07/05/2026
๐๐ข๐๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ ๐ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ก๐๐๐ซ๐ญ ๐๐จ๐ซ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ก๐๐ซ๐๐จ๐ฅ๐ค.
Mangingisdang Direktor Program = Filipino fisherfolk and the BFAR in a mutual cooperation towards a progressive, inclusive, and sustainable fisheries sector. ๐โจ
07/05/2026
237 ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ญ๐๐๐ง, ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ง๐๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐
๐
๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง
CALINTAAN, Occidental Mindoro โ Kasalukuyang isinasagawa ngayong Mayo 7 ang distribusyon ng tulong sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks Program (PAFFP) sa bayan ng Calintaan bilang bahagi ng mas malawak na โฑ10-bilyong ayuda ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Sa ilalim ng programa, aabot sa 237 mangingisda mula sa bayan ang inaasahang makatatanggap ng tulong na layuning maibsan ang epekto ng ibaโt ibang hamon na kinahaharap ng sektor ng pangisdaan at mapalakas ang kanilang kabuhayan.
Pinangunahan ang aktibidad nina Municipal Mayor Atty. Eric C. Labrador at Municipal Agriculturist Ronie B. Pasion, MAgr, katuwang ang mga kinatawan mula sa Provincial Fisheries Office na sina Niko S. Ausan at Jerome M. Mayorga sa pamumuno ni Provincial Fishery Officer Edgardo S. Payas.
Ipinakita ng naturang programa ang matibay na ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng lokal at probinsyal na pamahalaan upang matiyak na makarating ang agarang suporta sa mga benepisyaryo. Layunin din nitong maglatag ng pangmatagalang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kabuhayan at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan.
Photos from PFO-Occidental Mindoro
#
07/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng ahensya sa mga mangingisda sa pamamagitan ng Fuel Assistance to Fisherfolk Program, ipinamahagi ng BFAR MIMAROPA ang nasa dalawang daan at dalawampuโt anim (226) na cards sa mga sa lalawigan ng Occidental Mindoro kabilang na ang siyamnapu (90) sa bayan ng Looc at Lubang. Pinaiigting ng prosesong ito ang moderno at episyenteng pagbibigay-serbisyo sa pamamagitan ng Virtual Know Your Client (KYC) processing, kung saan isinagawa ang virtual na panayam sa mga benepisyaryo at pag-imprenta ng mga card sa tulong ng Business Solutions Partner na United Storefront Services Corporation.
Tinanggap ang mga naturang fuel card sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Looc na sina Bb. Lyka Ellaine Dela Torre, Officer-in-Charge ng Pambayang Tanggapang Pang- Agrikultura ng Looc, Occidental Mindoro, at ni G. Mark Lancelot Mendoza, Fisheries Extension Officer ng Lubang, Occidental Mindoro. Isinagawa ang turnover kaalinsabay ng pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk Program noong Abril 29โ30, 2026.
Ang bawat fuel card ay may halagang Php 3,000.00 at maaaring gamitin sa mga akreditadong istasyon ng gasolina. Ang Fuel Assistance to Fisherfolk Program ay isang patuloy na programa ng DA-BFAR na naglalayong tulungan ang mga mangingisda na maipagpatuloy ang kanilang pangingisda sa kabila ng tumataas na presyo ng krudo.
Photos by LGU Lubang, LGU Looc
Article by Mr. Emmanuel Perez, Planning Unit
06/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Nais mo bang mag-alaga ng Australian Red claw Crayfish? ๐ฆ
Simulan ang tamang kaalaman at alamin ang mga gabay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa responsable at maayos na pag-aalaga ng Australian Red claw Crayfish.
Narito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa BFAR Administrative Circular No. 001, series of 2025.
06/05/2026
Shared from BFAR Philippines :
๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ซ ๐
๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฌ๐ก๐๐ซ๐๐จ๐ฅ๐ค ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐
๐
๐)!
Narito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa programang naglalaan ng agarang tulong pinansyal para sa ating mga magsasaka at mangingisda.
Sa ilalim ng PAFFP, maaaring makatanggap ng โฑ2,325 na cash assistance ang mga benepisyaryo upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan at mapanatili ang kanilang kabuhayan. Layunin nitong maibsan ang epekto ng mga hamon tulad ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East at iba pang suliraning kinahaharap ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Basahin ang buong infographic para sa kumpletong detalye.
๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ซ ๐
๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฌ๐ก๐๐ซ๐๐จ๐ฅ๐ค ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐
๐
๐)!
Narito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa programang naglalaan ng agarang tulong pinansyal para sa ating mga magsasaka at mangingisda.
Sa ilalim ng PAFFP, maaaring makatanggap ng โฑ2,325 na cash assistance ang mga benepisyaryo upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan at mapanatili ang kanilang kabuhayan. Layunin nitong maibsan ang epekto ng mga hamon tulad ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East at iba pang suliraning kinahaharap ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Basahin ang buong infographic para sa kumpletong detalye.
06/05/2026
๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ฐ๐๐๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ: ๐๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐-๐๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐ฐ๐๐๐ ๐๐ซ๐ฒ๐๐ซ, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐
AGUTAYA, Palawan โ Mas pinaigting ang pagsuporta sa industriya ng seaweed sa bayan ng Agutaya matapos magsagawa ng masinsinang koordinasyon ang Enhanced Seaweed Philippines Seaweed Development Program kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Agutaya (LGU) at samahan ng mga benepisyaryo ng seaweed dryer mula Abril 20 hanggang 24, 2026.
Sa isinagawang serye ng pulong, tuwirang tinukoy ang mga kritikal na isyu at teknikal na pangangailangan sa paggamit at pamamahala ng seaweed dryerโisang mahalagang pasilidad na inaasahang magpapataas ng kalidad at halaga ng produksyon ng seaweed sa lugar. Kabilang sa mga napagtuunan ng pansin ang mga hamon sa operasyon, maintenance, at optimal na paggamit ng kagamitan upang mas mapakinabangan ito ng mga lokal na seaweed farmer.
Bukod dito, pinagtibay ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng LGU at ng samahan ng mga benepisyaryo bilang susi sa pagpapatuloy at tagumpay ng proyekto. Binigyang-diin na ang aktibong partisipasyon ng lokal na pamahalaan at komunidad ay mahalaga upang matiyak ang pangmatagalang benepisyo ng programa.
Ayon sa mga kalahok, ang naturang hakbang ay hindi lamang nakatuon sa agarang solusyon sa mga umiiral na suliranin, kundi pati na rin sa pagbuo ng matibay na pundasyon para sa mas progresibong seaweed industry sa Agutaya.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng programa na palakasin ang kabuhayan ng mga mangingisda at seaweed farmer sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, epektibong pamamahala, at tuloy-tuloy na suporta mula sa pamahalaan.
06/05/2026
Shared from BFAR FishCore Project - FMA 6:
๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ ๐ ๐ฒ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ ๐ณ๐๐ฟ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ฑ๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ ๐๐ต๐ฒ๐ถ๐ฟ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ธ๐ถ๐น๐น๐
The Regional Project Implementing Unit (RPIU) of the Fisheries and Coastal Resiliency Project (FishCoRe) under the Fisheries Management Area (FMA) 6, in its desire to enhance the communication and writing capabilities of the personnel involved in the processing of information related to the FishCoRe Project organized and conducted a training titled โFishCoRe Communications Workshop: Multimedia Communications and Digital Campaign Development for FMA 6โ in Clark, Pampanga.
05/05/2026
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ง, ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐
๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐-๐๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐; ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐จ๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐๐๐ง
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro โ Pormal na kinilala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 17 mag-aaral ng Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) mula sa Mindoro State University sa isinagawang completion rites ng kanilang On-the-Job Training (OJT) ngayong Mayo 5 sa BFAR Conference Room.
Nagtapos ang mga intern matapos makumpleto ang 486 oras na pagsasanay kung saan sila ay naitalaga sa ibaโt ibang yunit ng ahensya. Personal na pinangunahan ni Roberto R. Abrera, Officer-in-Charge Regional Director, ang pagkilala sa kanilang ambag at pakikipagpulong sa mga mag-aaral. Dumalo rin ang kanilang academic adviser na si Sarah Jane M. Festijo.
Sa kanyang mensahe, iginiit ni RD Abrera ang mahalagang papel ng information technology sa modernisasyon ng sektor ng pangingisda. Binigyang-diin niya na ang paggamit ng mga digital tools, research-based systems, at mobile applications ay susi sa mas episyenteng pamamahala ng datos, pagpapalawak ng turismo, at pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan. Hinikayat din niya ang mga intern na gamitin ang kanilang kakayahan sa teknolohiya upang makabuo ng mga makabagong solusyon na makatutulong sa mga komunidad, lalo na sa sektor ng pangingisda.
Tampok din sa programa ang presentasyon ng mga naging output ng mga intern, kabilang ang mga system development initiative at dokumentasyon ng kanilang mga naging gawain sa loob ng BFAR.
Nagtapos ang aktibidad sa paggawad ng mga sertipiko at tokens of appreciation bilang pagkilala sa dedikasyon ng mga mag-aaral at sa patnubay ng mga kawani ng BFAR sa kanilang pagsasanay.
Photos by Ms. Ellie Rose T. Almeda and Mr. Mico Suarez