BFAR SAAD MIMAROPA

Directions Website Contact the organization

BFAR SAAD MIMAROPA This is the official page of the BFAR Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program MIMAROPA Region.

๐‡๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ ๐…๐ข๐ง๐ ๐ž๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐๐˜๐Œ๐“๐“๐๐ ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐œ๐š๐ง, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐งDalawang libong bangus fin...
15/09/2026

๐‡๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ ๐…๐ข๐ง๐ ๐ž๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐๐˜๐Œ๐“๐“๐๐ ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐œ๐š๐ง, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

Dalawang libong bangus fingerlings ang ipinagkaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) MIMAROPA sa Nurutan Yang Manegbila na Tagbanua โ€™Tong Barangay Pical (NYMTTBP) noong Setyembre 13, 2026 bilang bahagi ng Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Sapat Para sa Lahat.

Ang Handog ng Pangulo 2026 ay isang inisyatiba ng pambansang pamahalaan na naglalapit ng mga programa, serbisyo, at tulong pangkabuhayan sa mga komunidad.

Nagmula sa Inland Sea Ranching Station (ISRS) ng BFAR MIMAROPA, sa pangunguna ng OIC nito na si G. Billie P. Subang, Jr., ang mga fingerlings na ipinagkaloob sa samahan. Inaasahang magsisilbi itong dagdag na suporta sa kanilang mga pangkabuhayang gawain habang isinasagawa ng NYMTTBP ang mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng kanilang mga kabuhayan.

Pinangunahan ni SAAD Alternate Assistant Focal Person Ellaine Mae G. Paeldin ang BFAR-SAAD team sa turnover. Nagpasalamat naman si NYMTTBP President Ana M. Rey sa ipinagkaloob na suporta at sa pagpunta ng team sa kanilang lugar upang personal na maihatid ang mga fingerlings.

Sa kaniyang mensahe sa samahan, binigyang-diin ni Paeldin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga miyembro at ng malinaw na direksiyon sa paggamit at pagpapalago ng natanggap na suporta.

โ€œMalaking bagay na nakikita naming nagtutulungan kayo at may vision kayo na palaguin โ€™yong ibinigay ni SAAD. Nagpapasalamat din po kami na binigyan ninyo kami ng pagkakataon na matulungan kayo,โ€ ani Paeldin.

Kasabay ng turnover, tiniyak ng BFAR-SAAD ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa NYMTTBP upang matukoy ang mga pangangailangan ng samahan habang isinasagawa nito ang kanilang pangkabuhayang aktibidad.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.




๐„๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฌ๐ž ๐Œ๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง, ๐’๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐๐…๐€๐‘-๐’๐€๐€๐ƒPumasa sa iba't ibang antas ng enter...
14/09/2026

๐„๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฌ๐ž ๐Œ๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง, ๐’๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐๐…๐€๐‘-๐’๐€๐€๐ƒ

Pumasa sa iba't ibang antas ng enterprise readiness ang dalawang samahang mangingisda sa mga bayan ng Sta. Fe at Ferrol matapos isagawa ng BFAR-SAAD MIMAROPA ang Enterprise Maturity Tool (EMT) Pilot Roll-Out noong Setyembre 8 hanggang 9, 2026.

Batay sa resulta ng assessment, nakakuha ang Agmanic Fisherfolk Association sa Sta. Fe ng overall score na 69.54 porsiyento at nauri bilang Advancing Enterprise. Samantala, nakakuha naman ng 88.45 porsiyento ang Guin-awayan Fisherfolk Association sa Ferrol, dahilan upang maibilang ito sa kategoryang Eligible for Graduation.

Ginamit ang EMT assessment upang sukatin ang aktuwal na kakayahan ng mga grupo sa pamamahala ng negosyo. Sa pamamagitan nito, natutukoy ang mga kalakasan at kakulangan sa operasyon ng bawat asosasyon upang maipares ang mga nararapat na suporta sa ilalim ng Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) component ng BFAR-SAAD Phase II.

Ipinakita sa pagsusuri na ang Agmanic Fisherfolk Association ay may umiiral nang paunang operasyon, ngunit kinakailangan pa ng mga dagdag na pagsasanay at suporta sa teknolohiya upang mapalakas ang kanilang pamamahala at kita.

Sa kabilang banda, ipinakita ng Guin-awayan Fisherfolk Association ang mas mataas na antas ng kahandaan sa negosyo dahil sa naitatag na nitong mga sistema sa pananalapi at organizational management. Bagama't naabot na ng grupo ang graduation threshold, dadaan pa rin ito sa huling validation at kailangang makumpleto ang mga mandatory gatekeeper indicator bago opisyal na makagraduate sa programa.

Nagpulong ang MAED team sa pangunguna ni Regional MAED Officer Randy M. Atienza kasama ang Provincial Program Management Support Office (PPMSO) personnel noong Setyembre 10 upang suriin at kunsolidahin ang mga nakalap na datos. Tinalakay rin sa pulong ang mga pagpapahusay na gagawin sa EMT bago ito opisyal na gamitin sa iba pang mga kapisanan ng mangingisda sa lalawigan.

Gamit ang mga resultang ito, ibabatay ng BFAR-SAAD MIMAROPA ang mga susunod na interbensyon sa tiyak na pangangailangan ng bawat grupo. Layunin nitong gabayan ang mga mangingisda patungo sa pagbuo ng mas matatag at pormal na Community-Based Enterprises (CBEs).

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.




๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐ž๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฉ๐ข ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ฃ๐ข๐๐ข๐จ๐œ๐š๐ง, ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง; ๐Ÿ” ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐๐š๐ค๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ง๐ Anim na samahan...
08/09/2026

๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐ž๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฉ๐ข ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‚๐š๐ฃ๐ข๐๐ข๐จ๐œ๐š๐ง, ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง; ๐Ÿ” ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐๐š๐ค๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ง๐ 

Anim na samahan ng mga mangingisda sa Cajidiocan, Romblon ang sumailalim sa tig-dalawang araw na pagsasanay sa ilalim ng Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pamamahala ng negosyo at pananalapi.

Isinagawa ang pagsasanay sa dalawang pangkat. Kabilang sa unang pangkat ang Cambijang Fisherfolks Association (CAFIA), Taguilos Fisherfolks Association (TAGFA), at Cambajao Fisherfolk Association (CAFFIA), na nagsanay noong Agosto 25โ€“26, 2026 sa Taguilos Gymnasium.

Lumahok naman sa ikalawang pangkat ang Marigondon Fisherfolks Association (MAFIA), Samahan ng mga Mangingisda ng Danao (SAMADA), at Samahan ng mga Mangingisda ng Cambalo (SAMACA) noong Agosto 27โ€“28, 2026 sa Marigondon Sports Plaza.

Kabilang sa mga tinalakay ang pag-iisip bilang isang negosyante at paghubog ng wastong pagpapahalaga sa pagpapatakbo ng negosyo, pangunahing pagtatala ng mga transaksiyon, at pag-unawa sa mga ulat sa pananalapi. Tinalakay rin ang pagtatala ng mga kita at gastusin, pangunahing kaalaman sa accounting, tamang pagtatakda ng presyo at pagkukuwenta ng gastos, gayundin ang wastong pagbabalot at paglalagay ng etiketa sa mga produktong pagkain.

Naging pangunahing speaker sa pagsasanay si Ruben R. Marzan, Jr., Chairperson ng Extension Services and Community Engagement Office ng Romblon State Universityโ€“San Fernando. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tiwala, pagiging bukas sa mga kasapi, at pananagutan sa pamamahala ng isang samahan, lalo na sa paggamit at pagtatala ng kanilang pananalapi.

โ€œMahalaga na matutuhan po ng associations [ang financial management] dahil dito po, malalaman nila kung ano na ang nangyayari sa kanilang pera, kung magkano โ€˜yung lumalabas, magkano โ€˜yung pumapasok, at kung magkano na โ€˜yung cash on hand,โ€ pahayag ni Marzan.

Para naman kay Bernabe Repizo, Pangulo ng CAFFIA, makatutulong ang mga natutuhan sa pagsasanay sa mas maayos na pagpapatakbo ng samahan, partikular sa pagkukuwenta at pamamahala ng kanilang pera.

โ€œMakakatulong siya sa pag-aayos ng takbo ng organisasyon lalong-lalo na po sa computation sa pera para malaman po ng mga miyembro kung paano magpatakbo nang maayos para mapa-unlad lalo โ€˜yung organisasyon na aming tinatangkilik ngayon,โ€ ayon kay Repizo.

Bahagi ang pagsasanay ng MAED component ng BFAR-SAAD MIMAROPA na nagbibigay ng mga tulong at pagsasanay sa mga samahang mangingisda upang mapahusay ang kanilang pamamahala at mapaunlad ang mga kabuhayang sinusuportahan ng programa.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.




  | Seaweed Pickles at Crackers na Hatid ng GSFFAMula sa karagatan ng Barangay Guinbirayan, Sta. Fe, Romblon, isang bago...
08/09/2026

| Seaweed Pickles at Crackers na Hatid ng GSFFA

Mula sa karagatan ng Barangay Guinbirayan, Sta. Fe, Romblon, isang bagong dagdag sa listahan ng produktong seaweed ang handog ng Guinbirayan Seaweed Farmers and Fishers Association (GSFFA) โ€” ang kanilang seaweed pickles at seaweed crackers.

Sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ€“ Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase II MIMAROPA, hindi lamang napalakas ang seaweed culture ng samahan kundi nabigyan din sila ng pagkakataong makalikha ng mga produktong may dagdag na halaga mula sa seaweed.

Bukod sa seaweed seedlings, farm implements, at iba pang suportang pangkabuhayan, naging mahalaga rin ang mga pagsasanay na natanggap ng mga miyembro sa seaweed processing at value-adding. Dahil dito, na-develop ng GSFFA ang mga produktong pickled seaweed at seaweed crackers na maaari nang ipamalengke at maibenta bilang dagdag na pagkakakitaan ng samahan.

Sa pamamagitan ng patuloy na paglinang sa kanilang kaalaman at produkto, mas pinatitibay ng GSFFA ang kanilang layunin na gawing mas kilala ang seaweed-based enterprise sa kanilang komunidad at merkado.

Para sa presyo, availability, at orders, maaaring makipag-ugnayan sa Guinbirayan Seaweed Farmers and Fishers Association (GSFFA) sa Brgy. Guinbirayan, Sta. Fe, Romblon, o sa mga kinauukulang BFAR-SAAD implementers sa lugar.

Source:Elaine Keith Familaran, BFAR - SAAD MIMAROPA PRDC Unit




๐€๐๐›๐จ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Ÿ‘ ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐งPinalawak ng tatlong samahan n...
07/09/2026

๐€๐๐›๐จ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Ÿ‘ ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

Pinalawak ng tatlong samahan ng mga mangingisda sa Magsaysay, Palawan ang kanilang kaalaman sa adbokasiya, pakikipag-ugnayan, at paghahanap ng mga katuwang para sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng dalawang araw na pagsasanay noong Setyembre 4โ€“5, 2026 sa Magsaysay Municipal Hall Conference Room.

Lumahok sa pagsasanay ang Samahan ng Maglalato sa Barangay Rizal (SMBR), Larga Asenso Fisherfolk Association (LAFA), at Emilod Fisherfolk Association (EFA) sa ilalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resourcesโ€“Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) MIMAROPA.

Tinalakay ni John Vincent Evio ng Palawan State University (PSU) - PCAT ang kahalagahan ng pagkilala sa mga pangangailangan ng samahan at pagsusulong ng kanilang mga karapatan at interes. Binigyang-diin din niya ang mga tanggapan at institusyong maaaring lapitan ng mga asosasyon upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at maisulong ang kanilang mga adbokasiya.

โ€œAlamin natin ang pangangailangan natin para mapondohan o masolusyonan ng gobyerno. Mas gagaan kapag marami kayong networks o connections,โ€ pahayag ni Evio.

Nagbigay din ng mensahe si Regional Assistant Focal Person Lea A. Dagot tungkol sa marketing assistance. Ipinaliwanag niya ang mga paraan na maaaring gamitin ng mga samahan upang maipakilala at maibenta ang kanilang mga produkto sa merkado.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpahayag ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Magsaysay, sa pamamagitan nina Sangguniang Bayan Members Cynthia Quejano at Neil Dela Torre, para sa planong solar salt production ng tatlong samahan.

Ang pagsasanay ay bahagi ng mga capacity-building ng BFAR-SAAD MIMAROPA para mapaunlad ang kakayahan ng mga mangingisda sa adbokasiya, pakikipag-ugnayan, at pagbuo ng mga ugnayan na maaaring makatulong sa kanilang mga pangangailangan at mga planong pangkabuhayan.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.




๐Ÿ‘ ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ข๐งTatlong samahan ng mga mangingisda sa Magsaysay,...
07/09/2026

๐Ÿ‘ ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐’๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ข๐ง

Tatlong samahan ng mga mangingisda sa Magsaysay, Palawan ang sumailalim sa dalawang araw na solar salt training noong Setyembre 2โ€“3, 2026 bilang paghahanda sa kanilang planong produksyon ng asin.

Lumahok sa pagsasanay ang Samahan ng mga Maglalato ng Barangay Rizal (SMBR), Emilod Fisherfolks Association (EFA), at Larga Asenso Fisherfolks Association (LAFA) sa ilalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resourcesโ€“Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) MIMAROPA.

Sa unang araw, tinalakay ni Lea A. Dagot, OIC ng Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD) at Regional Assistant Focal ng SAAD ang kalagayan ng produksyon ng asin sa Pilipinas, mga pangunahing hakbang sa paggawa nito, mga materyales na kailangan, at mga dapat isaalang-alang sa pagbebenta ng produkto.

Isinagawa naman sa ikalawang araw ang aktuwal na pagsasanay sa paggawa ng asin. Sa pamamagitan ng hands-on na gawain, isinagawa ng mga kalahok ang mga pangunahing hakbang sa solar salt production at sama-samang nagtayo ng kani-kanilang elevated salt beds para sa pagsasanay.

Ayon kay LAFA President Christopher Rafols, nakatulong ang aktuwal na pagsasanay upang magkaroon sila ng mas malinaw na kaalaman sa proseso bago nila isagawa ang planong produksyon ng asin.

โ€œMaraming salamat po sa BFAR-SAAD dahil naranasan namin ang actual na paraan ng paggawa nito (solar salt production) na ginawa sa bawat asosasyon,โ€ ani Rafols.

Ang pagsasanay ay bahagi ng ipinamamahagi BFAR-SAAD MIMAROPA para sa mga samahan ng mga mangingisda, partikular sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing maaaring suportahan ang kanilang mga kabuhayan.

Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasanay, naihanda ang SMBR, EFA, at LAFA sa mga pangunahing proseso ng solar salt production na maaari nilang maging batayan sa pagpapatupad ng kanilang planong paggawa ng asin.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.




๐๐˜๐Œ๐“๐“๐๐ ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐œ๐š๐ง, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฌ๐จ๐ฅ๐š๐ซ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ญ ๐ญ๐ž๐œ๐ก๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ Tatlumpung miyembro ng Nurutan y ang Manegbila na Tagbanu...
02/09/2026

๐๐˜๐Œ๐“๐“๐๐ ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐œ๐š๐ง, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฌ๐จ๐ฅ๐š๐ซ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ญ ๐ญ๐ž๐œ๐ก๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ

Tatlumpung miyembro ng Nurutan y ang Manegbila na Tagbanua โ€˜tong Barangay Pical (NYMTTBP) ang sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay sa solar salt technology noong Agosto 25โ€“26, 2026 sa Barangay Pical, Linapacan, Palawan.

Pinangunahan ni Lea A. Dagot, OIC ng Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD) ang aktibidad, katuwang ang Provincial Program and Management Support Office (PPMSO) sa Palawan.

Sa unang araw, isinagawa ang talakayan tungkol sa produksyon ng asin upang maibahagi sa mga kalahok ang proseso at mga pangunahing kaalaman sa paggawa ng asin. Sinundan ito ng aktuwal na pagsasanay sa ikalawang araw, kung saan sama-samang itinayo ng mga miyembro ang elevated solar salt bed bilang bahagi ng praktikal na pagsasanay.

Sa pamamagitan ng aktuwal na konstruksyon, nagkaroon ang mga kalahok ng pagkakataong maisagawa ang mga natutunan mula sa talakayan at magkaroon ng praktikal na karanasan sa paghahanda para sa produksyon ng asin.

Ang pagsasanay ay bahagi ng mga aktibidad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ€“ Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program Phase II sa Palawan na nakatuon sa pagbibigay ng mga kagamitang pangkabuhayan at teknikal na kasanayan sa mga samahang mangingisda.

Matapos ang pagsasanay, magagamit ng mga miyembro ng NYMTTBP ang kanilang mga natutunan bilang gabay sa pagsasagawa ng produksyon ng asin gamit bilang bahagi ng kanilang pangkabuhayan.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.




๐’๐€๐…๐€๐‘๐Ž ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฌ, ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐›๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ ๐Ÿ๐ข๐ง๐ ๐ž๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐…๐€๐‘-๐’๐€๐€๐ƒ Tumanggap ang San Andres Fisherfo...
01/09/2026

๐’๐€๐…๐€๐‘๐Ž ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฌ, ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐›๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ ๐Ÿ๐ข๐ง๐ ๐ž๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐…๐€๐‘-๐’๐€๐€๐ƒ

Tumanggap ang San Andres Fisherfolks Association of Romblon (SAFARO) ng 12,000 bangus fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ€“ Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) MIMAROPA para sa kanilang fish pen project sa Matutuna, San Andres, Romblon.

Isinagawa ang pamamahagi noong Agosto 25 sa koordinasyon ng Brackishwater Fisheries Research Station (BFRS) sa Naujan, Oriental Mindoro, na nagsilbing katuwang sa pagkakaloob ng bangus fingerlings para sa proyekto.

Ang mga fingerlings ay inilaan bilang dagdag na inputs para sa bangus culture ng SAFARO FA sa fish pen sa Matutuna. Layunin nito na masuportahan ang pagpapatupad ng kanilang mga livelihood project batay sa kanilang natukoy na pangangailangan.

Patuloy namang isasagawa ang monitoring sa proyekto upang matukoy ang kalagayan ng production activity at ang mga pangangailangan ng asosasyon sa pagpapatupad nito.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.




Address

Barangay Sapul
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BFAR SAAD MIMAROPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BFAR SAAD MIMAROPA:

Shortcuts

Share