Department of Migrant Workers - Mimaropa

Department of Migrant Workers - Mimaropa

Share

Hotlineโ˜Ž๏ธ: 0998 544 2314 | (043) 441 8407
Email๐Ÿ“ง:[email protected]

27/10/2025

Pagbati ng isang Maligayang Kaarawan RD Carl
Isang inspirasyon sa pamumuno at dedikasyon sa serbisyo para sa ating mga OFWs. ๐Ÿ™Œ
Mabuhay po kayo at nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng Diyos! ๐ŸŽ‚๐Ÿ’™


Photos from Department of Migrant Workers - Mimaropa's post 17/10/2025

๐ƒ๐Œ๐– ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ -๐š๐›๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ž๐…๐–

Lungsod ng Calapan, 14 October 2025 โ€” Sa patuloy na layunin ng Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA na maiparamdam ang malasakit at suporta sa ating mga modernong bayani ng bayan, matagumpay na isinagawa ng tanggapan ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng ibaโ€™t ibang hamon habang nagtatrabaho sa ibang bansa na ginanap noong ika-14 ng Oktubre taong kasalukuyan sa Mangyan Hall, Provincial Capitol Complex, Calapan City, Oriental Mindoro.

Sa nasabing aktibidad, dalawang (2) OFW ang tumanggap ng tig-โ‚ฑ100,000, lima (5) naman ang nakatanggap ng tig-โ‚ฑ75,000, habang labindalawa (12) pang benepisyaryo ang pinagkalooban ng tig-โ‚ฑ50,000. Sa kabuuan, umabot sa โ‚ฑ1,175,000 ang naipamahaging tulong sa labinsiyam (19) na benepisyaryoโ€”isang patunay ng matatag na suporta ng DMW MIMAROPA sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.

Binigyang-kulay ng nasabing pagtitipon ang mainit na welcome message ni Chief Tambie Oliveros, na nagpaabot ng taos-pusong pagbati at pasasalamat sa mga OFW sa kanilang sakripisyo para sa pamilya at sa bayan. Kasunod nito, naghatid naman ng inspirational message si DMW MIMAROPA OIC-Regional Director Carlo B. Villaflores, PhD, na nagbigay-diin sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga OFW habang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

โ€œAng bawat OFW ay kwento ng sakripisyo, pagtitiis, at pagmamahal. Ang DMW ay narito hindi lang upang magbigay ng tulong, kundi upang makinig, umalalay, at maghatid ng pag-asa,โ€ ani Dr. Villaflores sa kanyang makabagbag-damdaming mensahe.

Kasabay ng pamamahagi ng tulong, 66 OFWs naman ang sumailalim sa Financial Awareness Seminar and Small Business Management Training (FAS-SBMT) โ€” isang hakbang tungo sa pagbibigay-kakayahan sa mga balikbayan upang maitaguyod ang kanilang kabuhayan sa bansa.

Bilang resource person, inimbitahan ng tanggapan si Ms. Keesha Mae P. Riel mula sa Department of Trade and Industry (DTI), na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa entrepreneurship, financial literacy, at tamang pamamahala ng maliit na negosyo.

Sa kabuuan, ipinamalas ng DMW MIMAROPA ang isang programa na hindi lamang nakatuon sa tulong pinansiyal, kundi sa mas malalim na layuninโ€”ang pagtaguyod sa dignidad, katatagan, at kabuhayan ng bawat OFW.

Tunay na sa puso ng bawat kawani ng DMW MIMAROPA, ang bawat OFW ay hindi lamang bilang ng estadistika, kundi buhay, pamilya, at kwento ng pag-asa na patuloy na isinusulat araw-araw.




Photos from Department of Migrant Workers - Mimaropa's post 13/10/2025

๐ƒ๐Œ๐– ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€ ๐„๐ฑ๐ญ๐ž๐ง๐๐ฌ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐š๐ญ๐ž ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก: Three OFW Families in Oriental Mindoro Receive โ‚ฑ225,000 in Medical Assistance under AKSYON Fund

Calapan City, Oriental Mindoro - In a heartfelt demonstration of public service anchored on empathy and action, the Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA brought government assistance directly to the doorsteps of three Overseas Filipino Worker (OFW) families in Oriental Mindoro, personally awarding a total of โ‚ฑ225,000 in medical aid under the AKSYON Fund on October 11, 2025.

The DMW MIMAROPA team, led by OIC-RD Carlo B. Villaflores, PhD, visited beneficiaries from Calapan City, Naujan, and Bongabong, ensuring that assistance was not only provided but personally feltโ€”beyond paperwork and protocols. Each visit reflected the agencyโ€™s deep commitment to dignifying every Filipino migrant and their family members through prompt, compassionate, and human-centered service.

The AKSYON Fund is a flagship initiative of the DMW designed to provide immediate financial assistance to distressed migrant workers and their dependents, particularly in times of medical, legal, or emergency needs.

โ€œBehind every OFW is a family whose sacrifices and silent struggles deserve to be seen, heard, and supported. This outreach is more than an act of givingโ€”itโ€™s an affirmation that government presence must always be felt where it matters most,โ€ shared DMW MIMAROPA OIC-RD Villaflores, who personally oversaw the site visits and distribution of aid.

The beneficiaries expressed profound gratitude for the timely assistance, describing it as โ€œisang biyayang dumating sa tamang oras.โ€ For many, the support provided by DMW served not just as financial relief, but as a moral reminder that the government truly stands with OFWs and their loved ones during lifeโ€™s most trying moments.

The DMW MIMAROPAโ€™s continued ground engagements across the region embody the departmentโ€™s mission to bring the government closer to the peopleโ€”not merely through programs, but through presence, empathy, and genuine care.

With every visit and every hand extended, the DMW reaffirms its enduring promise: that no OFW or their family will ever be left behind.



Photos from Department of Migrant Workers - Mimaropa's post 03/10/2025

๐๐š๐ฅ๐ข๐ค๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ช๐ฎ๐ž, ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Ž๐๐‘๐€ ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€ 2025: ๐ƒ๐Œ๐– ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Ž๐…๐– ๐๐ž๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ

Lungsod ng Makati, Oktubre 2, 2025 โ€” Isang makulay na patunay ng tatag at pagkamalikhain ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang itinampok ngayong taon sa OBRA MIMAROPA 2025. Sa pagbubukas ng prestihiyosong regional trade fair ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Glorietta Activity Center, Makati City, ipinagmalaki ng Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA ang natatanging kabuhayan ng isang balikbayan-OFW mula Boac, Marinduque.

Si Ms. Cheryl Layron, dating OFW na ngayon ay negosyante, ang nasa likod ng โ€œMarl Insect & Butterfly Cultureโ€ โ€” isang proyektong nakabatay sa pangangalaga at pagpaparami ng mga paru-paro. Ang simpleng pangarap na magpatuloy sa maayos na kabuhayan matapos ang pagtatrabaho abroad ay ngayoโ€™y nagbukas ng pinto tungo sa mas sustainable na hanapbuhay at oportunidad para sa kanyang komunidad.

Ayon kay Ms. Layron, malaking tulong ang suporta ng DMW at DTI sa kanyang negosyo: โ€œHindi ko akalaing mapapabilang ako sa ganitong malaking trade fair. Isang inspirasyon para sa akin at sa kapwa OFW na posible pala ang makapagpatuloy sa pag-unlad dito mismo sa ating bayan.โ€

Bukod sa pagbibigay ng libreng exhibition stall, ang DTI at DMW partnership ay nagbukas ng mas malawak na merkado para sa mga produkto ng mga OFW. Layunin nitong gawing modelo ang mga dating OFW na matagumpay na nakapagtayo ng negosyo, bilang inspirasyon sa iba pang nagnanais magsimula ng sariling kabuhayan.

โ€œAng aming adbokasiya ay tulungan ang ating mga kababayang OFW na makabalik sa kanilang mga probinsya na may matibay na pundasyon ng kabuhayan. Ang mga tulad ni Ms. Layron ay patunay na may buhay, may pag-asa, at may kinabukasan pagkatapos ng trabaho abroad,โ€ pahayag ng DMW MIMAROPA.

Tatagal ang OBRA MIMAROPA 2025 hanggang Oktubre 5, tampok ang malikhaing produkto at gawang-lokal mula sa ibaโ€™t ibang panig ng rehiyon โ€” isang pagbubunyi sa talino, sipag, at tatag ng mga MIMAROPA entrepreneurs at OFWs.



Photos from DMW Pre Employment and Government Placement Bureau In Action's post 23/09/2025

๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ

11/09/2025

๐—ฆ๐—–๐—”๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง! ๐—ฆ๐—ฐ๐—ฎ๐—บ ๐—ต๐˜‚๐—ฏ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป? ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—”๐—ป๐—ผ ๐˜†๐˜‚๐—ป?
Dumalo sa aming libreng webinar tungkol sa Force Criminality at Human Trafficking. Upang makadalo, magrehistro lamang sa link na ito: https://forms.gle/mZ2QJqscPdiGPHBD9
Ang webinar ay gaganapin sa ika-19 ng Septyembre (Biyernes), 9:30 AM via Facebook Live and YouTube Live.
Maaari ring ibahagi ang link ng webinar na ito sa inyong mga kapamilya, kaibigan at mga kakilala!
Ang webinar na ito ay ang dalawampuโ€™t-dalawa (22nd) sa serye ng Human, Hindi Laruan Webinar Series na isinasagawa ng CFO bilang nangungunang ahensya ng Inter-Agency Council Against Trafficking-Advocacy and Communications Committee (IACAT-ADVOCOM) sa pagpapalaganap ng impormasyon at pagbibigay ng kamalayan sa mga isyu at mga alalahanin tulad ng human trafficking at iba`t-ibang anyo nito. Matuto at Makialam!

๐—ฆ๐—–๐—”๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง! ๐—ฆ๐—ฐ๐—ฎ๐—บ ๐—ต๐˜‚๐—ฏ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป? ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—”๐—ป๐—ผ ๐˜†๐˜‚๐—ป?

Dumalo sa aming libreng webinar tungkol sa Force Criminality at Human Trafficking. Upang makadalo, magrehistro lamang sa link na ito: https://forms.gle/mZ2QJqscPdiGPHBD9

Ang webinar ay gaganapin sa ika-19 ng Septyembre (Biyernes), 9:30 AM via Facebook Live and YouTube Live.

Maaari ring ibahagi ang link ng webinar na ito sa inyong mga kapamilya, kaibigan at mga kakilala!

Ang webinar na ito ay ang dalawampuโ€™t-dalawa (22nd) sa serye ng Human, Hindi Laruan Webinar Series na isinasagawa ng CFO bilang nangungunang ahensya ng Inter-Agency Council Against Trafficking-Advocacy and Communications Committee (IACAT-ADVOCOM) sa pagpapalaganap ng impormasyon at pagbibigay ng kamalayan sa mga isyu at mga alalahanin tulad ng human trafficking at iba`t-ibang anyo nito. Matuto at Makialam!

Photos from Department of Migrant Workers - Mimaropa's post 04/09/2025

๐ƒ๐Œ๐– ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€ ๐’๐“๐‘๐„๐๐†๐“๐‡๐„๐๐’ ๐๐„๐‘๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐๐‚๐„ ๐…๐‘๐€๐Œ๐„๐–๐Ž๐‘๐Š ๐Ž๐ ๐ƒ๐€๐˜ 2 ๐Ž๐… ๐Œ๐€๐๐‚๐Ž๐Œ ๐€๐๐ƒ ๐‚๐Ž๐‘๐๐‹๐€๐๐๐ˆ๐๐†

Ermita, Metro Manila - The Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA sustained its momentum on the second day of its Management Committee (ManCom) and Corporate Planning session, placing emphasis on organizational alignment and accountability through the orientation on the updated Office Performance Commitment and Review (OPCR).

The session underscored the agencyโ€™s commitment to cascading national priorities into measurable outcomes at the regional and divisional levels. Division chiefs and planning officers engaged in an intensive orientation on the updated OPCR framework, ensuring clarity on performance indicators, targets, and compliance standards that reflect the departmentโ€™s evolving mandate in championing the rights and welfare of Filipino migrant workers.

Following the orientation, the divisions embarked on the crafting of their respective First Semester Division Performance Commitment and Review (DPCR), carefully calibrated to the updated OPCR and SPRS. The process required teams to revisit strategic objectives, fine-tune deliverables, and identify performance drivers that would guarantee higher accountability and improved service delivery across MIMAROPA.

DMW MIMAROPA OIC-Regional Director Carlo B. Villaflores, PhD, who leads the MIMAROPA Regional Office, emphasized that โ€œthe synchronization of divisional targets with the OPCR is more than a compliance mechanismโ€”it is a governance tool that measures how effectively we translate our mandate into meaningful services for our stakeholders.โ€

The exercise also served as a venue for cross-divisional collaboration, ensuring that every unitโ€™s contribution is harmonized toward the regionโ€™s collective goals. With the DPCRs crafted in alignment with the OPCR, DMW MIMAROPA aims to establish a stronger culture of results-driven governance, performance accountability, and operational excellence.

As the corporate planning continues, the agency reaffirms its resolve to elevate its performance standards and remain steadfast in its mission to protect, empower, and reintegrate Overseas Filipino Workers (OFWs) in the MIMAROPA region and beyond.



Photos from Department of Migrant Workers - Mimaropa's post 03/09/2025

DMW MIMAROPA Binuksan ang Unang Araw ng MANCOM Meeting: Pagsusuri, Pagtalakay, at Pagpapatatag ng mga Layunin

City of Manila โ€” Sa pamumuno ni OIC Regional Director Carlo B. Villaflores, PhD, pormal na sinimulan ng Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA ang unang araw ng Management Committee (MANCOM) Meeting ngayong linggo. Ang pagtitipong ito ay nagsilbing mahalagang plataporma upang muling silipin ang direksiyon ng ahensya sa rehiyon, kasabay ng masusing pagsusuri sa mga nagawa at kinakaharap na hamon ng bawat dibisyon.

Bawat division chief ay naglahad ng kani-kanilang accomplishments, patunay sa pagpupunyagi ng tanggapan na maihatid ang dekalidad na serbisyo para sa mga manggagawang Pilipino, partikular ang mga nasa MIMAROPA. Kasabay nito, hindi rin pinalampas ang pagbubukas ng talakayan sa mga issues and concerns na patuloy na humahadlang sa mas mabilis at mas maayos na implementasyon ng mga programa.

Mula sa usaping administratibo hanggang sa operasyonal na hamon, naging bukas at tapat ang diskusyonโ€”isang malinaw na manipestasyon ng kulturang mapanuri at handang makinig na pinangangalagaan ng pamunuan. Layunin nitong hindi lamang makita ang mga nagawa, kundi higit na maunawaan kung paano mas mapapabuti ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kliyente at stakeholder.

Sa kanyang pamumuno, binigyang-diin ni Dr. Villaflores ang kahalagahan ng kolektibong pagtutulungan at malasakit. Aniya, ang mga accomplishments ay dapat magsilbing inspirasyon, habang ang mga isyung binanggit ay magsilbing gabay upang makabuo ng mas epektibong plano para sa ikalawang bahagi ng taon.

Ang unang araw ng MANCOM meeting ay hindi lamang naging espasyo ng presentasyon, kundi isang bukas na talastasanโ€”isang paalala na ang tagumpay ng isang organisasyon ay nakasalalay hindi lamang sa indibidwal na galing kundi sa sama-samang pagkilos ng bawat kasapi.

Sa mga susunod na araw, inaasahang higit pang pagtitibayin ng DMW MIMAROPA ang mga konkretong hakbang at estratehiya, bitbit ang malinaw na hangaring mapabuti ang serbisyo para sa bawat migrante at pamilya na kanilang pinaglilingkuran.



Photos from Department of Migrant Workers - Mimaropa's post 02/09/2025

DMW MIMAROPA Extends โ‚ฑ1.45 Million in Financial Assistance to 21 OFWs

Calapan City, Oriental Mindoro โ€” In a moving gesture of solidarity and compassion, the Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA has awarded a total of โ‚ฑ1,450,000 in financial assistance to 21 overseas Filipino workers (OFWs), underscoring the agencyโ€™s steadfast commitment to the welfare of Filipinos who have toiled abroad in pursuit of better opportunities for their families.

Speaking on behalf of DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac and OIC-Regional Director Carlo B. Villaflores, Mr. Rhenejim Jhun A. dela Cruz, Chief Labor and Employment Officer of the MIMAROPA Migrant Workers Processing Division and concurrent Head of the Oriental Mindoro Operations, delivered not just words, but a message of empathy and kinship.

โ€œThis is not just money. It is a chance to start again, to rebuild, and to move forward,โ€ Mr. dela Cruz said in his message. โ€œI deeply empathize with your journey. I understand the hardships you have endured because I, too, have loved ones who are OFWs. I feel your sacrifices and the heavy burden you carry for your families.โ€

The event reflected both the governmentโ€™s responsiveness to the immediate needs of distressed OFWs and its recognition of their invaluable contributions to the nationโ€™s economy. For many beneficiaries, the assistance represents not only relief but also the affirmation that their struggles abroad are seen, felt, and honored back home.

The distribution was not simply about the release of funds; it was about restoring dignity and reaffirming that OFWs are never forgotten. Each beneficiary carried home not just assistance, but the assurance that the government stands beside them, ready to support and uplift.

This latest initiative of DMW MIMAROPA demonstrates the agencyโ€™s continuing resolve to walk alongside OFWsโ€”not only in times of triumph but also in times of hardshipโ€”ensuring that every overseas Filipino remains at the heart of national service.




Photos from Department of Migrant Workers - Mimaropa's post 02/09/2025

DMW MIMAROPA, Nagpaabot ng Pagmamahal at Pagmamalasakit sa Pamilya ni OFW Arlene Candelario

San Jose, Occidental Mindoro โ€” Agosto 24, 2025 - Sa kabila ng lungkot at dalamhati, muling ipinakita ng Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA ang hindi matatawarang malasakit at pagmamahal nito sa ating mga modernong bayani at kanilang pamilya.

Personal na binisita ni OIC-Regional Director Carlo B. Villaflores, PhD ang labi ni Arlene Candelario, 47 taong gulang na Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Barangay San Roque 2, San Jose, Occidental Mindoro, na pumanaw kamakailan lang.

Si Candelario, na nagtrabaho sa Doha, Qatar, ay umuwi sa bansa matapos ilapit sa DMW ang kanyang kalagayan. Sa pamamagitan ng Medical Repatriation Program at Aksyon Fund, natulungan siyang makabalik agad sa Pilipinas. Ngunit sa kasamaang-palad, siya ay binawian ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa karamdaman.

Personal din na sinamahan ni RD Villaflores ang pamilya ni Candelario sa DMW Central Office upang maisaayos ang lahat ng kinakailangang dokumento. Agad ding naipaabot ng ahensya ang tulong pinansyal sa pamilya bilang suporta sa kanilang agarang pangangailangan.

Sa kanyang pagbisita, nagpaabot ng pakikiramay si RD Villaflores at pinagtibay ang pangako ng DMW na hindi pababayaan ang mga pamilyang OFW, lalo na sa mga panahong silaโ€™y humaharap sa pinakamabibigat na pagsubok.

"Hindi lang serbisyo publiko ang tungkulin ng DMW. Ito ay tungkulin ng pusoโ€”ang tiyaking may karamay at may kasangga ang bawat pamilyang OFW sa panahon ng kanilang pangangailangan," pahayag ni RD Villaflores.

Ang pagkilos na ito ay patunay na para sa DMW MIMAROPA, higit pa sa mga dokumento at proseso ang kanilang mandato. Ito ay tungkol sa tunay na malasakit, pagdamay, at pagkilala sa sakripisyo ng bawat OFW na tulad ni Arlene Candelarioโ€”na sa kabila ng pangarap na maitaguyod ang kanyang pamilya, ay nagbuwis ng lakas at buhay para sa kanilang kinabukasan.

Sa pag-uwi ni Candelario sa kanyang bayan, hindi lamang alaala ng isang masipag na ina at manggagawa ang naiwan sa kanyang pamilya, kundi isa ring inspirasyon kung paano ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DMW, ay handang yakapin at damayan ang bawat pamilyang naiwan ng ating mga bayani sa ibang bansa.



Want your business to be the top-listed Government Service in Calapan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


M&M Bldg. , Roxas Drive, Lumangbayan
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm