Lorhn Mood
short videos
reels
15/05/2025
"Malayo pa, pero di na katulad ng dati."
Hindi pa man marangya, pero hindi na rin kasing hirap ng dati.
Kung dati kailangan pang manghiram ng pamasahe, ngayon may panggasolina na kahit paunti-unti.
Kung dati ang pangarap lang ay makakain ng tatlong beses sa isang araw, ngayon may paminsan-minsan ng extra rice, at minsan pa nga—may dessert.
Hindi man milyonaryo, pero hindi na rin 'yung dating laging kapos.
May mga bagay nang nabibili ngayon na dati pangarap lang, at higit sa lahat,
mas magaan na sa dibdib—dahil alam mong unti-unti, binubunga ang lahat ng sakripisyo.
Kaya kahit malayo pa, hindi ko minamaliit ang narating.
Kasi ngayon, kahit papano...
Nakaluwag na. Nakakangiti na. Nakakabangon na. At higit sa lahat—nakakapagpasalamat na, hindi lang dahil may dumating, kundi dahil nalampasan ‘yung mga panahong halos walang wala.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Canlubang
Calamba
4025
