31/08/2023
"Paglalakbay tungo sa Tagumpay"
August 31, 2023
Pinamalayan Gymnasium
Matagumpay na naisagawa ang Graduation Ceremony ng 700 Exiting Households ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula sa munisipyo ng Pinamalayan, Socorro at Gloria na kabilang sa mga sumusunod:
A. Level 3 (Pamilyang nakaahon mula sa kahirapan o nasa estado nang Self-Sufficiency ang result nung Social Welfare Development Indicator Assessment Tool),
at;
B. Pamilyang na-tagged sa ilalim ng Natural Attrition (Ang pinakahuling minomonitor na anak o apo ay nakapagtapos ng ng Senior High School sa taong kasalukuyan o ang edad ng mga eto ay lumampas na sa age-limit na 18. )
Ang layunin ng aktibidad na ito ay pormal na maidulog ng Pantawid Pamilya ang mga magsisipagtapos na ito sa Local Government Unit ng Gloria sa mga posibleng interbensiyon na maibibigay sa kanila sa kabila nang pag graduate nila sa programa ng 4Ps..
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales ng Pamahalaang Bayan ng Pinamalayan sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Aristeo Baldos Jr. , Pangalawang Punong Bayan Kgg. Rodolfo Magsino, SB Member Edwin Hernandez, MSWDO Grace Eunice Fabella; Opisyales ng Pamahalaang bayan ng Socorro sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Nemmen Perez, MSWDO Sharon Ylagan, Teresita Valentino (ARD for Administration) , Maria Consuelo Gonzales (PDO IV) , Provincial Link Maridel T. Rodriguez, SWO-III Rama Villacastin, Grievance Redress System Officer Marius Rio Aceremo at mga Staff ng Pantawid Pamilya mula sa Municipal Operations Office ng Pinamalayan, Socorro at Gloria.
Lubos ang pasasalamat ng mga kawani ng DSWD Pantawid sa lahat ng tumulong at nakiisa sa matagumpay na gawaing ito.
06/07/2021
14: Listong Pamilyang Pilipino Laban sa Sakuna
Mga Ka-4Ps! Ngayong National Disaster Preparedness Month, mahalaga na alam natin ang iba’t ibang mga sakuna na sanhi ng mga panganib gaya ng bagyo, lindol, landslide, baha, sunog, daluyong at tsunami, gayon na rin ang pagsabog ng bulkan. Mahalagang handa tayo sa mga sakunang dulot ng mga ito upang maprotektahan natin ang ating mga sarili pati na rin ang ating buong pamilya.
Kaya naman, ngayong e-FDS natin, talakayin natin kung paano nga ba tayo maging handa sa mga sakunang ito.
(Ang e-FDS na ito ay isang alternatibong pagsasagawa ng Family Development Session (FDS) ng Pantawid Pamilya hatid sa mga benepisyaryo ng programa upang patuloy na makapagbigay-kaalaman sa panahon ng krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19)
28/06/2021
Noong nakaraang linggo, tinalakay natin sa unang bahagi ng 13 ang mga panimulang impormasyon tungkol sa pagpapabakuna kontra COVID-19—tulad ng benepisyo nito at kung paano ito gumagana sa ating katawan.
Ngayon naman sa ikalawang bahagi ng 13: MAGPABAKUNA, tignan naman natin ang TAMANG IMPORMASYON tungkol sa iba’t ibang brands ng COVID-19 vaccines na available sa ating bansa. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon na ito, masisiguro natin bilang mga Aktibong Mamamayan ang paggawa ng responsableng desisyon ukol sa pagpapabakuna.
Tandaan, sa , Mahalagang Alamin, Gampanan, at Pahalagahan Ang BAKUNA laban sa COVID-19. Abangan sa mga susunod na araw ang iba pang TAMANG IMPORMASYONG na aming ibabahagi ukol sa pagpapabakuna.
Maaaring balikan ang unang bahagi ng 13 dito: https://www.facebook.com/DSWDPantawidPamilya/posts/4316695428381697
04/03/2021
10: PAGPAPLANONG PINANSYAL PARA SA MAGINHAWANG PAMUMUHAY
Noong Pebrero 19, 2020, inilunsad ng Department Social Welfare and Development at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kasama ng United States Agency for International Development (USAID) sa pamamagitan ng E-PESO Project nito ang Financial Literacy Manual for FDS ng 4Ps. Layunin nitong makatulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps na mas maging responsable sa pagpapaunlad ng pinansyal na kalagayan ng pamilya.
Kaya naman, ang topic natin sa eFDS ngayong Marso ay ang isang parte ng manual tungkol sa pagpaplanong pinansyal. Sundin lamang at gawin ang ilan sa mga hakbang at gabay na naririto na tutulong sa inyo upang makamit ninyo ang maginhawang buhay na pinapangarap para sa sarili at inyong pamilya.
Kumuha na ng notebook o papel at panulat para sa ilang mga gawain. Simulan na natin!
(Ang e-FDS na ito ay isang alternatibong pagsasagawa ng Family Development Session (FDS) ng Pantawid
Pamilya hatid sa mga benepisyaryo ng programa upang patuloy na makapagbigay-kaalaman sa panahon
ng krisis pangkalusugang dulot ng COVID-19)
23/02/2021
To orient the Local Government Unit, LSWDO and partner stakeholders and prepare them regarding the Kilos Unlad Case Management Process as part of the Transition Process of the Exiting Households (Code 26-Deferred Exit) from the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, a Municipal Case Conference was piloted last Friday, February 19, 2021 at the Municipality of San Teodoro, Oriental Mindoro.
The said activity was attended by different partner agencies from the LGU particularly the Municipal Administrator, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Sangguniang Bayan Representative, Department of Education (DepEd), Barangay Captains and Officials and program staff from the Municipal Operations Office headed by the Provincial Link Mam Maridel T. Rodriguez assisted by the Social Welfare Officer III Sir Abram Jamil D. Roxas, Monitoring and Evaluation Officer Mam Geanie R. Goco.
The Kilos Unlad is a social case management strategy that aims to guide and help every Pantawid Pamilya household to improve the level of their well-being by employing strategies to address gaps and needs of every family, for them to be able to step out of poverty.
The Municipal Case Conference conducted served as avenue to tackle issues and identify gaps focusing on the felt needs of each transitioning household, as well as gather commitments from the partners for its successful implementation.
The activity was successfully done through the collective efforts of the program staff and partners who work together for the welfare of every poor household in the locality.
# # #