24/03/2026
Matagumpay na naisagawa ang 1st Quarter Meeting ng PIPDAC ngayong March 24, 2026. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nakibahagi ng kaalaman, at sumuporta para sa patuloy na pagpapaunlad ng ating mga programa at komunidad.
Ang bawat partisipasyon, suhestiyon, at pakikiisa ng bawat isa ay mahalaga upang mas mapalakas ang ating samahan at mas mapabuti ang ating paglilingkod sa mamamayan.
Patuloy ang pagtutulungan para sa mas maunlad, organisado, at inklusibong komunidad.
24/03/2026
Isinasagawa ngayong March 24, 2026 ang 1st Quarterly Meeting ng Provincial Indigenous Peoples Development Advisory Council (PIPDAC) upang talakayin ang mga programa, plano, at mga gawain para sa unang quarter ng taon.
10/12/2025
✨Ngayong araw Disyembre 10, 2025 ay matagumpay na ginanap ang 4th Quarter PIPDAC (Provincial Indigenous Peoples’ Development Advisory Council)✨
💥 Kung saan tinalakay ang mga programa at proyekto para sa kapakanan at karapatan ng ating mga katutubo.
Patuloy nating isusulong ang kultura, komunidad, at proteksyon ng bawat isa.
20/11/2025
Isang malaking karangalan para sa akin na makadalo sa Mangyan Summit sa Divine Word College of Calapan noong November 18, 2025, bilang tugon sa kanilang paanyaya kaugnay ng pag-gunita sa National Indigenous Peoples’ Month.
Sa temang “Katutubong Mangyan: Identidad ng Pagkakakilanlan, Bukal ng Tagumpay at Karangalan,”
Nagkaroon ang inyong lingkod ng pagkakataong maging pangunahing tagapagsalita upang ipaliwanag ang kahalagahan ng pagre-regulate at tamang paggamit ng terminong “Mangyan.”
Isang mahalagang hakbang ito upang mapangalagaan ang tunay na diwa ng aming kultura, pagkakakilanlan, at dangal bilang mga katutubo ng Oriental Mindoro.
Maraming Salamat sa Divine World College Of Calapan.💥
28/10/2025
October 28, 2025
Ikalawang araw ng Mangyan Summit.
Patuloy ang pagdalo at pag suporta ng inyong Lingkod sa isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong patatagin ang ugnayan sa pagitan ng mga katutubong pamayanang Mangyan at ng mga katuwang na institusyon ng pamahalaan.
Isa itong makulay na karanasan dahil ipinamalas ng bawat tribu ang kanilang natatanging mga ritwal, ambahan, at katutubong sayaw, na sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyong patuloy na pinangangalagaan ng ating mga kapatid na Mangyan.
Tunay kong hinahangaan ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kanilang pagkakakilanlan at ang diwang nagbubuklod sa kanila bilang isang pamayanan. Bilang inyong lingkod, patuloy kong isusulong ang mga programang nagbibigay-pugay at suporta sa ating mga katutubong kapatid tungo sa inklusibong kaunlaran para sa lahat.
27/10/2025
Ginaganap ngayon ang MANGYAN SUMMIT. Octover 27, 2025
Isang mahalagang pagtitipon para sa pagkakaisa, pagbabahaginan ng kaalaman, at pagpapatibay ng karapatan ng mga katutubong Mangyan sa buong lalawigan.