08/09/2026
Nagsagawa kahapon ang Calasiao Municipal Health Office (MHO) ng larvicidal treatment sa Dinalaoan Elementary School upang maiwasan ang pamumugaran ng lamok at mapanatili ang ligtas at malusog na kapaligiran sa paaralan.
Nakiisa rin ang Dinalaoan Barangay Council, sa pangunguna ni PB Mylene L. Ico, kasama ang mga Barangay Kagawad.
Taos-pusong nagpapasalamat si MDM Gina A. Javier at ang Dinalaoan Teaching Force sa Calasiao MHO at Dinalaoan Barangay Council sa kanilang agarang suporta at malasakit para sa kalusugan at kaligtasan ng buong school community.