Project LAWA at BINHI-Oriental Mindoro

Project LAWA at BINHI-Oriental Mindoro

Share

"THE PROJECT LAWA AT BINHI: ROOTED IN HOPE, RISING IN RESILIENCE."

Photos from Project LAWA at BINHI-Oriental Mindoro's post 10/04/2026

Ano nga ba ambag ng Project LAWA at BINHI sa kasalukuyang sitwasyon?

Sa harap ng pagtaas ng presyo ng petrolyo (dahil sa mga pandaigdigang sigalot tulad ng tensyon sa Middle East), naapektuhan ang sektor ng agrikultura. Dito pumapasok ang mahalagang papel ng proyekto:
1. Pagpapalakas ng Produksyon ng Pagkain
• Nagbibigay ng pagsasanay sa makabagong pagsasaka
• Nakakatulong para mapataas ang ani kahit tumataas ang gastos sa produksyon
2. Pagbawas ng Gastos ng mga Magsasaka
• Sa pamamagitan ng lokal na produksyon at mas episyenteng pamamaraan, nababawasan ang dependence sa mahal na fuel based inputs
• Tinutulungan ang mga magsasaka na maging mas sustainable
3. Pagpapabuti ng Access sa Tubig
• Sa ilalim ng Local Adaptation to Water Access (LAWA) , hinihikayat ang lahat na mag tipid at mag imbak ng tubig, pinapalakas ang irrigation at water systems mahalaga ito lalo na sa panahon ng tagtuyot o El Niño
4. Paghahanda sa Sakuna at Krisis
• Tinuturuan ang mga benepisyaryo na maging resilient sa kalamidad at May mga programang “cash-for-work” na nagbibigay ng kita sa bawat partner beneficiary
5. Pagbawas ng Kahirapan at Kagutuman
• Direktang tumutulong sa mga pamilyang hirap sa buhay
• Pinapalakas ang lokal na suplay ng pagkain kaya nababawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo

Ang Project LAWA at BINHI ay hindi lang simpleng ayuda ito ay pangmatagalang solusyon para sa seguridad sa pagkain , katatagan ng agrikultura at kabuhayan ng mga Pilipino.

Sa ganitong paraan, natutulungan nitong maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng bilihin at napapalakas ang kakayahan ng bawat komunidad na tumayo sa sarili nilang paa.


゚viralシfypシ゚viralシal Department of Social Welfare and Development - DSWD Project LAWA at BINHI

Photos from Project Lawa at Binhi-Bansud's post 30/03/2026

🤩🤩

Photos from Project LAWA at BINHI-Oriental Mindoro's post 30/03/2026

225 partner beneficiaries , mas handa na sa sakuna at mas matatag na kabuhayan!

Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na Cash-for-Training Implementation ng Project LAWA at BINHI sa bayan ng Bansud, Oriental Mindoro mula March 25 hanggang 27 ng kasalukuyang taon.

Sa loob ng pagsasanay, pinalawak ang kaalaman ng mga partner-beneficiaries sa kahandaan sa sakuna at pag-angkop sa nagbabagong klima kabilang ang pagtukoy sa kanilang mga kahinaan at kalakasan, at ang mga ahensya ng pamahalaan na maaaring lapitan sa oras ng pangangailangan.

Hindi lamang ito tungkol sa kahandaan, natuto rin sila ng wastong pagtatanim ng gulay, pagsugpo sa peste at damo, at pag-iwas sa iba’t ibang sakit ng pananim. Dagdag pa rito, natutunan nilang gumawa ng small farm reservoir na maaari ring gawing palaisdaan bilang karagdagang pagkakakitaan.

Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa rin ang paggawad ng mga kagamitang pansaka mula sa Pamahalaang Lokal ng Bansud upang lalo pang mapalakas ang kanilang produksyon.

Isinagawa rin ang BBM Serbisyo upang matiyak na ang bawat benepisyaryo ay nabibigyan ng tama at sapat na serbisyo mula sa ahensya.

Ang tagumpay na ito ay naisakatuparan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Bansud sa pangunguna ng butihing Punong Bayan Ronaldo Morada, katuwang ang MSWDO na si Violeta A. Nazareno at MAO na si Engr. Sonny Manato, kasama ang kanilang masisipag na kawani.

🌾 Sama-sama tungo sa mas handa at masaganang komunidad!

Department of Social Welfare and Development - DSWD Project LAWA at BINHI

Photos from Project Lawa at Binhi-Bansud's post 11/03/2026

🫶🏼🫶🏼

Want your business to be the top-listed Government Service in Calapan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy Lalud Calapan City
Calapan
5200