19/09/2026
Buong kagalakan na ipinagmamalaki ng buong pamilya ng Halang Elementary School ang pagkakahirang kay Gng. Joanna D. Kahayon bilang isa sa mga kalahok sa CHAmpion Teacher 2026!
Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang pambihirang dedikasyon, husay, at wagas na paglilingkod na lumalagpas pa sa loob ng silid-aralan at higit pa sa inaasahan ng lahat.
Ipinagmamalaki namin ang kanyang pagiging huwarang g**o na puno ng puso at malasakit sa bawat mag-aaral, at masigasig kaming sumusuporta sa kanya sa darating na gawain sa Ika-3 ng Oktubre 2026, Sabado, mula ika-3 hanggang ika-8 ng gabi sa LLC Hall, Calamba Elementary School.
Kasama ang kanyang pamilya at ang buong komunidad, nakatayo kami sa likuran niya bilang patunay na siya ay tunay na CHAmpion.