Provincial Information Office - Oriental Mindoro

Provincial Information Office - Oriental Mindoro

Share

The Official page of the Public Information Services Division of PG-Oriental Mindoro.

15/05/2026

๐Ÿ“ฃ๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—”๐—”๐—ก:

๐Ÿ“ŒIka-30 ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ 2026 ang ๐ƒ๐„๐€๐ƒ๐‹๐ˆ๐๐„ ng ๐—ง๐—”๐—ซ ๐—”๐— ๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฌ ng Pamahalaang Panlalawigan para sa pagbabayad ng Real Property Tax nang walang penalties, surcharges o interes.

15/05/2026

Alamin ang mga patakaran sa paggamit ng mga sasakyan ng pamahalaan.

๐Ÿšฆ Ang tiwala ng publiko ay nabubuo sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng mga yaman at pag-aari ng lalawigan.Ang Provincial Government of Oriental Mindoro ay nakatuon sa transparency at pananagutan sa paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno.
Bilang bahagi ng "Gabay sa Tamang Paggamit ng Sasakyan ng Pamahalaan", ipinapaalala ng Provincial General Services Office sa lahat ng kawani at sa publiko ang mga mahigpit na alituntunin tungkol sa mga sasakyang may "Red Plate":

MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SASAKYAN NG PAMAHALAAN
1. Para sa Opisyal na Gamit Lamang
Ang sasakyan ng pamahalaan ay dapat gamitin lamang para sa mga gawain at transaksyong may kaugnayan sa opisyal na tungkulin.
2. May Awtorisasyon Bago Gamitin
Kinakailangang may pahintulot mula sa kinauukulang opisyal bago gamitin ang sasakyan. Ipinaiiral ang โ€œNo Trip Ticket, No Travelโ€ policy.
3. Tamang Driver Lamang ang Pahihintulutan
Tanging mga awtorisadong driver ang maaaring magmaneho ng sasakyan.
4. Iwasan ang Personal na Paggamit
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng sasakyan para sa personal na lakad o pribadong interes.
5. Sundin ang Itinakdang Ruta at Oras
Ang paggamit ng sasakyan ay dapat naaayon sa itinakdang ruta at iskedyul. Ang paggamit nang lagpas sa working hours o tuwing Sabado at Linggo ang mangangailan ng sapat na awtorisasyon.
Opisyal na Layunin ng Paggamit ng Sasakyan ng Pamahalaan
Ang sasakyan ng pamahalaan ay ginagamit lamang para sa mga gawaing may kaugnayan sa tungkulin ng opisina at sa paghahatid ng serbisyong pampubliko. Kabilang dito ang:
1. Pagganap ng Opisyal na Tungkulin
Para sa pagpunta sa mga meeting, inspeksyon, fieldwork, at iba pang gawain na bahagi ng trabaho.
2. Paghahatid ng Serbisyo sa Mamamayan
Pagsuporta sa mga programa at proyekto ng pamahalaan tulad ng outreach, relief operations, at community services.
3. Transportasyon ng mga Opisyal at Empleyado
Para sa pagdalo sa mga opisyal na lakad gaya ng seminars, trainings, at conferences.
4. Pagdadala ng Kagamitan at Dokumento
Para sa ligtas at maayos na paglipat ng mga kagamitan, supplies, at mahahalagang papeles ng opisina.
5. Pagtugon sa Emergency
Para sa mabilis na aksyon sa panahon ng sakuna, kalamidad, o iba pang urgent na sitwasyon.

Ang mga sasakyan ng pamahalaan ay pag-aari ng mamamayan. Tiyakin nating ang mga ito ay ginagamit lamang para pagsilbihan ang komunidad.

14/05/2026

WHO SHOT FIRST?

Malacaรฑang releases additional details on the shooting incident at the Senate.

Meanwhile, the location of Sen. Bato Dela Rosa has yet to be confirmed.

14/05/2026

TINGNAN: Pinakamataas na heat index ngayong ika-14 ng Mayo, umabot sa 42 degree Celcius na nasa kategoryang ๐——๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ.

Ang ganito katinding init ay lubhang mapanganib sa ating kalusugan kung kaya't siguruhing laging hydrated.

14/05/2026

TINGNAN: Umabot na sa ๐——๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐—ฅ ๐—Ÿ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ (42 degree Celcius) ang heat index na naitala sa lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong ika-14 ng Mayo as of 2:00 pm.

Siguruhing ligtas ang sarili at pamilya sa sobrang init ng panahon. Ugaliing uminom ng sapat na dami ng tubig upang manatiling hydrated.

Source: Pagasa Southern Luzon

Photos from Provincial Veterinary Office - Oriental Mindoro's post 14/05/2026
Photos from Orminpeso's post 14/05/2026
Photos from Provincial Information Office - Oriental Mindoro's post 14/05/2026

๐— ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ถ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—–๐——๐—ข

14 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan - Isinusulong ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ang maayos at epektibong pamamahala ng mga micro cooperative sa lalawigan sa pamamagitan ng isinasagawang dalawang (2) araw na mandatory training sa Kapitolyo.

Ito ay bilang pagtalima ng Pamahalaang Panlalawigan sa Memorandum Circular No. 2015-09 ng Cooperative Development Authority (CDA) na layong higit pang palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal at myembro ng mga kooperatiba sa usaping pamamahala at paggamit ng shared capital sa pamamagitan ng pagsasanay.

Sa ikalawa at huling araw ng pagsasanay, nakatuon ang talakayan sa paksang Cooperative Governance and Management of Micro Cooperatives na pinangunahan ni PCDO Supervising Cooperative Development Specialist Cristian B. De Ade.

Alinsunod sa direktiba ni Gobernador Humerlito "Bonz" A. Dolor na higit pang palakasin ang mga kooperatiba sa lalawigan, pursigido ang PCDO sa pangunguna ni PCD Officer Orlando B. Tizon na umasiste sa mga ito.

Samantala, nakasaad sa Philippine Cooperative Code of 2008 na mahalaga ang pagsasagawa ng ganitong mga pagsasanay upang mabigyan ng sapat na edukasyon at kasanayan ang bawat kasapi at opisyal ng mga kooperatiba tungo sa pangmatagalang pag-unlad ng kani-kanilang samahan.

14/05/2026
Photos from PGOM-Phrmo's post 14/05/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Calapan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Oriental Mindoro Provincial Capitol, Camilmil, Calapan City
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm