22/10/2023
Wag kà màg alàlà añak màkakàraos din Tayo tiis Muna asin at tubig
san pedro
22/10/2023
Wag kà màg alàlà añak màkakàraos din Tayo tiis Muna asin at tubig
Marami nagsabi sakin na respeto at igalang Kung ano Ang kanilang pinaniniwalaan.
Kaya lang Ang tunay na umiibig sa kapawa ay Hindi sya papayag na mapahamak ang kanyang kapawa gayong nalalaman nya Ang katotohan.. halika subukan mo lang makinig. Magsuri ka Muna wag ka munang humusga.. welcome kayo sa pakikinig sa aral ng Inc
Ang ililigtas ni Cristo.
Hindi itinuro kailanman ng Iglesia ni Cristo na ang tao ay ililigtas ng Iglesia, hindi ang Iglesia ang magliligtas sa tao. Sapagkat kinikilala ng Iglesia ni Cristo ang Panginoong JesuCristo na tagapagligtas, siya lamang ang ibinigay ng Diyos na maging tagapagligtas ng tao:
Gawa 13:23 "Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus"
Nalalaman ng lahat na ang Panginoong JesuCristo ang ibinigay ng Diyos na tagapagligtas ng tao,subalit hindi nalalaman ng lahat kung sino ang ililigtas ng tagapagligtas. Lahat ba ng tao ay ililigtas ni Cristo? sino kung gayon ang ililigtas ng Panginoong JesuCristo?
Ephesians 5:23 "A husband is the head of his wife, as Christ is the head and the Savior of the church, which is his own body." Contemporary English Version
sa Filipino:
Efeso 5:23 "ang lalaki ang ulo ng kaniyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo at TAGAPAGLIGTAS NG IGLESIA, na kaniyang sariling katawan."
Si Cristo ang tagapagligtas ng kaniyang Iglesia na kaniyang katawan. Samakatuwid ayon mismo sa pagtuturo ng banal na kasulatan, ang IGLESIA NI CRISTO ang ililigtas mismo ng Panginoong JesuCristo.Kaya, mali ang naging pagkaunawa at naging pangunawa ng iba na dahil itinuturo namin na kailangan ng tao ang pag-anib sa Iglesia ay ang inisip agad nila na ang Iglesia ang magliligtas sa tao. Ang katunayan, dahil sa itinuturo namin na kailangang umanib ang tao sa Iglesia ni Cristo ay sapagkat ang Iglesia ni Cristo ang ililigtas ng Panginoong JesuCristo at ito ang siyang itinuturo ng Banal na kasulatan.
Balikan natin ang talata na kaniyang ginamit Juan 3:16, ganito ang nilalaman ng talatang ito:
Juan 3:16 "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Ayon sa talatang ito, sinasabi na, "ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."Ibig bang sabihin nito ay ang kailangan lang nating gawin ay ang tanggapin si Cristo bilang Panginoon at tagapagligtas upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan? Huwag nating uunawain ito sa pamamagitan ng sarili nating opinyon at sariling interpretasyon, hayaan natin ang Panginoong Jesucristo ang sumagot ng katanungang ito:
Mateo 7:21-23 "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan"
Hindi lahat ng tumatawag sa Panginoong JesuCristo maging ang mga tumatanggap sa Panginoong JesuCristo bilang tagapagligtas ang papasok sa kaharian ng langit. Maging ang mga gumagamit at nangangaral sa kaniyang pangalan ay hindi makapapasok sa kaharian ng langit.
Ano ba ang kahulugan ng Juan 3:16? Sino ba ang mga tunay na sumasampalataya kay Cristo?
Juan 10:26-27,16 "ngunit ayaw ninyong sumampalataya pagkat kayo'y hindi ko mga tupa.
Ang mga tupa ko'y nakikinig sa aking tinig; nakikilala ko sila at sila'y sumusunod sa akin
May iba pa akong mga tupang wala sa kulungang ito. Kailangang dalhin ko rin sila. Sila man ay makikinig sa aking tinig, at magkakaroon ng isang kawan at isang pastol." New Pilipino Version
Ang mga tunay na sumasampalataya sa ating Panginoong JesuCristo ay mga tinuturing niyang kaniyang mga tupa na ayon na rin mismo sa ating Panginoong JesuCristo, na ang kaniyang mga tupa ay naroon sa ISANG KAWAN na ang KAWAN na ito na kung saan napaloob ang mga tunay na sumasampalataya kay Cristo ay ang IGLESIA NI CRISTO:
Gawa 20:28 "Take heed therefore to yourselves and to all the flock, over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood." Lamsa Translation
sa Filipino:
Gawa 20:28 "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan, na rito ay hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo"
Na ang Iglesia na ito ay ang katawan ni Cristo:
colosas 1:18 "At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia . ."
Ang mga tunay na sumasampalataya kay Cristo ay mga tupa sa kaniyang kawan na sumunod sa kaniya.Ang KAWAN ay ang Iglesia na katawan ni Cristo, ang Iglesia na tinubos ng dugo ni Cristo,ang Iglesia na ililigtas ni Cristo, ang IGLESIA NI CRISTO.
Kaya lubos na ibinabahagi ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa lahat ng tao ang kahalagahan ng pag-anib ng Iglesia ni Cristo. Ito ang kaparaanang itinuturo ng Biblia upang ang tao ay maligtas sa kapahamakan na darating.
💓
22/10/2023
Cocojam for sale
22/10/2023
Naka smile na Ang baby ko
21/10/2023
Sino gusto sumubok
21/10/2023
Meryenda siksik na putok ng alavarez bakery at mainit na block coffee ☕
Baka may gusto magpagawa ng peanut butter bukas gagawa ako..
20/10/2023
Ready to pic up...
20/10/2023
Magpasexy ka na ulit...
20/10/2023
Three brothers
20/10/2023
Joven Ang venjoe wait lang Kay kuya steven