22/09/2026
ππππππ ππππππ ππ πππππ ππ πππππ ππππ, ππππ ππ πππππππππ ππ ππππ πππππ πππππ ππ πππ; ππππππππ ππππππππππ, ππππππππππ ππππππππ
Mabilis na ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang paghahain ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari ng motorsiklo at rider nito matapos umanong batuhin ang isang batang sakay ng tricycle habang kasama ang kanyang ina.
Batay sa viral video na unang inilabas sa Facebook account ni βFloressil Melissa Garciaβ at kalaunan ay nakarating sa LTO, makikitang nakasakay ang bata sa isang tricycle kasama ang kanyang ina at umanoβy binato ng mga sangkot ang noo ng bata nagresulta sa pagkasugat nito habang binabagtas ang pampublikong kalsada. Ayon sa paunang impormasyon, nagkaroon muna ng alitan sa pagitan ng mga sangkot bago ang insidente. Makikita rin sa video na hindi tinantanan ng mga sangkot ang biktima at kinukuhanan pa ito ng video habang sakay ng tricycle. Kapansin-pansin din na walang side mirror ang motorsiklo at hindi awtorisado ang mga helmet na suot ng rider at backrider.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang LTO upang matukoy ang pagkakakilanlan ng rehistradong may-ari ng motorsiklo at rider, na nagresulta sa pormal na paghahain ng SCO laban sa kanila.
Ayon sa SCO, inaatasan ang mga sangkot na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 29 upang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig. Kinahaharap nila ang mga alegasyon ng Reckless Driving, paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, Failure to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, Failure to Require the Back Rider to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, at Motor Vehicle Operating Without Accessories.
Maaari namang tuluyang bawiin ng LTO ang driverβs license ng rider kung mapatutunayang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
Inaatasan din ang rider na isuko ang kanyang driverβs license sa IID, na isasailalim sa 90-araw na suspensyon, habang inilagay naman sa alarm status ang naturang motorsiklo habang isinasagawa ang kaukulang proseso.
βHindi kailangang idaan sa dahas ang anumang hindi pagkakaunawaan sa kalsada. Lalo nating dapat bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga bata at hindi natin palalampasin ang anumang kilos na maaaring maglagay sa panganib sa kanilang buhay. Hinihikayat natin ang bawat motorista na maging responsable, pairalin ang disiplina, at laging igalang ang kapwa sa kalsada,β ani Asec. Lacanilao.
Hinihikayat ng LTO ang publiko na patuloy na magsumite ng mga ulat at video hinggil sa mga insidente ng paglabag sa batas at mga panuntunan sa kalsada upang agad na maimbestigahan at maaksyunan ng ahensya. Ang mga ganitong ulat ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga pampublikong kalsada. Tinitiyak ng LTO na ang bawat sumbong na may sapat na impormasyon ay susuriin at sasailalim sa kaukulang proseso alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.
πππππ ππ ππππππ ππ πππππππ ππ ππππ, ππππ ππ πππππππππ ππ ππππ πππππ πππππ ππ πππ; ππππππππ ππππππππππ, ππππππππππ ππππππππ