11/04/2026
𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐀𝐧𝐮𝐧𝐬𝐲𝐨: 𝐒𝐊 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐝𝐞𝐫𝐨 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔
Alinsunod sa 𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐂𝐌𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔 – 𝟎𝟏𝟔 na ipinalabas ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, na nilagdaan ni Punong Lungsod Roseller H. Rizal noong 07 Abril 2026, at kaugnay ng Memorandum Circular No. 114, Series of 2026 at Executive Order No. 2026-030, ipinatutupad ang pansamantalang pagpapaliban ng lahat ng liga, programa, proyekto, at aktibidad na walang agarang pangangailangan.
Bilang tugon, ang Sangguniang Kabataan ng Banadero ay nagpapaabot ng opisyal na abiso na ipagpapaliban muna ang nakatakdang liga sa ating barangay.
Lubos naming nauunawaan ang dedikasyon ng ating mga manlalaro at coaches na naglaan ng kanilang oras, lakas, at pagsisikap sa pag-eensayo. Ang inyong dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga. Subalit, dahil sa krisis sa presyo ng langis na dulot ng sigalot sa Gitnang Silangan at mataas na demand sa pandaigdigang merkado, tumaas ang gastusin sa transportasyon at operasyon. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit napilitan tayong ipagpaliban ang liga, upang makiisa sa layunin ng pamahalaan na magpatupad ng pagtitipid at mas maayos na operasyon.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Maraming salamat po.
06/04/2026
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 📢
Energy-saving alert: Ang nakatakdang Interbarangay Sports Tournament ay pansamantalang ipagpapaliban bilang tugon sa Memorandum sa Conservation of Energy at sa kinakaharap na krisis ng bansa. Salamat sa pang-unawa ng lahat.
🏀💨 Energy-saving alert: Ang nakatakdang Interbarangay Sports Tournament ay pansamantalang ipagpapaliban bilang tugon sa Memorandum sa Conservation of Energy at sa kinakaharap na krisis ng bansa. Salamat sa pang-unawa ng lahat.
23/03/2026
𝐅𝐫𝐞𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐊 𝐉𝐞𝐫𝐬𝐞𝐲 𝐔𝐧𝐢𝐟𝐨𝐫𝐦 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐚𝐥! 🫣
As the 𝐒𝐊 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐝𝐞𝐫𝐨 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔 enters its final season, we’re excited to give you a sneak peek of our official jersey.
Even though this is our final season, jerseys are still free for the youth, patunay na hindi po namin kayo tinitipid! A lot of resources are dedicated to this program, reflecting its importance and the value we place on our players.
Note: This is just a sample—there are plenty of colors available! All basketball and volleyball players will receive a free jersey along with a team banner.
22/03/2026
📣 𝐒𝐊 𝗕𝗔𝐍𝐀𝐃𝐄𝐑𝐎 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐋𝐄𝐀𝐆𝐔𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡 𝗜𝗦 𝗛𝗘𝗥𝗘! 🏆
The Sangguniang Kabataan ng Banadero officially opens the registration for the 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐜𝐨𝐥𝐨𝐫 & 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐭𝐫𝐨𝐩𝐚. 🏀🏐
Are you ready? It’s time to build your team and claim your spot on the court. 🔥
🏀 𝐁𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬: 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐜𝐨𝐥𝐨𝐫
• Mosquito: 13–16 yrs old
• Midget: 17–21 yrs old
• Junior: 22–30 yrs old
• Senior: 31–49 yrs old
🏐 𝐕𝐨𝐥𝐥𝐞𝐲𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧𝐬: 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐭𝐫𝐨𝐩𝐚
• Men’s Division – Open Age
• Women’s Division – Open Age
💟𝐒𝐊 𝐌𝐮𝐬𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧:
• At least first 10 muse candidates to complete
• Open for Women or Gay, ages 17–30 yrs. old
📌 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐃𝐞𝐭𝐚𝐢𝐥𝐬:
🗓️ Lineup Submission (VBall), Draw of Lots, and Jersey Sizing for Basketball and Volleyball : 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟏𝟏–𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔
✅ Strictly 10 teams per division only
🚫 No reservations – first to complete requirements gets in
❗ Kindly read all requirements below carefully
📩 𝐅𝐨𝐫 𝐈𝐧𝐪𝐮𝐢𝐫𝐢𝐞𝐬:
Message our page or contact the SK Officials.
22/03/2026
𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐬𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐊𝐄𝐀𝐏!📚
Noong Enero 10, 2026, naisakatuparan ang Sangguniang Kabataan Educational Assistance Program (SKEAP) distribution para sa 100 na mga kabataang mag-aaral sa ating barangay.
Salamat sa lahat ng naging bahagi nito—lalo na sa mga kabataang patuloy na nagsusumikap sa kanilang pag-aaral. Maliit man, sana ay nakatulong ito sa inyo.
18/02/2026
𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐈𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧: 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐬𝐲𝐨𝐧
Noong nakaraang Pebrero 15, matagumpay na isinagawa ng mga mag-aaral ng Saint Vincent College of Cabuyao BSHM, Seksyon 1-A3, grupong Makatao, Makabansa, at Makadiyos ang kanilang unang community immersion session para sa mga bata at kabataan. Nakatuon ang sesyon sa kalusugan, edukasyon, at wastong kalinisan, na may layuning maitanim ang mabubuting gawi, kaalaman, at pagpapahalaga sa mga kabataan, kasabay ng pagpapaigting ng diwa ng bolunterismo at malasakit sa komunidad ng mga mag-aaral.
Nagpapasalamat din kami sa aming Barangay at mga staff sa kanilang suporta at sa pagpapahintulot na magamit ang espasyo ng Barangay Hall bilang lugar ng pagsasagawa ng programang ito.
Sa mga susunod na sesyon, patuloy na pagtutuunan ng pansin ang iba’t ibang aspeto ng kalusugan, edukasyon, at kalinisan upang higit pang maitaguyod ang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga sa kabataan, habang ipinapakita rin ang malasakit at bolunterismo sa komunidad.
11/02/2026
𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐈𝐒𝐊𝐎𝐋𝐀𝐑 - 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 📚
Ngayong buwan ng pag-ibig, ikinagagalak ng Sangguniang Kabataan ng Banadero na ianunsyo ang pakikipagtulungan sa mga estudyante ng BSHM – Section 1A3 (Group Makatao) ng Saint Vincent College of Cabuyao para sa kanilang Project Iskolar-Makabayan.
Isang apat (4) na linggong programang bahagi ng NSTP – Literacy Training Service (LTS) na naglalayong magbahagi ng kaalaman, malasakit, at mabuting pagpapahalaga sa mga batang mag-aaral—isang simpleng paraan ng pagpapakita ng pag-ibig sa pamamagitan ng serbisyo.
Ang aktibidad ay naglalayong magbahagi ng simpleng aralin, kaalaman sa kalinisan, at pagpapahalaga, upang makatulong sa mga bata na lumaki nang mas disiplinado, malusog, at may malasakit sa kanilang paligid.
Petsa: Pebrero 15 at 22, Marso 1 at 8, 2026
Oras: 8:00AM - 11:00AM
Lugar: Banadero Barangay Hall
Nagpapasalamat ang aming barangay sa mga estudyanteng piniling magsagawa ng kanilang proyekto sa aming komunidad. Ang mga ganitong proyektong naglalayong palakasin ang edukasyon, kalusugan, at mabuting pagpapahalaga ng kabataan ay patuloy na bibigyang-suporta. Nanatiling bukas ang aming komunidad sa mga inisyatibang may layuning magbigay ng positibong ambag sa kabataan.
10/01/2026
𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 📚
Ipinapaalam po ng Sangguniang Kabataan ang listahan ng mga kwalipikado para sa Educational Assistance Program.
Ang programang ito ay inilunsad bilang suporta sa mga kabataang mag-aaral, bilang tulong sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon. Bagama’t hindi man po kalakihan ang halagang ito, nawa’y magsilbi itong munting tulong at dagdag-suporta sa inyong pag-aaral at patuloy na pagpupursige sa pag-abot ng inyong mga pangarap.
🗓 Linggo, Enero 11, 2025
⏰ 9:00 AM
📍 Barangay Hall
📌 Mangyaring magdala ng photocopy ng valid ID o student ID.
Maraming salamat po, at patuloy po kayong magsikap. Ang Sangguniang Kabataan ay laging handang sumuporta sa ating kabataan. 📚
29/12/2025
𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬 𝐆𝐢𝐟𝐭 𝐆𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 🎄🎁
Noong Disyembre 23, matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan ang Christmas Gift Giving para sa ating mga chikiting na may edad 10 taong gulang pababa sa Bougainvilla Court.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Ang inyong presensya at pakikiisa ang nagbigay saya at kulay sa simpleng selebrasyong ito para sa ating mga kabataan.
Bagama’t tapos na ang Pasko, ang diwa ng pagbibigayan at pagmamahalan ay patuloy nating dadalhin sa komunidad.
Maraming salamat po at nawa’y manatili ang saya sa bawat tahanan. 🎄
23/12/2025
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀
Sa pagsusuri po ng mga isinumiteng requirements, napansin po namin na may ilan na hindi nakasunod sa patakaran, tulad ng:
- May magkakapatid na parehong nagsumite
- Kulang ang pirma sa photocopy ng school ID
- Hindi updated ang ipinasang mga requirements
Malinaw po sa initial posting ang patakaran. Ipinapatupad po ito dahil layunin po namin na masiguro ang patas at maayos na proseso para sa lahat. Lahat po ay pantay-pantay sa pagsusuri ng requirements.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
Abangan po ang mga susunod na anunsyo.
22/12/2025
𝑺𝑲, 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒔𝒌𝒐 𝒑𝒐. 🎄🎁
Buong puso po naming inaanyayahan ang mga chikiting na may edad 10 taong gulang pababa na makilahok sa 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬 𝐆𝐢𝐟𝐭 𝐆𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠, bilang munting handog ng saya at pagmamahal ngayong Pasko.
🗓 Disyembre 23, 2025
🕓 4:00 - 6:00 ng hapon
📍 Bougainvilla Court
Sama-sama po nating ipadama ang diwa ng Pasko sa ating mga kabataan. Maligayang Pasko po sa lahat! 🎄
22/12/2025
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀
Pinapaalalahanan po ang lahat na tiyaking kumpleto ang requirements na ipapasa, kabilang na po ang tatlong pirma sa photocopy ng valid school ID. Hindi rin po pinapayagan ang magkapatid na magsumite upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat. Kaya’t para sa patas na proseso, kahit nakapagpasa na, kung kulang o walang pirma, hindi po makakwalipika sa Educational Assistance.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.