01/09/2026
PGOM KICKS OFF 126th PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARY
โLingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayanโ
Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito "Bonz' Dolor, masiglang sinimulan ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) ang pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ngayong Setyembre 1, kasabay ng regular na Flag Raising Ceremony sa Provincial Capitol.
Bitbit ang temang โLingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan,โ binibigyang-diin ng pagdiriwang ngayong taon ang mahalagang papel ng mga lingkod-bayan sa patuloy na paghahatid ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo para sa mamamayan.
Ang buwan ng Setyembre ay idineklarang Civil Service Month sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1050, s. 1997, bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga kawani ng pamahalaan sa pagtataguyod ng mahusay at responsableng serbisyo publiko. Samantala, ang Philippine Civil Service ay itinatag noong Setyembre 19, 1900 sa bisa ng Public Law No. 5.
Nagsilbing kick-off celebration ng PGOM ang programa ngayong araw na pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) at Provincial Administratorโs Office (PAdmO). Layunin nitong gawing mas makabuluhan ang paggunita sa anibersaryo ng Civil Service habang binibigyang-halaga ang kapakanan, kontribusyon, at dedikasyon ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.
Nagbigay rin ng maikling mensahe si Vice Governor Jojo Perez para sa mga kawani ng PGOM, kung saan binigyang-halaga niya ang kanilang patuloy na dedikasyon at mahalagang papel sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro.
Bilang munting pagpapakita ng pagpapahalaga, naghandog ang PHRMO ng birthday tokens para sa mga empleyadong nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Setyembre.
Bukod dito, may inihanda ring mga espesyal na treats at exclusive offers para sa mga kawani ng PGOM na maaaring ma-avail sa pamamagitan ng mga pakikipagtulungan ng PHRMO sa ibaโt ibang private establishments. Bahagi ito ng mga inisyatibong naglalayong magbigay ng karagdagang perks at pagpapahalaga sa mga empleyado bilang pagkilala sa kanilang patuloy na dedikasyon sa serbisyo.
Samantala, isa sa mga naging highlight ng kick-off celebration ang masiglang Zumba Session na pinangunahan ni Coach Vee, kung saan aktibong nakiisa ang mga empleyado ng PGOM. Naging mas masigla ang pagsisimula ng Civil Service Month habang itinataguyod ang health, wellness, at camaraderie sa hanay ng mga kawani.
Higit pa sa isang selebrasyon, ang 126th PCSA ay nagsisilbing paalala na ang pagiging lingkod-bayan ay hindi lamang tungkol sa posisyon o tungkulin. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng puso sa paglilingkod, dangal sa bawat responsibilidad, at galing sa bawat serbisyong iniaalay para sa bayan.
Mabuhay ang mga Lingkod Bayani! Mabuhay ang Philippine Civil Service!
๐ธ- Provincial Information Office - Oriental Mindoro