11/10/2025
BARANGAY ASSEMBLY DAY | 2nd Semester CY 2025
Isinagawa ng Barangay Wawa ang ikalawang semestre ng Barangay Assembly Day ngayong taon bilang bahagi ng mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mapanatili ang bukas at tapat na pamamahala.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay at ng buong Sangguniang Barangay, tinalakay sa pagpupulong ang mga programa, proyekto, at inisyatibang ipinatutupad sa ating komunidad, gayundin ang mga plano para sa ikabubuti ng lahat ng mamamayan.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at patuloy na sumusuporta sa mga adhikain ng ating barangay tungo sa isang maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan.
09/10/2025
๐ ๐ ZUMBARANGAY 2025 ๐บโช
Muling pinasigla ang ating barangay sa pamamagitan ng Zumbarangay na hatid ng City Government of Calapan sa pamumuno ni Mayor Doy Leachon, katuwang ang City Youth and Sports Development Department.
Sa ilalim ng programang โMaayos na Bayan Siguradoโ nagtipon-tipon ang ating mga kabarangay upang magsaya, magsayawan, at higit sa lahat, maramdaman ang diwa ng pagkakaisa at kalusugan para sa lahat
Mula sa mga bata, kabataan, hanggang sa ating mga magulang at nakatatanda, tunay na kahanga-hanga ang kanilang sigla at energy na nagbigay-buhay sa ating covered court ngayong gabi. Ang bawat indak, bawat tawa, at bawat ngiti ay patunay ng masiglang komunidad na ating pinapangalagaan. โจ
Lubos ang ating pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi. Ang inyong pakikiisa ay nagbibigay inspirasyon upang mas lalo pang magsagawa ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan, kasayahan, at pagkakabuklod ng bawat pamilyang Calapeรฑo.
๐ Sama-sama, mas masaya!
07/10/2025
โจ๐๐บ ZUMBARANGAY 2025!
Makisaya, makiisa at makihataw sa sayawan! ๐ถ๐ฅ
Samahan kami sa isang masigla at masayang gabi ng Zumba kasama si ZIN Bhong Alcano.
๐
Oktubre 8, 2025 (Miyerkules)
๐ 6:00PM โ 7:00PM
๐ Wawa Covered Court
Tara naโt sabay-sabay tayong mag-exercise, mag-enjoy, at magkaisa sa bawat indak ng ating katawan. ๐ชโค๏ธ
06/10/2025
๐ต๐ญโจ Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas โจ๐ต๐ญ
Ngayong araw ay muling isinagawa ang ating flag ceremony, isang mahalagang tradisyon na nagpapaalala sa atin ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Ang bawat pagtaas ng ating watawat ay hindi lamang simpleng seremonya, kundi isang makabuluhang alaala ng dugo, pawis, at buhay na inialay ng ating mga bayani upang makamtan ang kalayaan at demokrasya na ating tinatamasa ngayon.
Sa pagtindig natin para sa pambansang awit, kasabay ng sabayang panunumpa, ating pinatitibay ang pangakong itaguyod ang dangal ng ating bansa at maging mabuting mamamayan na handang maglingkod para sa kapwa at sa komunidad.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang seremonyang ito upang lalo nating pahalagahan ang ating kultura, kasaysayan, at pagkakaisa bilang Pilipino. Sama-sama tayong magsikap para sa mas maunlad, mapayapa, at maipagmamalaking bayan.
Mabuhay ang Pilipinas! ๐ต๐ญโค๏ธ
02/10/2025
Magandang Araw, mahal naming mga residente ng Barangay Wawa! ๐
Hinihikayat po ang lahat na makiisa at dumalo sa ating napakahalagang BARANGAY ASSEMBLY DAY para sa Ikalawang Semestre ng CY - 2025! Ito ang inyong pagkakataon upang maging aktibong bahagi sa pagpaplano at pagpapaunlad ng ating komunidad.
Sa darating na Oktubre 11, 2025 , 9am ng umaga sama-sama tayong magtipon sa Barangay Covered Court upang talakayin ang mga mahahalagang isyu, plano, at proyekto na direktang makakaapekto sa ating pamumuhay dito sa Barangay Wawa, Calapan City, Oriental Mindoro. Ang ating tema para sa araw na ito ay: "Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly!"
Ang bawat boses ay mahalaga! Ang inyong mga ideya, suhestiyon, at aktibong paglahok ay susi sa pagbuo ng mas matatag, mas maunlad, at mas inklusibong Barangay Wawa. Ito ay isang plataporma para sa transparency, pananagutan, at direktang pakikipag-ugnayan sa ating mga lider ng barangay.
Markahan na ang inyong kalendaryo at huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging aktibong miyembro ng ating komunidad. Inaasahan po namin ang inyong presensya at pakikipagtulungan!
27/09/2025
Oplan Linis Lungsod
Patuloy ang ating pagkilos at pagtutulungan sa Barangay upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng komunidad matapos ang epekto ng masamang panahon. Sa pamamagitan ng bayanihan ng ating mga kabarangay, agad na natugunan ang pag-alis ng bumagsak na puno at paglilinis sa mga kalsada.
27/09/2025
BARANGAY KALINISAN DAY
Barangay: Wawa
Date: September 27, 2025
Total number of participants: 20
Total number of LGU officials participate:
Volume of waste collected (in kilos): 10
Number of clean-up sites: 3
Location/s: Sitio 4, Sitio 2 , Sitio 3
Number of Garbage Collected (in sacks): 10
FB post : https://www.facebook.com/Sbwawa2023?mibextid=JRoKGi
26/09/2025
Sa ating Barangay, hindi lamang serbisyo ang aming hatid kundi tunay na malasakit at pagkalinga. Isa sa ating mga pangunahing layunin ay tiyakin na may sapat na pagkain ang bawat evacuee na apektado ng kasalukuyang sitwasyon.
Ngayong araw, sama-sama isinagawa ang feeding activity ng buong Sangguninang Barangay upang makapagbigay ng mainit na pagkain at kaunting ginhawa sa ating mga evacuees. Ang bawat mangkok ng Lugaw ay sumisimbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahalan sa komunidad.
๐ค Sama-sama tayong babangon.
25/09/2025
Bilang tugon sa banta ng paparating na Bagyong Opong, nagsagawa ang agarang paglilikas ang buong miyembro ng BDRRMC ( Barangay Disaster Risk Reduction Management Council), sa panganguna ni Punong Barangay Maricris Alcuran, para sa mga naninirahan malapit sa Coastal Area ng ating barangay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente naninirahan rito.
Ayon din kay Punong Barangay Maricris Alcuran nakahandang magbigay ng pangunahing pangangailangan at serbisyong kinakailangan ng ating mga evacuees habang sila ay nasa pansamantalang Evaluation Center .
25/09/2025
โPagdiriwang ng pagkakaisa at pagkakaiba-iba! ๐๐
Wawa Child Development Center โ United Nations Celebration S.Y. 2025-2026. ๐ต๐ญ๐ค๐โ