Ang Calapan City Online Palengke ay isang page na maghahatid serbisyo ng pagtitinda ‘online’ ng lahat ng mga produkto sa Pamilihang Lungsod ng Calapan. Ang Online Palengke ay nagpapakita o nagpiprisinta ng iba’t ibang produkto o tulad ng karne, gulay, isda, bigas, groceries, glass wear, RTW at marami pang uri na iba. Ang paglabas ng tahanan para pumunta sa palengke ay isang banta na ang b
unga ay ang kawalan ng kabuhayan o pagkakakitaan ng mga manininda sa pamilihan. Ang layunin ng paglulunsad ng ganitong sistema ay upang gawing ligtas at tulungan ang mga manininda na magkaroon ng koneksyon sa kanilang mamimili ng walang pisikal na kontak. Higit na makapagbigay serbisyo sa mga taong nais mamili ngunit hindi makalabas sa kanilang tahanan tulad ng mga Senior Citizen, Buntis at PWD At upang buhaying muli ang pinagkikitaan ng mga manininda at mga nagmamaneho ng tricycle sa Pamilihang Lungsod. Ang Calapan City Online Palengke ay programa sa pamamahala ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa ilalaim ng City Economic Enterprise Department sa kabila ng pandemyupang mapanatili ang kalusugan ng bawat Calapeño.
1. Mechanics
• Ang lahat ng produkto sa Pamilihan ay maaring bilhin sa Online Palengke.
• Ang oras ng pamimili sa Online Palengke ay sisimulan ng alas-7 ng umaga hanggang alas-12 lamang ng tanghali.
• Walang limitasyon sa dami at presyo ng produktong maaring bilhin sa pamilihan
• Ang delivery fee ay para sa tricycle o sasakyan na mag sisilbing pamasahe na mag hahatid ng pinamiling produkto.
• Para sa mga Customer mula sa ibang bayan ng paghahatid ay nakabatay sa Municipal ng Naujan, Victoria, Baco at San Teodoro.
• Ang presyo ng produkto ay maaaring magbago depende sa supply ng kalakal.
• Hindi pinahihintulutan ikansela ang order
2. Proseso ng pagbili sa Online Palengke
• Pumunta sa page ng Online Palengke. “Link”
• I-Follow at i-like ang page
• Direktang pumunta sa mensahe upang makapag-order.
• Punan ang hinihinging impormasyon upang mapabilis ang proseso.
• Ang produkto ay maaaring maihatid ng 1 oras hanggang 1 oras at 30 minuto. (depende sa lugar na pag dadalhan ng mga pinamili.
• Ang pagbabayad ay COD (Cash on Deliver) at pwedeng GCash o sa Smart Padala “Online Market GCash at Smart Padala Number”.