PIA Laguna

Call Directions Website Contact the organization

PIA Laguna A well-informed Filipino is an empowered Filipino. Updates and stories from the different parts of Laguna.

The PIA’s aim is to disseminate information about government programs, projects, and services to the Filipino public, with the final goal of seeing the quality of their life improved, and empower them to participate in the country’s democratic process.

π—Ÿπ—˜π—šπ—œπ—¦π—›π—˜π—”π—₯: 𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”, π—œπ——π—œπ—‘π—”π—’π—¦ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—šπ—¨π—‘π—”Bilang bahagi ng inisyatibong mailapit ang konsultasyon at pakikilahok...
09/10/2026

π—Ÿπ—˜π—šπ—œπ—¦π—›π—˜π—”π—₯: 𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”, π—œπ——π—œπ—‘π—”π—’π—¦ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—šπ—¨π—‘π—”

Bilang bahagi ng inisyatibong mailapit ang konsultasyon at pakikilahok ng mga komunidad sa pag-akda ng mga batas at implementasyon ng mga programa, idinaos ng House of Representative ang LegisHear Bawat Batas Mahalaga: A Nationwide Legislative Consultation and Oversight Initiative of the House of Representatives, sa Jose Rizal Coliseum, Calamba City, Laguna ngayong Biyernes, Oktubre 9.

Pinangunahan ni Speaker Faustino β€œBojie” Dy III ang programa, katuwang sina Senior Deputy Speaker Rep. Dinand Hernandez at host district representative si Rep. Charisse Anne Hernandez ng Lone District of Calamba.

Dumalo din sa LegisHear ang mga kinatawan ng Laguna sa Kongreso, Rep. Ann Matibag, Rep. Ramil Hernandez, Rep. Loreto Amante, Rep. Benjamin Agarao, Rep. Roy Gonzales, at Rep. Arman Dimaguila.

Ayon kay Speaker Dy, ang pagsasagawa ng LegisHear ay mahalaga upang masigurong maibabaon ng Kongreso ang mga nakuha nitong suhestiyon at tugon mula sa publiko sa kanilang mga gagawin, na sumasalamin sa pagiging bukas ng lehislatura para sa inisyatibong mamakatulong sa bawat Pilipino.

Tinalakay sa LegisHear ang mga usapin patungkol sa rehabilitasyon at pangangalaga sa Laguna de Bay at ano ang hakbang sa paggawa ng mga batas.

Bukod sa Town Hall meeting na dinaluhan ng higit 4,000 katao, magkakaroon din ng focus group discussions ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, bukod pa sa mga serbisyong kanilang ibababa sa mga Lagunense.

Ang Laguna ang ika-anim na lalawigang binisita ng Kamara para sa LegisHear.




09/10/2026

WATCH | LegisHear Press Conference, Province of Laguna, October 9, 2026

09/10/2026

WATCH | LegisHear: Bawat Batas Mahalaga A Nationwide Legislative Consultation and Oversight Initiative of the House of Representative in Laguna Province, Jose Rizal Coliseum, City of Calamba, Laguna, October 9, 2026




09/10/2026

WATCH | LegisHear: Bawat Batas Mahalaga A Nationwide Legislative Consultation and Oversight Initiative of the House of Representative in Laguna Province, Jose Rizal Coliseum, City of Calamba, Laguna, October 9, 2026




LAGUNA, TARA NANG MAKIISA SA LEGISHEAR! πŸ‡΅πŸ‡­Mas ilalapit pa ng Kongreso ang mga serbisyo at inisyatibo nito sa bawat Pilip...
08/10/2026

LAGUNA, TARA NANG MAKIISA SA LEGISHEAR! πŸ‡΅πŸ‡­

Mas ilalapit pa ng Kongreso ang mga serbisyo at inisyatibo nito sa bawat Pilipino, sa pagdating ng LegisHear: Bawat Batas Mahalaga sa lalawigan ng Laguna, ngayong Oktubre 9 at 10!

Binibigyang pagkakataon ng House of Representatives ang mga mamamayan upang marinig ang usapin, komento, at boses ng mamamayan.

Tayo nang makilahok at maging bahagi sa pag-uusap tungkol sa mga batas at issue na mahalaga sa ating komunidad.

Punta na sa Jose Rizal Coliseum at Calamba Elementary School ngayong araw hanggang bukas!




08/10/2026

π— π—”π—šπ—œπ—‘π—š 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗑𝗨π—₯π—œ | Pinabulaanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang kumakalat na maling impormasyon online ukol sa fire truck na binili umano ng Bureau of Fire Protection (BFP) na may halagang Php10-Milyon bawat isa.

Nilinaw ng kalihim, ang nasabing maliit na fire truck o tinatawag na fire trike ay programa at inisyatibo mismo ng mga lokal na pamahalaan, partikular sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa DILG, malaking tulong para sa mga LGUs ang pagbili ng mga Fire Trikes, lalo na sa mga lugar na mahirap marating ng malalaking fire trucks, upang mas mapabilis ang pagresponde sa sunog.

Sa anumang emergency, huwag mag-atubiling tumawag sa 911.




07/10/2026

𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 π—•π—œπ—šπ—”π—¦, 𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 π—•π—œπ—¬π—”π—¬π—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬π—”π—‘π—š π—–π—”π—Ÿπ—”π— π—•π—˜π—‘π—’!

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pagkakaloob ng emergency rice subsidy mula sa Local Government Support Fund o LGSF Bawat Bayan Makikinabang Program ng pamahalaang nasyunal, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong, lalo na sa pagkain at pangunahing pang-araw-araw na pangangailangan.






07/10/2026

𝗠𝗔𝗦 π— π—”π—•π—œπ—Ÿπ—œπ—¦ 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗑𝗔 π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’π—‘π—š 𝗑𝗔π—₯𝗔π—₯𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠𝗔𝗑 π—›π—”π—§π—œπ—— π—‘π—š π—¨π—‘π—œπ—™π—œπ—˜π—— 𝟡𝟭𝟭 π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ π—₯π—˜π—¦π—£π—’π—‘π—¦π—˜ 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜π—¦

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kasama si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr ang ceremonial turnover ng 130 Unified 911 Emergency Response Motorcycles sa Police Regional Office 4A ngayong Miyerkules, Oktubre 7 sa Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City, Laguna.





π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—š π—‘π—š π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—˜ π—©π—œπ—¦π—œπ—•π—œπ—Ÿπ—œπ—§π—¬ 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ π—‘π—š π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—žπ—”π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦π—”π—‘, π—§π—œπ—‘π—œπ—¬π—”π—ž 𝗦𝗔 𝗧𝗨π—₯𝗑-π—’π—©π—˜π—₯ π—‘π—š π—¨π—‘π—œπ—™π—œπ—˜π—— 𝟡𝟭𝟭 π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬...
07/10/2026

π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—š π—‘π—š π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—˜ π—©π—œπ—¦π—œπ—•π—œπ—Ÿπ—œπ—§π—¬ 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ π—‘π—š π—¦π—˜π—₯π—•π—œπ—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—žπ—”π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦π—”π—‘, π—§π—œπ—‘π—œπ—¬π—”π—ž 𝗦𝗔 𝗧𝗨π—₯𝗑-π—’π—©π—˜π—₯ π—‘π—š π—¨π—‘π—œπ—™π—œπ—˜π—— 𝟡𝟭𝟭 π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ π—₯π—˜π—¦π—£π—’π—‘π—¦π—˜ 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜π—¦

Inaasahang mas mapapabilis pa ang pag-responde ng Philippine National Police Regional Office IV-A sa mga insidente ng krimen at emergency sa rehiyon sa pamamahagi ng 130 emergency response motorcycle units sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at police stations sa buong Calabarzon ngayong Miyerkules, Oktubre 7 sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor β€œJonvic” Remulla ang ceremonial turnover ng mga motorsiklo, kasama sina PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr, PRO IV-A Regional Director Brigadier General Dominic Baccay, DILG IV-A Regional Director Engr. Ariel Iglesia, at BFP IV-A Acting Regional Director Senior Superintendent Bernard Rosete.

Tinanggap nina Laguna Governor Sol Aragones at kinatawan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na si Dr. Rolando Tumambing ang mga mobility assets, kasama ang mga punongbayan at kinatawan ng mga lungsod ng Santa Rosa at Calamba, at mga bayan ng Pagsanjan, Cavinti, Mabini, Nasugbu, at Taal.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Remulla ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na mobility assets upang matiyak na napapanatili ng PNP at BFP ang pagtugon sa mga kaso at insidente na itinatawag sa Unified 911 hotline sa buong bansa, at gawing mas mabilis, organisado at episyente ang pagtugon sa mga tawag para sa tulong kabilang ang mga malalayo at mahirap maabot na mga lugar.

Dagdag ng kalihim, inisyatibo ito ng kagawaran at ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong mas palakasin ang kahandaan at pagresponde ng pamahalaan at matiyak ang ligtas na komunidad, sa ilalim ng Safer Cities Initiative.

Ipinaliwanag ni Remulla na sa pagpapatupad ng Unified 911, nakatulong ito upang bumaba ang mga insidente ng krimen sa bansa batay sa 8 Focus Crimes na tinututukan ng PNP.

Nananatiling nasa anim na minuto ang average response time ng Unified 911 sa rehiyon, na inaasahang mas mapapabilis pa sa tulong ng mga mabilis at de-kalidad na motorcycle service sa mga police station.

Pinuri naman ng kalihim ang pamunuan ng PNP dahil sa patuloy na reporma sa hanay ng pulisya at sa pagbibigay ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman sa mga komunidad, na susi upang maging isa sa mga pinagkakatiwalaang ahensya ng pamahalaan ang PNP dahil sa agad na pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad. | via Maine Odong-Pangan, Christopher Hedreyda/PIA4A





07/10/2026

Dagdag-imbak ng bigas, paghahanda sa Very Strong El NiΓ±o

Ayon kay National Food Authority Administrator Larry Lacson, pinalalawak na ang kapasidad ng mga bodega at target na makabili pa ng karagdagang palay ngayong anihan upang mapalakas ang reserbang bigas ng bansa at matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad.

Address

GF Grande Building National Highway Bucal Calamba City, Laguna
Calamba
4027

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIA Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PIA Laguna:

Shortcuts

Share