10/05/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ง๐๐ง! ๐
Ngayong Motherโs Day, nais pong bigyang pugay ng Sangguniang Barangay ng Batino ang lahat ng mga ina na walang sawang nagsasakripisyo, nagmamahal, at nagsisilbing lakas at inspirasyon ng bawat pamilya at komunidad.
Maraming salamat po sa inyong walang kapantay na pag aaruga, tiyaga, at pagmamahal na tunay na nagsisilbing pundasyon ng isang matatag at maayos na tahanan.
Dalangin po namin na patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at mas marami pang masasayang sandali kasama ang inyong mga mahal sa buhay.
Mula po sa buong Sangguniang Barangay ng Batino, isang mapagpalang Motherโs Day po sa lahat ng mga ilaw ng tahanan! ๐
10/05/2026
๐๐๐ฃ. ๐๐ข๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐จ๐ก๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ข๐๐ง๐ ๐ง๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฆ๐ข๐ก ๐ฆ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐๐ข๐ช๐ก๐๐ฅ๐ฆ ๐๐ฆ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ค๐ผ๐ซก
Nitong nakaraang Biyernes ay pinangunahan po natin ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng Madison South Homeowners Association Incorporated kasama ang ating mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Batino - Calamba City upang saksihan ang kanilang panunumpa ng katapatan sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa kanilang komunidad.
Matapos ang panunumpa ay personal din nating ipinagkaloob ang ilan sa kanilang mga kahilingang materyales upang mas maayos nilang maisakatuparan ang kanilang mga plano at programa para sa kanilang nasasakupan.
Makakaasa po kayo na ang inyong lingkod kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Batino ay patuloy na nakaagapay, nakasuporta, at handang makipagtulungan para sa mas maayos, organisado, at progresibong pamamahala sa bawat komunidad ng ating barangay.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
07/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ข ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐ก๐ง๐๐ฅ ๐๐ง ๐๐๐๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฉ๐๐๐๐ฅ; ๐ฉ๐๐ฅ๐ฌ ๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐ก๐ง ๐๐ง ๐ข๐จ๐ง๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐! ๐๐ป๐๐ป๐๐ป
Isang makabuluhang pagpapatunay ng patuloy na kahusayan ang natanggap ng Batino Daycare Center matapos opisyal na maipagkaloob ang pagkilala bilang ๐ข๐๐๐๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด para sa mahusay nitong pagpapatupad ng early childhood care and development center based programs noong 2022 hanggang sa kasalukuyan.
Kasabay nito, kinilala rin si Maโam Lucia Sayasa bilang ๐ฉ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐ dahil sa kaniyang dedikasyon at mahusay na pagganap sa paghubog ng mga batang edad 0 hanggang 5 taong gulang, na nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa kanilang paglaki at pagkatuto.
Sa pangunguna ni Kap Joel Dimapilis, katuwang ang kasalukuyang Education Committee Chairperson Kagawad Angelou Oรฑa at dating committee chairperson, Kagawad Elsa Gatdula patuloy ang buong suporta ng Sangguniang Barangay ng Batino sa mga programang pang-edukasyon para sa kabataan.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang isang parangal kundi isang kumpirmasyon ng tuloy-tuloy na kalidad ng serbisyo at dedikasyon ng Batino Daycare Center sa pagbibigay ng dekalidad na early childhood education.
Patuloy po tayong naniniwala na ang maayos na pundasyon sa edukasyon ng kabataan ay susi sa mas maliwanag at mas maunlad na kinabukasan ng Batineรฑo.
Muli, congratulations at mabuhay ang Barangay Batino! ๐๐
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
05/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ซฑ๐ปโ๐ซฒ๐ผ
Ngayong araw, dumalo po tayo sa Regular Monthly Meeting ng Liga ng mga Barangay na ginanap sa DILG Conference Hall, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin na may direktang epekto sa ating mga komunidad.
Isa sa mga pangunahing napag-usapan ay ang pagpapaliban ng mga liga at ilang cultural activities sa lungsod, alinsunod sa umiiral na direktiba ng ating pamahalaang lungsod. Nilinaw rin ito sa pakikipag-ugnayan sa ibaโt ibang sektor, kabilang ang mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan Federation sa pangunguna ni Councilor Rally Bustria, at Maโam Karla Boholano mula sa tanggapan ng turismo.
Sa pangunguna ni ABC President, Councilor Eddie Silva, nagkaisa ang Liga ng mga Barangay at SK Federation na pansamantalang ipagpaliban ang mga paliga at malalaking aktibidad habang patuloy na binabantayan ang kasalukuyang sitwasyon, lalo na ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin. Binigyang-diin na sa ngayon, mas mahalagang ituon ang ating mga hakbang sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
Tinalakay rin ang maagang paghahanda para sa inventory at turnover ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan, bilang bahagi ng pagiging handa sa mga susunod na kaganapan. Kasabay nito, pinaalalahanan ang lahat na i-update ang kanilang mga Full Disclosure Policy Board, pagsusumite ng mga kinakailangang ulat, at patuloy na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa ng lungsod at barangay.
Patuloy po tayong nakikiisa at nakikipag-ugnayan upang matiyak na ang bawat desisyon ay para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
04/05/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก, ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฃ! ๐
Isang taos-pusong pagbati sa ating dating Punong Barangay ng Barangay Batino at kasalukuyang Konsehal ng Lungsod, ang nag-iisang Konsehal Pio "Papa P" Dimapilis.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagmamahal at walang sawang paglilingkod hindi lamang sa ating barangay, kundi sa buong Calamba City. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa marami.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng mahabang buhay, matibay na kalusugan, at lakas upang mas marami pa kayong matulungan at mapaglingkuran.
Muli, maligayang kaarawan po! ๐๐
04/05/2026
๐ ๐๐ฆ๐๐๐๐๐ก๐ ๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐๐จ๐ก๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ๐ข ๐ซก
Sa pagsisimula ng bagong buwan, pinangunahan po natin ang regular na sesyon ng Sangguniang Barangay ng Batino kasama ang ating mga kagawad at SK na may kumpletong attendance, patunay ng ating sama-samang dedikasyon sa paglilingkod.
Sa ating pagpupulong, tinalakay po natin ang mga plano para sa buwan ng Mayo, mga updates mula sa bawat komite, mga pending na usapin, pati na rin ang mga patuloy at nalalapit na proyekto ng barangay, kabilang ang ating mga programang pangkalusugan at iba pang serbisyong direktang nakatutok sa pangangailangan ng ating mga kabarangay.
Matapos nito, dumalo rin po tayo sa ginanap na monthly meeting ng Lupong Tagapamayapa kung saan napag-usapan ang mga kasalukuyang kaso, mga naresolbang usapin, at ang patuloy na pagpapaigting ng maayos at mapayapang pagresolba ng mga alitan sa ating komunidad.
Patuloy po nating pinapahalagahan ang maayos na pamamahala, koordinasyon, at pagkakaisa upang mas mapabilis at mapabuti ang ating serbisyo para sa bawat Batineรฑo.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
28/04/2026
๐๐ฝ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ฆ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ข, ๐ฃ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ฃ๐๐๐ก ๐๐ง ๐๐๐๐ฌ๐จ๐ฆ๐๐ก ๐ซก๐๐ป
Nitong Lunes, dumalo po tayo sa ginanap na Traditional Flag-Raising Ceremony ng Calamba City Police Station, kung saan pinarangalan ang ilan sa ating mga masisipag na barangay personnel.
Lubos po nating ipinagmamalaki ang pagkilala sa ating BPSO Chief na si Amador Dimapilis at Imbestigador na si Elizabeth Fonacier, bilang patunay ng kanilang mahusay na pagganap sa tungkulin na nagbunga ng matagumpay na operasyon laban sa mga lumalabag sa batas.
Ang programa ay pinangunahan ni PLtCol Dennis C. de Guzman, Chief of Police ng Calamba, at dinaluhan din ng iba pang barangay na kabilang sa mga kinilala. Nagbigay rin ng mensahe ang panauhing pandangal na si Ms. Maria Anna Parchamento mula sa Pioneer Adhesives Incorporated.
Kasama rin po natin si Kagawad Elsa Gatdula, Chairperson on Peace and Order, na patuloy na gumagabay sa ating mga programa para sa kapayapaan at kaayusan.
Binigyang-diin din sa programa ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga barangay at ng kapulisan, lalo naโt limitado ang bilang ng ating mga pulis sa lungsod. Dito lalong napapatunayan ang mahalagang papel ng ating mga BPSO sa pagpapanatili ng seguridad sa komunidad.
Nagpaabot din ng suporta ang ating ABC President, Councilor Eddie Silva, na nagbigay din ng munting regalo sa ating mga awardees.
Isang karangalan po para sa atin ang ganitong pagkilalaโpatunay na ang dedikasyon sa serbisyo ay tunay na pinahahalagahan.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ