23/09/2026
Ngayong araw ay isang makabuluhang milestone para sa Barangay San Antonio β isinagawa ang kauna-unahang conciliation sa harap ng Pangkat Tagapagkasundo ng ating barangay.
Matagumpay na nagkaroon ng maayos na pag-uusap ang magkabilang panig at napagkasunduan ang usapin sa pamamagitan ng mapayapang pagkakasundo. π€
Higit sa lahat, naging makabuluhan ang araw na ito dahil ngayon lamang nabuo ang Lupong Tagapamayapa ng Barangay San Antonio sa pamumuno ng ating Punong Barangay Doris Manalo Corcuera, at agad nitong naisagawa ang unang tungkulin nito para sa mapayapang pagresolba ng isang alitan.
Maraming salamat sa ating Pangkat Tagapagkasundo β Sir Ernesto Hidalgo, Madam Rosalinda Ron, at Sir Aguinaldo Bagot Jr. β sa inyong oras, pakikinig, at dedikasyon sa pagtulong na maresolba ang usapin sa maayos at mapayapang paraan.
Isang magandang simula para sa isang mas maayos, mapayapa at makatarungang Barangay San Antonio.