Galing at Serbisyo Para sa Mindoreño

Galing at Serbisyo Para sa Mindoreño

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Galing at Serbisyo Para sa Mindoreño, Political organisation, Calapan.

This page is intended for Governor Humerlito "Bonz' Dolor’s political party.

“Tara na sa gobyernong may GALING at SERBISYO para sa MINDOREÑO at nananatiling LAPAT SA TAO at TAPAT SA SERBISYO”

#ItoAngGustoKo
#SOLIDGovernorBonzDolor

Timeline photos 08/11/2025

Nakataas na ang wind signal numbers 1, 2, at 3 sa sumusunod na lugar sa bansa dahil sa bagyong , batay sa 5 p.m. weather bulletin ng PAGASA ngayong Sabado, Nobyembre 8, 2025.

08/11/2025

Para masigurado na magiging handa ang lahat ng Lokal na Pamahalaan at ang buong Pamahalaang Panlalawigan sa posibleng epekto ng bagyong Uwan, kinansela natin ngayon ang lahat ng mga Travel Authority ng mga LCEs at mga kawani ng PGOM.

08/11/2025

NEWS UPDATE: SIGNAL NO. 1, nakataas pa rin sa BUONG LALAWIGAN NG ORIENTAL MINDORO.

Ayon sa DOST-PAGASA, asahan na mararamdaman ang bugso ng malalakas na pag-ulan at hangin sa loob ng susunod na 36 na oras.

Mag-ingat po tayong lahat at umantabay sa 11:00 weather bulletin ng DOST-PAGASA ukol sa Supertyphoon.


Photos from Provincial Information Office - Oriental Mindoro's post 08/11/2025

𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼!

Alamin ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng awtoridad, at ugaliing maging handa sa anumang sakuna.

08/11/2025

✝️🙏

PANALANGIN SA PANAHON NG KALAMIDAD AT MGA SAKUNA

Panginoong Diyos, ikaw ang lumikha ng langit at lupa.

Ikaw din ang mapagmahal naming Ama. Ingatan mo kami sa mga panganib at sakuna na dulot ng malakas na pag-ulan, pagbaha, at lindol.

I-unat mo ang iyong mga makapangyarihang kamay upang pahupain ang masungit na panahon at mawala ang banta ng lindol. I-unat mo din ang aming mga kamay sa pagtulong at pagdamay sa mga kapatid naming labis na naaapektuhan ng mga sakunang ito.

At turuan mo kaming alagaan at pahalagahan ang kalikasan na iyong handog sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesuskristo, kasama ng Espiritu Santo, sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria. Amen.

08/11/2025

TINGNAN: Halos kasinglaki na ng Pilipinas ang bagyong na patuloy ang paglapit sa lupa, base sa kuha ng Himawari-8/9 satellite ng Japan Meteorological Agency pasado 8 a.m. ngayong Sabado, Nov. 8, 2025

Pumasok ang bagyo sa loob ng PAR nitong Biyernes ng gabi at nakataas na ang wind signal number 1 at 2 sa ilang lugar.

07/11/2025

Tara na, mag-𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗧𝗔𝗡𝗔! 😍

Check out the 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮𝗿 𝗼𝗳 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗧𝗔𝗡𝗔: 𝗧𝗵𝗲 𝟳𝟱𝘁𝗵 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 na may temang "𝘿𝙞𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙇𝙖𝙡𝙖𝙬𝙞𝙜𝙖𝙣, 𝙇𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣". 💚

Photos from Governor Humerlito "Bonz' Dolor's post 06/11/2025
06/11/2025

LIFTED na o inalis na ang pansamantalang pagsuspinde ng mga paglalayag sa rutang sakop ng Area of Responsibility ng Coast Guard Station Occidental Mindoro. Dahil dito, RESUMED na o balik-operasyon na ang lahat ng biyahe ng barko at bangka sa lalawigan.

Gayunpaman, pinapayuhan ang publiko na manatiling mag-ingat at magsagawa ng kaukulang aksyon laban sa anumang hindi inaasahang pagbabago sa panahon. Ang mga mas malalaking sasakyang-dagat ay binabalaan pa rin tungkol sa posibleng malalaking alon.

05/11/2025

Bagyong Tino Updates
November 05, 2025 | 11:00AM

SALAMAT SA DIYOS!

Tanging Bulalacao, Mansalay, Roxas at Bongabong na lamang po ang nakataas sa Signal #1 ayon sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA.

Normal na ang magiging biyahe ng barko patungong Batangasa mula sa Calapan Port.

Samantalang, KANSELADO PA RIN PO ANG BIYAHE MULA ROXAS PORT.

05/11/2025

MAY BIYAHE NA!

TRAVEL ADVISORY
Calapan Port

November 5, 2025 || 11:00AM

Tinanggal na ang Typhoon Cyclone Wind Signal sa Calapan City kaya balik na muli ang byahe ng mga barko papuntang Batangas. Kasalukuyang hinihintay pa ang pagdating ng mga barko mula sa kanilang shelter area.

Ops Div Pdrrmo Ormin

Want your business to be the top-listed Government Service in Calapan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Calapan
5200