18/08/2026
MATAGUMPAY NA PAMPUBLIKONG PANDINIG SA BARANGAY IMOKβ¨
Ukol sa Barangay Ordinance No. 12/14, Taong 2026 βNo Segregation, No Collection Policyβ at βAlagang Hayop Mo, Pangalagaan Moβ
Matagumpay na naisagawa ang Pampublikong Pandinig ukol sa mga panukalang ordinansang ipatutupad sa buong nasasakupan ng Barangay Imok, na ginanap noong Linggo, Agosto 16, 2026, sa Purok 3 Basketball Court, Barangay Imok, Calauan, Laguna.
Dinaluhan ito ng mahigit 190 mamamayan mula sa ibaβt ibang purok at mga samahan, sektor, sari-sari store owner tanggapan ng paaralan, indibidwal, Establisyemento, mga may negosyo at nag-mamay-ari ng alagang hayop mga kabataan ng Barangay Imok. Ang kanilang presensya, pakikilahok, mga katanungan, komento at suhestiyon ay naging mahalagang bahagi ng isinagawang konsultasyon.
β»οΈ NO SEGREGATION, NO COLLECTION POLICY
Isa sa mga pangunahing tinalakay ang panukalang βNo Segregation, No Collection Policyβ, kasama ang mga usapin hinggil sa Ecological Solid Waste Management at bagong sistema ng pangongolekta ng basura sa barangay.
Layunin ng panukalang patakaran na maisulong ang wastong paghihiwalay ng basura, maayos na pangongolekta, responsableng pagtatapon at pangmatagalang pangangalaga sa kapaligiran.
Taos-pusong pasasalamat ng Sangguniang Barangay ng Imok sa ating butihing Mayor Osel Caratihan sa kanyang buong-pusong suporta sa mga ordinansang tinalakay sa isinagawang pampublikong pandinig.
Lubos din po naming pinahahalagahan ang kanyang pagbabahagi ng kaalaman ukol sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, gayundin sa iba pang mga kaugnay na batas at mahahalagang usapin hinggil sa wastong pamamahala ng solid waste at pangangalaga sa ating kapaligiran. Salamat din po sa mga staff ng ating butihing Mayor sa pagaasikaso ng mga karagdagang upuan at sounds system. πβ¨
Malaking tulong ang kanyang mga paliwanag upang higit na maunawaan ng ating mga mamamayan ang kahalagahan ng wastong segregation, responsableng pagtatapon ng basura at sama-samang pangangalaga sa ating kapaligiran.
Nagbahagi rin ng mahahalagang kaalaman ukol sa Ecological Solid Waste Management si Sir Marlon Sacdalan, na nakatulong upang higit pang maunawaan ng mga dumalo ang kahalagahan ng wastong pamamahala ng basura.
Taos-pusong pasasalamat din sa ating Ikalawang Ama ng Bayan ng Calauan, Vice Mayor D**g Sanchez, at sa bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Calauan sa kanilang suporta at pagpapadala ng mga raffle prizes para sa mga dumalo sa isinagawang pampublikong pandinig.
π ALAGANG HAYOP MO, PANGALAGAAN MO
Isa rin sa mga tinalakay ang panukalang regulasyon ukol sa pangangalaga at responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop.
Dumalo at nagbahagi ng kaalaman ang ating butihing Konsehal ng Bayan at Committee on Health, Hon. Allan Sanchez, partikular ukol sa mga kaugnay na Municipal Ordinance at Anti-Rabies Act.
Nagbahagi rin ng mahahalagang impormasyon si Maβam Aisylene Laqueo mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultura, ukol sa responsableng pag-aalaga at pangangalaga sa mga alagang hayop.
π ANO ANG SUSUNOD?
Matapos ang isinagawang pampublikong pandinig, ang mga komento, suhestiyon, rekomendasyon at iba pang napag-usapan ay isusumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Calauan para sa kaukulang pagsusuri at proseso.
Matapos ang kinakailangang pagsusuri at pag-apruba, magkakaroon pa ng House-to-House Education Campaign upang maipaliwanag nang maayos sa bawat sambahayan ang mga probisyon ng mga ordinansa bago ang kanilang ganap na pagpapatupad.
Kaya naman, antabay lamang po tayo sa mga susunod na hakbang at opisyal na anunsyo ukol sa mga nasabing ordinansa.
Ang layunin ng mga hakbang na ito ay hindi lamang ang pagpapatupad ng mga patakaran, kundi ang pagkakaroon ng mas malinis, ligtas, maayos at responsableng Barangay Imok, sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat mamamayan.
MARAMING SALAMAT, BARANGAY IMOK! π€
Mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Imok, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mahigit 190 mamamayan na dumalo, nakinig, nagtanong, nagbahagi ng saloobin at nakiisa sa makabuluhang pampublikong pandinig.
Ang pagbabago ay nagsisimula sa pakikiisa ng bawat isa.
β»οΈ Magtulungan para sa tamang pamamahala ng basura.
πΎ Maging responsable sa ating mga alagang hayop.
πΏ Pangalagaan ang ating kapaligiran.
π€ Para sa malinis, ligtas at maayos na Barangay Imok.
Maraming salamat po sa masisipag na Barangay BPSO, Hepe, Utility, Imbistigador, Eco Boys, at iba sa pag-aasikaso sa venue. sa pangunguna ng ating butihing kapitan at bumubo ng Sangguniang Barangay ng Imok. β¨
-