Barangay Canlubang

Call Directions

Barangay Canlubang Ito ang opisyal na page ng Pamahalaang Barangay ng Canlubang.

Ang Barangay Canlubang ay pinamumunuan ni Kapitan Larry Ona Dimayuga, isang komunidad na patuloy ang pag-unlad at pag-asenso.

27/09/2026

Barangay Canlubang Sa panahon ng sakuna, mahalaga ang agarang pagtugon at pakikiramay. Patuloy ang pagtulong ni Kap. Larry sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog pakikinig sa kanilang pangangailangan at pagbibigay ng suporta sa abot ng makakaya.

Sa oras ng pangangailangan, sama-sama tayo. 🀝❀️

CC: Mam She Pulido
Usapang Canlubang
Sangguniang Kabataan ng Brgy. Canlubang

π™Šπ™‹π™„π™Žπ™”π˜Όπ™‡ π™‰π˜Ό π™‹π˜Όπ™ƒπ˜Όπ™”π˜Όπ™‚ π™ˆπ™π™‡π˜Ό π™Žπ˜Ό π™‹π˜Όπ™ˆπ˜Όπ™ƒπ˜Όπ™‡π˜Όπ˜Όπ™‰π™‚ π˜½π˜Όπ™π˜Όπ™‰π™‚π˜Όπ™” 𝙉𝙂 π˜Ύπ˜Όπ™‰π™‡π™π˜½π˜Όπ™‰π™‚Lubos po naming ikinalulungkot na ipabatid na ang KANLUNGAN ...
23/09/2026

π™Šπ™‹π™„π™Žπ™”π˜Όπ™‡ π™‰π˜Ό π™‹π˜Όπ™ƒπ˜Όπ™”π˜Όπ™‚ π™ˆπ™π™‡π˜Ό π™Žπ˜Ό π™‹π˜Όπ™ˆπ˜Όπ™ƒπ˜Όπ™‡π˜Όπ˜Όπ™‰π™‚ π˜½π˜Όπ™π˜Όπ™‰π™‚π˜Όπ™” 𝙉𝙂 π˜Ύπ˜Όπ™‰π™‡π™π˜½π˜Όπ™‰π™‚

Lubos po naming ikinalulungkot na ipabatid na ang KANLUNGAN FESTIVAL 2026, na nakatakdang ganapin mula Setyembre 24 hanggang 27, ay ating IPINAGPAPALIBAN alinsunod sa umiiral na Election Ban on Expenditure of Public Funds na itinatakda ng COMELEC Resolution No. 11265.

Batid namin ang magiging dulot nito para sa ating mga ka-barangay, kaibigan, kabataan, mga kalahok, at mga bisita na matagal nang naghihintay at naghahanda para sa mga aktibidad ng Kanlungan Festival. Nauunawaan namin ang panghihinayang na dulot ng pagbabagong ito, lalo na sa lahat ng mga naglaan ng panahon at talento para ihanda ang mga pagdiriwang.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming partners, collaborators, volunteers, performers, participating schools, organizations, sponsors, at mga kaibigan ng Kanlungan Festival na walang sawang nakikipagtulungan upang maisakatuparan ang pista ngayong taon. Lubos naming pinahahalagahan ang inyong oras, suporta, at dedikasyon.

Ngunit hindi po kanselado ang Kanlungan Festival.

Ang KANLUNGAN FESTIVAL 2026 ay itutuloy at ipagdiriwang pa rin ngayong taon, sa sandaling matapos na ang nasabing Election Ban at maging posible nang isagawa ang mga aktibidad alinsunod sa mga umiiral na alituntunin.

Samantala, magpapatuloy bukas, Setyembre 24, ang Paggunita sa Kapanganakan ni Don Jose Yulo, Sr. na isinasagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba.

π™„π™Žπ™†π™€π˜Ώπ™”π™π™‡ π™‹π˜Όπ™π˜Ό π˜½π™π™†π˜Όπ™Ž

7:00 AM
Banal na Misa
St. Joseph the Worker Parish

Susundan ito ng Wreath-Laying Ceremony sa Yulo Mausoleum, na dadaluhan ng mga kinatawan ng Pamahalaang Panglungsod at sa presensya ng ating City Mayor Rosseller H. Rizal.

Sa kabila ng pansamantalang pagpapaliban, nananatili ang diwa ng KANLUNGANβ€” ang ating pagkakaisa, pagmamalasakit, at sama-samang paggunita sa ating kasaysayan at kultura bilang isang pamayanan.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na suporta. Abangan ang opisyal na anunsyo para sa bagong petsa ng pagdiriwang.

Kita-kits pa rin sa Kanlungan Festival 2026!

21/09/2026

IKINALULUNGKOT PO NAMIN IPAALAM SA LAHAT NA HINDI PO MATUTULOY ANG GOVERNOR'S NIGHT SA CANLUBANG BUKAS SEPTEMBER 22, 2026 DAHIL SA ELECTION BAN.

17/09/2026

πŸ† Project CHAmpion: Free DOST Scholarship Review πŸ“

Preparing for the upcoming National DOST Scholarship Examination?

Tara, mag-review tayo for free! ☺️

We have allotted four Saturdays to help you prepare, refresh your knowledge, and boost your confidence before the big day:

β€’ September 19
β€’ September 26
β€’ October 3
β€’ October 10

These comprehensive review sessions are designed to give you the ultimate edge during the examination day.

For those who qualify for the DOST-SEI Undergraduate Scholarship, here are some of the benefits:

β€’ Up to β‚±40,000/year for tuition and other school fees
β€’ β‚±10,000/year learning materials and/or connectivity allowance
β€’ β‚±8,000/month living allowance
β€’ Transportation allowance
β€’ Health and accident insurance
β€’ Thesis allowance of up to β‚±10,000
β€’ Research dissemination grant of up to β‚±50,000
β€’ Graduation and clothing allowances

πŸ”— Register now via the link below and secure your slot! Makakatanggap po kayo ng tawag mula sa amin para sa ibang detalye.

Link: https://tinyurl.com/388pxhu3



CORRECTION / REVISED: Manual Payout ng Second Tranche ng UPLIFT AssistanceMagandang araw po!Humingi po kami ng paumanhin...
10/09/2026

CORRECTION / REVISED: Manual Payout ng Second Tranche ng UPLIFT Assistance

Magandang araw po!

Humingi po kami ng paumanhin ukol sa naunang naipadala na email dahil sa pagkakaroon ng pagkakamali sa naisipit na attachment. Paki-disregard po ang naunang email at ang lalabas na opisyal at tamang attachment ay ang nakakabit sa mensaheng ito.

Makiusap po kami na matulungan niyo kaming maabisuhan ang mga nasa listahan hinggil sa mga sumusunod na mahahalagang detalye at pamantayan:

Petsa at Lugar: Setyembre 14, 2026 (Lunes) sa Jose Rizal Coliseum Arena.

Requirements (National ID Lamang):

National ID lamang po ang tatanggapin sa mismong payout.

Pinapaalalahanan ang lahat na magpa-National ID na o magpa-printout ng kopya sa booth na matatagpuan sa SM Calamba.

Bawal ang Authorization Letter: Kailangang ang mismong benepisyaryo ang pupunta. Hindi po pahihintulutan ang kumuha sa pamamagitan ng kinatawan o authorization letter.

Pagpapalit ng Beneficiary: Ang pinapayagan lamang na magpalit ng Benepisyaryo ay ang mga DECEASED.

Verification sa Venue: May mga nakatalagang empleyado mula sa CSSD sa bukana ng venue upang tumulong sa pag-verify kung anong payroll at paymaster nakatalaga ang bawat benepisyaryo

Kung mayroon po kayong mga tanong o nais na linawin, maaari po kayong tumawag sa 545-6789 local 8120 o sa 0933-812-6066.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan!

07/09/2026
Ito po ang listahan mula sa DSWD ng mga potential beneficiaries ng 4Ps.Ang inyong Orientation ay gaganapin po sa Sabado,...
02/09/2026

Ito po ang listahan mula sa DSWD ng mga potential beneficiaries ng 4Ps.
Ang inyong Orientation ay gaganapin po sa Sabado, September 5, 2026 alas 8:30 ng umaga hangang 12:00 ng tanghali. Ang Validation naman ay gaganapin sa September 8 at 11, 2026, alas 8:30 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon. Lahat po ay gaganapin sa Covered Court ng Barangay Canlubang.

πŸ›οΈ PROMO ALERT! SULIT DEALS ARE COMING TO BARANGAY CANLUBANG! πŸŽ‰Craving for a sulit na pang-merienda? 😍 Tara na at samant...
23/08/2026

πŸ›οΈ PROMO ALERT! SULIT DEALS ARE COMING TO BARANGAY CANLUBANG! πŸŽ‰
Craving for a sulit na pang-merienda? 😍 Tara na at samantalahin ang mga exciting promo deals! 🀩

🍫 REBISCO CHOCO – β‚±68.00
πŸ₯¨ REBISCO HANSEL CRACKERS – β‚±69.00
🎁 BUY 1, GET 1 FREE!
πŸ“¦ 1 pack = 10 pcs

🚨 PROMO ALERT! 🚨
🍭 LIPPS POPSTIX COLOR RUMBLE – β‚±28.00 per bag
πŸ“¦ 1 bag = 50+8pcs

🍬 JUDGE SPEARMINT CANDY – β‚±18.00 per bag
πŸ“¦ 1 bag = 50+6pcs

Perfect chance na ’to para makapag-stock up sa favorite snacks at candiesβ€”sulit na sulit ang bawat bili! ❀️

πŸ“ BARANGAY CANLUBANG
πŸ“… AUGUST 23, 2026 (SUNDAY)
⏰ 7:00 AM – 4:00 PM
πŸ’š BAG YOUR DEAL, SAVE THE PLANET! πŸŒŽβ™»οΈ
πŸ›οΈ Bring your own eco bag!

Less plastic, more savings, at sama-sama nating alagaan ang ating planeta. 🌱

πŸ”₯ HUWAG PALAMPASIN ANG SULIT DEALS!
πŸ“’ PROMO ALERT, CANLUBANG! Tara na at grab your favorite treats! 🧑

See you there! πŸŽ‰

14/08/2026

Address

Canlubang
Calamba
4028

Telephone

+63495493454

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Canlubang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share