ππΎ ONLINE FIESTAHAN RAFFLE 2026 πΎπ
Alinsunod po sa memorandum na ipinalabas ng ating City Government kaugnay ng limitadong selebrasyon ng kapistahan ngayong taon, minabuti pa rin po ng ating Sangguniang Barangay na maghatid ng kasiyahan at biyaya sa ating mga kabarangay sa pamamagitan ng isang Online Fiestahan Raffle.
Bagamaβt limitado ang mga aktibidad para sa pista, nananatili po ang hangarin ng inyong lingkod-bayan na makapagbigay ng saya at tulong sa bawat pamilya.
π Mga Premyo:
β
30 Winners β 25kg Rice
β
150 Winners β 10kg Rice
β
50 Winners β 5kg Rice
π Paano Sumali?
1. Sagutan ang Google Form na nakalagay sa ibaba ng post na ito.
2. Mag-upload ng alinman sa mga sumusunod:
Voterβs ID
Voterβs Certificate
Stub
π
Registration Deadline:
June 10, 2026 | 12:00 AM
DITO MAG REGISTERππ:
https://forms.gle/q9Sp5QNvY4gW4L566
β οΈ Paalala:
β’ Rehistrado lamang ng Barangay Barandal ang maaaring sumali.
β’ Isang entry lamang bawat household.
β’ Ang mga household na magkakaroon ng higit sa isang entry ay awtomatikong madi-disqualify upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang mga residente.
β’ Para sa mga hindi makapag-register online, maaari pong lumapit sa:
βοΈ Barangay Admin Office
βοΈ Inyong HOA Officers
βοΈ Mga Barangay Employees sa inyong lugar
β’ Makakatanggap po kayo ng text message kunsakaling mali po ang inyong sinumite na mga dokumento
π₯ Ang opisyal na raffle draw ay gaganapin sa June 11, 2026, ganap na 3:00 ng hapon, sa pamamagitan ng Facebook Live sa account na ito.
Huwag palampasin ang pagkakataong manalo ng bigas para sa inyong pamilya! Mag-register na at good luck sa lahatβ¨
Bagong Barandal 04
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagong Barandal 04, Public & Government Service, Barangay Barandal, Calamba City, Laguna, Calamba.
01/06/2026
ππ« BRIGADA ESKWELA 2026
Nakikiisa ang Sangguniang Barangay sa isinagawang Brigada Eskwela bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa pangunguna ni Kapitana Cristina Rosales, kasama sina Konsehala Rizalyn Bautista, Konsehal Mark Gil Quirante, Konsehala Babilyn Oruga, Konsehal Federico Inson, Konsehal Arturo Luisaga, Wilson Abelgas at buong pusong nakiisa at nagbigay-suporta sa gawaing bayanihan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Ang Brigada Eskwela ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamayanan, masisig**o natin ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating mga paaralan.
Maraming salamat po sa lahat ng mga g**o, magulang, volunteers, at mga mamamayang nakibahagi sa gawaing ito.
Sama-sama para sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan! π΅ππβ¨
28/05/2026
Magandang Araw mga ka-Barangay!
Halina po kayo sa ating Free Medical mission na kasalukuyan pong ginagawa dito po sa ating Brgy Covered Court. Ito po ay matatapos ngayong 12:00 ng tanghali po lamang. Maraming salamat po.
28/05/2026
KALASAG ni RIZAL
**MATA LINAW PROGRAM
**MEDICAL CARAVAN
**LIBRENG GUPIT
**FREE Hot Meals
DATE : MAY 29, 2026
TIME : 8:00am-12:00nn
PLACE : BRGY. BARANDAL COVERED COURT
TINDIG KALASAG !
KILOS BAYAN !
Until 9:30 am po ang ating registration today.
π’ PAANYAYA PARA SA MGA INCOMING 4TH YEAR COLLEGE STUDENTS NG BARANGAY BARANDAL
Inaanyayahan po ang lahat ng incoming 4th year college students na nakapag-enroll na para sa Academic Year 2026 na magsumite ng kanilang mga requirements para sa Presidential Scholar Program.
π Mga kinakailangang ipasa:
β’ Registration Form (Certified True Copy) para sa taong 2026
β’ Photocopy ng School ID na may address sa Barangay Barandal (previous School id is accepted)
Dahil lima (5) lamang po ang maaaring maging benepisyaryo, magkakaroon po tayo ng raffle draw upang maging patas para sa lahat ng mga estudyante.
π
Petsa: May 27, 2026
π Oras: 8:00 ng umaga
π Lugar: Barangay Court
Para naman po sa mga estudyanteng may pasok sa nasabing araw, maaari pong papuntahin ang kanilang magulang o kinatawan bastaβt may dalang:
β’ Authorization Letter
β’ Registration Form (Certified True Copy) para sa taong 2026
β’ Photocopy ng School ID na may address sa Barangay Barandal (previous School id is accepted)
Maraming salamat po at nawaβy patuloy nating suportahan ang edukasyon ng ating mga kabataan. π
22/05/2026
π’ PAABISO SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BARANDAL
Magandang araw po sa lahat.
Mariin po naming ipinababatid na mahigpit pong ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa Nayon Barandal, tapat ng Fast Logistics o saan mang parte ng Barangay Barandal.
Kaugnay nito, hinihikayat po namin ang lahat ng residente na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating barangay. Ang sinumang makakapagbigay ng impormasyon, larawan, video, o anumang malinaw na pruweba laban sa mga iligal na nagtatapon ng basura ay maaaring makatanggap ng pabuyang halagang β±5,000.
Mangyari lamang pong ipagbigay-alam agad sa aming tanggapan ang mga detalye upang ito ay agarang maaksyunan.
Magtulungan po tayo para sa malinis at maayos na komunidad. Maraming salamat po.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Barangay Barandal, Calamba City, Laguna
Calamba
4027
