04/06/2026
๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ก๐ฒ๐ฌ๐ข๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ ๐๐ง๐ฏ๐๐ง๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ซ๐ข-๐๐ซ๐ข๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ
OCCIDENTAL MINDORO โ Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng transparency, accountability, at maayos na pamamahala ng mga pag-aari ng pamahalaan, isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) MIMAROPA ang Physical Count Inventory of Property sa ibaโt ibang operating units sa lalawigan ng Occidental Mindoro mula Hunyo 2 hanggang 4, 2026.
Noong Hunyo 2, isinagawa ang inventory activity sa Provincial Fishery Office (PFO) sa Brgy. Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro sa pangunguna ni PFO Head Edgardo S. Payas. Sinundan ito noong Hunyo 3 sa Fisheries Inspection and Quarantine Unit (FIQU) sa Brgy. Wawa, Abra de Ilog, Occidental Mindoro, sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Chezter Carpio. Samantala, noong Hunyo 4, isinagawa rin ang physical inventory sa PFO Sub-Office sa Sablayan, Occidental Mindoro, kung saan nanguna si FPLEG Team Leader Ruel G. Garcia.
Pinangunahan ang aktibidad ng Inventory Committee and Secretariat sa pamumuno ni Mr. Joriel R. Aclan bilang Chairman, katuwang sina Mr. Dave S. Umali, Inventory member at Mr. Enoch Theodor III A. Harina bilang Inventory Secretariat Head. Kabilang sa Inventory Secretariat sina Ms. Marleybeth Vanessa Pascual, Ms. Frances Aleana Fulgado, Mr. Jhon Eric Fulgado, at Ms. Ella Mae Magnaye.
Sinaksihan din ang isinagawang imbentaryo ni Resident Auditor Luzviminda A. Bayanay, State Auditor IV, bilang bahagi ng pagsusulong ng tamang beripikasyon, pagsunod sa umiiral na auditing requirements, at masusing pagtiyak sa katumpakan ng mga rekord ng ari-arian ng tanggapan.
Layunin ng Physical Count Inventory na tiyakin na ang lahat ng government properties, semi-expendable properties, property, plant and equipment (PPE), at iba pang inventory items ay maayos na naitatala, natutukoy ang aktuwal na lokasyon, kondisyon, at kasalukuyang status, at nananatiling accountable sa mga tanggapang nakatalaga sa mga ito.
Mahalaga ang papel ng mga itinalagang Property Coordinators bilang focal persons ng kani-kanilang Operating Units sa lahat ng usaping may kinalaman sa property at inventory management. Sa pakikipag-ugnayan sa Property Supply Management Unit (PSMU), tumulong sila sa pagsasagawa ng physical inventory, pagtanggap, turnover, monitoring, at pag-update ng mga rekord ng mga ari-arian ng pamahalaan.
Tiniyak din ng mga Property Coordinators ang wastong paggamit, pangangalaga, tagging, classification, recording, at documentation ng mga ari-arian. Kabilang dito ang agarang pag-uulat ng anumang nawawala, nasira, may discrepancy, o hindi na magamit na kagamitan upang mabigyan ng kaukulang aksyon.
Sa buong proseso, nagsagawa rin ng reconciliation activities upang matiyak ang pagkakatugma ng aktuwal na imbentaryo at opisyal na property records. Mahalaga ang hakbang na ito upang maiwasan ang kakulangan, maling tala, at hindi maayos na pagkakatalaga ng mga ari-arian sa bawat operating unit.
Nagbigay naman ang PSMU ng kinakailangang gabay, orientation, at coordination mechanisms upang suportahan ang mga Property Coordinators sa epektibong pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Sa pamamagitan nito, higit pang napalakas ang sistema ng pamamahala, monitoring, at pananagutan sa mga government properties ng BFAR MIMAROPA.
Binigyang-diin ng aktibidad ang matatag na commitment ng BFAR MIMAROPA sa maayos, episyente, at transparent na pangangasiwa ng mga ari-arian ng pamahalaanโisang mahalagang bahagi ng responsableng serbisyo publiko at mahusay na paggamit ng pondo at kagamitan para sa kapakanan ng sektor ng pangisdaan sa rehiyon.