Barangay Burol Calamba, Laguna

Directions

Barangay Burol Calamba, Laguna Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Burol Calamba, Laguna, Government Organization, Barangay Burol, Calamba.

09/08/2026

Magkaisa tayo para sa Ligtas Tigdas na mga chikiting ng Brgy. Burol ,Calamba City!
Tara na't makiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity na gaganapin sa August 10-28, 2026! Dalhin lamang po ang inyong mga anak sa mga health center o sa mga itinalagang fixed o temporary vaccination sites, nabakunahan man dati o hindi pa—para mabigyan sila ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at rubella

09/08/2026

Magkaisa tayo para sa Ligtas Tigdas na mga chikiting ng Burol Calamba City!
Tara na't makiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity na gaganapin sa August 10-28, 2026! Dalhin lamang po ang inyong mga anak sa mga health center o sa mga itinalagang fixed o temporary vaccination sites, nabakunahan man dati o hindi pa—para mabigyan sila ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at rubella

Flag Ceremony  🇵🇭 Unang Lunes ng buwan ng Agosto,isinagawa ang Flag Ceremony ng Barangay Burol at pagbibigay ng Pabirthd...
04/08/2026

Flag Ceremony 🇵🇭
Unang Lunes ng buwan ng Agosto,isinagawa ang Flag Ceremony ng Barangay Burol at pagbibigay ng Pabirthday sa mga Senior, na may kaarawan ng Agosto na dinaluhan ng mga kawani ng barangay na pinangunahan ng ating butihing Punong Barangay Kgg.John Kenneth Vence L. Evangelista at ng Sangguniang Barangay.Kasama sina Ma'am Melanie Lorenzo at G.Ariel Lorenzo para sa panalangin. Maraming salamat po sa lahat ng dumalo.

Mga Kabarangay  inaanyayahan  po ang lahat na nagnanais makiisa  sa 3rd Calamba MSME Summit ,lalo na ang mga negosyante ...
28/07/2026

Mga Kabarangay inaanyayahan po ang lahat na nagnanais makiisa sa 3rd Calamba MSME Summit ,lalo na ang mga negosyante ,MSMEs,mga nagnanais magsimula ng negosyo,kooperatiba,kabataan at mga mag-aaral.Ito po ay gaganapin sa Jose Rizal Coliseum.Meron po Job Fair sa July 30,2026.

Anunsyo!!!Ipinanabatid sa lahat ng mga mag-aaral kung sino po ang gusto na maging scholar ng Don Bosco, meron form dito ...
20/07/2026

Anunsyo!!!

Ipinanabatid sa lahat ng mga mag-aaral kung sino po ang gusto na maging scholar ng Don Bosco, meron form dito sa Barangay Hall hanapin lang po si Sec Rona.Andito po sa baba ang iba pang impormasyon ,tungkol dito.Maraming Salamat po!!

LOCALIZED PENSION FOR SENIOR      Idinaos ang Local Pension para sa mga senior sa Barangay Burol ngayong Hunyo 14,2026,k...
14/07/2026

LOCALIZED PENSION FOR SENIOR

Idinaos ang Local Pension para sa mga senior sa Barangay Burol ngayong Hunyo 14,2026,kasama ang mga taga Treasury na siyang nag-abot sa bawat isang senior.Salamat po Mayor Rosseller H. Rizal at sa ating butihing kapitan Kgg.John Kenneth Vence L. Evangelista sa walang sawang pagsuporta kasama ang sangguniang barangay.Kasama ang lahat ng bumubuo ng Seniors sa pangunguna ni President Lima Gonzales.Taos pusong pasasalamat po sa ating Kon.Jojo Catindig sa libreng lugaw .Maraming salamat po at sa masisipag na kawani ng barangay.

July 06,2026   Nagkaroon ng Flag Ceremony sa Barangay Burol Calamba,City kasama ang mga kawani ng Barangay sa pangunguna...
06/07/2026

July 06,2026
Nagkaroon ng Flag Ceremony sa Barangay Burol Calamba,City kasama ang mga kawani ng Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kgg.John Kenneth Vence L. Evangelista at ng Sangguniang Barangay.Kasabay ang pagbibigay ng Birthday Gift para sa mga senior na may kaarawan sa buwan ng Hulyo handog ng Sangguniang Barangay.Isang programa na makakatulong sa ating mga senior.Isa rin sa aktibidad na isinagawa ay ang Earthquake Drill na pinangunahan ng ating masisipag na BQRT,upang turuan tayo ng mga dapat gawin kung meron kalamidad tulad ng lindol.Ginanap rin ang Nutrition Month sa pangunguna ng Komite ng Pangkalusugan na si Kgg.Richel Mamalayan,katuwang ang ating BNS Cherry Cel Banaag.Lubos po ang pasasalamat sa lahat ng dumalo.Maraming salamat po

Mapagpalang Araw po!!Muli po nagpapaala-ala sa ating mga kabarangay,na may alagang aso.Kung maaari po ay itali  natin an...
03/07/2026

Mapagpalang Araw po!!

Muli po nagpapaala-ala sa ating mga kabarangay,na may alagang aso.Kung maaari po ay itali natin ang mga alagang hayop,dahil ito po ay isa sa nagiging dahilan ng aksidente.Kami po ay umaasa sa inyong pakikipagtulungan.Maraming salamat po.

Address

Barangay Burol
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Burol Calamba, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share