ng Camaligan
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Camaligan, Government Organization, Camaligan, Calamba.
Mahalagang Anunsyo!!!
Ang Sangguniang Barangay po sa pangunguna ni Kapitan Vic de Castro ay lubos na sumusuporta sa mga programang pangkalusugan ibinababa sa ating barangay.Mula po sa City Health Office sa pamumuno ni Dr.Rodrigo Esguerra, PEN Coordinator Ms.Claire at Dr.Adelino Labro na siya pong head incharge sa check up.
Sa darating pong Mayo 5,2026 araw ng martes sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-11:00 ng umaga sa ating center ay meron po ulit tayong free health consultation.May karamdaman man of wala ay maari pong magpakonsulta.First 50 patients lng po ang tatanggapin Kya po first come first serve po.
Narito po ang mga list na maari po ma avail sa darating na martes.
PEN Monitoring Activities:
1. Pagawan na po ng risk assessment form ang patients
2. Target: 50 patients (20 years old and above)
3. Lecture
4. Free RBS
5. Consultations
6. Diet Counseling
7. Free Maintenance Medicines Available:
- Losartan
- Amlodipine
- Gliclazide
- Metformin
- B-complex
- Simvastatin
Note: Sa mga patient po na may maintenance makikidala po ng inyong mga reseta pagpunta po sa ating center.
Maraming Salamat po.
Attention po!!!
Sa mga nagnanais po magpacheck up may doctor po tayong nakaduty sa ating health canter bukas April 30,2026.Sa mga may ipapakonsulta at magpapareseta mangyari pong magtungo sa ating barangay health center.Maraming salamat po.
24/04/2026
Maraming maraming Salamat po Mayor Ross H.Rizal sa agarang pagtugon sa kahilingan ng Sanggunian Barangay sa pamumuno ni Kapitan Vic de Castro na madalhan ng tubig ang mga nasasakupan sa aming barangay na walang suplay ng tubig dahil sa pagkakasira ng motor ng poso.Sa pamamagitan ng Poso Department at Water District.Tunay na ramdam na ramdam ang reporma at walang maiiwang calambeno mula sa ating mahal na Mayor Ross na handang sumoporta sa lahat ng nasasakupan sa lungsod ng Calamba.
Patuloy pa po ang pagddadala ng tubig kaya dun sa mga hindi abot ng hose mkikisuyo po na maglagay ng drum kung san abot ang hose ng tubig.Maraming salamat po.
22/04/2026
Libreng Binyagan Done!!!
Maraming Salamat po sa ating butihing Mayor Ross H. Rizal,naiganap ang makabuluhang programa ang libreng binyagan sa ating Chapel Our Lady of Guadalupe ang binyagan barangay.Sa pangunguna ng Sanggunian sa pamumuno ni Kapitan Vic de Castro ay naglaan din ng oras at handa para may mapagsalu saluhan ang mga bininyagan.At maramdamang ang binyag ay pinakamahalagang gawain mtatapos maisilang.Maraming salamat po Sakses tayo!!!
Mahalagang Anunsyo po ulit!!!
Para naman sa batang nagpalista sa libreng tuli bukas po 7am dapat nasa brgyhall na dahil ang screening po ay sa JP Hospital kaya pasuyo na po sa mga magulang pakigayak po at pkainin ng maaga ang inyong mga anak bago umalis.Maraming Salamat po.
Ang tulian po ay sa May 7,2026
20/04/2026
Mahalagang Anunsyo po!!!
Sa lahat po ng nakaskedule po ng libreng binyag sa April 22,2026.Kinakailangan po 7:30am po ay nasa atin na pong simbahan Our Lady of Guadalupe.Lahat po ng batang bibinyagan kasama ang magulang pati na rin mga ninong at ninang may seminar po derecho binyag na.Maraming Salamat po.
Ang Libreng Binyagan Barangay po ay mula po sa ating butihing Punong Lungsod Mayor Ross H.Rizal at sa atin pong Sanggunian sa pamumuno ni Kapitan Vic de Castro.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Camaligan
Calamba
4027
