Bagong Alyansang Makabayan - Caloocan

Bagong Alyansang Makabayan - Caloocan

Share

Bagong Alyansang Makabayan ng Caloocan ay binubuo ng iba't-ibang lokal na organosayon ng Gabriela, Anakbayan, Kadamay at iba pang pang-masang organisayon

29/03/2026

WAKASAN ANG KALBARYO NG REHIMENG US-MARCOS II SA MAMAMAYAN NG CAMANAVA!

Ipaglaban ang kabuhayan, paninirahan, karapatan at serbisyong panlipunan!

Krisis ng Imperyalismong US wakasan!

Pasan ng mamamayan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ang kahirapan sa ilalim ng Rehimeng Marcos II, sa walang humpay na kahirapan dala ng krisis ng inutil, papet at pasistang rehimeng Marcos. Walang puknat ang gerang agresyon ng imperyalismong US-Israel laban sa Iran, hibang ang US sa usapang kapayapaan, habang nag-uudyok na ng gera ang US sa Lebanon na karatig bansa ng Iran.

Nag-mamaniobra at tahimik si Sara Duterte sa gitna ng krisis. Tila naghahanda ang kanyang mga alipores sa anumang oras na birahin si Marcos II. Tuloy-tuloy ang rebalan ng mga burukrata-kapitalista. Tumahimik ang isyu ng korapsyon, wala ng bisa ang komisyon ng ICI na walang napanagot ni-isa sa mga kurap na malayang paikot-ikot at handang mangurakot ulit sa kaban ng bayan.

Kinakaharap ngayon ng mamamayan ang krisis sa ekonomya, todo ang pag sirit ng presyo ng mga bilihin ngunit walang pag-taas sa sahod ng mga manggagawa, tinitipid ang manggagawa sa 695 na arawang sahod na hindi na kayang umagapay sa arawang pang-kunsomo ng isang pamilya.

Binubusalan ang taga-pagtaguyod ng karapatang tao ng mga pasista at papet ni Marcos. Itinatambak sa CAMANAVA ang 11th CMO at mapanlinlang na mga program at 'ayuda', kasama ang mga 'fake surrendiries' na mapanghati sa pagkakaisa ng mga komunidad na tumitindig laban sa demolisyon at sa anti mamamayang atake.

Nagmimistulan namang tutulong si Ramon Ang sa pag-supply ng langis, na-aangkatin sa ibang bansa. Kamakailan lang, dumaong sa Bataan ang barkong may lamang 700,000 bariles na krudo mula sa Russia na derektang mapupunta sa kompanyang pag-aari ni Ramon Ang. Ang Petron na dating pag-aari ng gobyerno ay isa sa kompanyang labis ang tubo at nag kakamal ng sobra-sobrang kita sa gitna ng krisis sa langis. Sinasamantala ng mga kartel at kompanya ang sitwasyon para lalong pagkakitaan ang krisis habang lugmot ang ekomonya sa napipintong pagkabaon sa hirap ng sambayanan.

Panandaliang ayuda, sa sektor ng transportasyon ang bukang bibig ni Marcos, pahirapan ang pag kuha sa 5,000 cash assistance ng mga tsuper ng jeep, ang ilan ay sapalaran at buwis buhay sa kakarampot na tulong. Bingi ang Rehimeng Marcos sa sigaw ng taumbayan sa panawagan tanggalin ang Excise Tax at VAT sa produktong petrolyo at Ibasura ang Oil Deregulation Law.

Lalong bumibigat at sumasayad sa lupa ang pasanin ng Mamamayan ng CaMaNaVa. Tulad ng pagpapahirap kay Hesus sa 'Daan ng Krus' at 'Sinakulo', kaya dapat isadiwa ang pag-laban ni Hesus, Tumindig para sa nakararami at Wakasan ang Kalbaryo ng Mamamayan, Wakasan ang pahirap na Rehimeng US-Marcos II. #

28/03/2026

MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN!
HANDS OFF UCC!
DEFEND ACAD FREEDOM!

Sa ika-12 na training day ng University of Caloocan City ROTC Unit noong ika-Marso 24, dumalo at nagbigay ng lecture ang NTF-ELCAC tungkol sa Executive Order 70: Call to Action na isang whole-of-nation approach para di umano’y alisin ang mga “communist insurgents” sa unibersidad. Kasama sa whole-of-nation approach ay ang paniniktik sa mga aktibista, at maging sa mga mag-aaral na bumoboses lamang laban sa mga kamalian sa loob ng pamantasan, at ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon ng NTF-ELCAC at ng NICA-NCR tungkol sa mga legal at progresibong mga organisasyong pangkabataan at ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Hindi na bago sa loob ng UCC ang pagkontrol ng administrasyon sa kalayaan ng mag-aaral sa pagpapahayag at pag-oorganisa. Malala ang pagsakal sa mga karapatang pang-estudyante sa loob ng pamantasan, personal man o sa online. At sa pagpasok ng NTF-ELCAC sa loob ng UCC, mas malala ang magiging represyon sa mga mag-aaral na bumuboses lamang sa mga kamalian at problema ng unibersidad.

Kaysa i-prioritize ng administrasyon ang paniniktik at pananakot sa mga mag-aaral sa tulong ng NTF-ELCAC, mas dapat na bigyang pansin ang mga kagyat na pangangailangan kagaya ng maayos at kumpletong pasilidad, espasyo para sa malayang pagpapahayag, pag-alis ng mga enrolment fees. Hindi dapat natatakot ang mga UCCians na magpahayag at makialam sa mga isyung panlipunan.

Tinatawagan ng LFS-UCC ang mga UCCians na tumindig laban sa presensya ng militar at ng NTF-ELCAC sa loob ng pamantasan, at ang konseho ng mga mag-aaral at mga kaguruan na ipagtanggol ang espasyo at kalayaan ng mga mag-aaral para sa makabuluhan at malayang pag-aaral, dayalogo at pakikibaka. Itaguyod ang mga karapatan ng mga mag-aaral at isulong ang kalayaan sa pagpapahayag at academic freedom.

MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN!
DEFEND ACAD FREEDOM!

JOIN LFS-UCC!
https://forms.gle/i4wvUxrA9fdUvFpVA

Photos from Kilusang Mayo Uno's post 26/03/2026
Photos from Bagong Alyansang Makabayan - Caloocan's post 26/03/2026

TINGNAN: Welga ng Piston at Manibela sa strike center sa Monumento, Caloocan, Tanggumpay!

Nagtipon ang mga myembro ng Piston at Manibela para sa buhay at kabuhayan ng mga tsuper kasabay ng unang araw ng nationwide strike sa buong bansa.



Photos from BAYAN - North Caloocan's post 26/03/2026
22/03/2026

"Everything is Normal" ika nga ni BBM sa gitna ng krisis sa langis dala ng imperyalismong US kasapakat ang Zionistang Israel laban sa Iran, target ng imperyalismong US ang derektang kontrol sa natural gas at minerals ng Iran na hindi kaylanman isusuko ng Iran. Nag udyok ang pang-bubully ng US at nag pakawala ng missile sa Iran kung saan higit kumulang 80 bata ang nasawi, habang 1000 mamamayan sa Middle East ang sumasalo sa gerang agresyon, humantong ang palitan ng missile hanggang sa karatig na alyansa ng US na merong base militar.

Habang tagibang ang pahayag ni Ferdinand Marcos Jr. Na nag-aadjust palang ang bansa sa harap ng pag-sirit ng presyo ng langis at ito ay "Normal" sa kabila ng labis na ang pag taas ng presyo ng mga bilihin, kaakibat rin ang pag taas ng pangunahing pagkain at transportasyon. Nag bibingi-bingihan ang rehimeng Marcos Jr. sa hiling ng sektor ng transportasyon na kagyat aksyonan ang pagtanggal ng EVAT kung saan 12% na pinapataw ng dayuhang kartel ng mga monopolyo kapitalista na lalong nag papahirap sa harap ng krisis panglipunan.

Walang balak ibasura ang Oil Deregulation Law na pangunahing dalihan ng walang rendang pagtaas ng presyo ng langis anumang oras gustuhin ng mga kartel sa banda. Ang Excise Tax na pangakong suspensyon ni Marcos Jr. sa produktong petrolyo ay hindi sapat, lalo na hindi ramdam ng mamamayan ang pinatutunguhan ng mga buwis, hindi sapat ang serbisyong panlipunan, kinukurakot ng mga burukrata kapitalista na lalong pahirap at nagsasamantala.

Palpak ang panukalang 'magtipid sa kunsomo ng enerhiya at petrolyo' sa four day work-week sa mga manggagawa, na ang iba ay kumakaharap sa 'no work no pay' at iba pang iskema ng neoliberal na pulisiya sa paggawa. Napipilitang sundin na lamang ito ng mga Manggagawa. Samantalang nagpapakasasa ang rehimeng Marcos Jr. sa mga grandyosong paglustay sa kaban ng bayan.

Ito ang lalong magtutulak sa Masang Anakpawis na magkaisa, iturol ang kainutilan sa papet at pahirap na si BBM. Makatuwiran ang sama-samang pagkilos ng Mamamayan para irehistro ang kagyat na pangangailangan at kahingian sa estado. Bubuhos pa ang protestang bayan dala ng sumisidhing kahirapan sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr.

# # #

Photos from Gabriela - North Caloocan's post 20/03/2026

Gab N-Cal

Photos from Defend Camanava - Human Rights Network's post 21/02/2026
18/02/2026

ALERT ‼️

URGENT ALERT | Iligal na Pinasok at Hinalughog ang Opisina ng Gabriela Caloocan!

Nireyd ngayong araw ang opisina ng Gabriela Caloocan. Makikita sa larawan ang mga gamit na nagkalat at hinalughog matapos pasukin ng mga hindi pa kilalang elemento ang pribadong espasyo ng organisasyo.

Hindi ito hiwalay na insidente. Noong Oktubre 28, ilang ulit nang pumasok at nagsagawa ng surveillance ang mga pulis sa parehong gusali nang walang warrant o abiso. Kaugnay ito ng mas malawak na militarisasyon at red-tagging ng NTF-ELCAC at 12th CMO sa mga komunidad sa North Caloocan na kinondena noong Oktubre 20, 2025. Maitatala rin ngayong taon ang sunud-sunod na mga ulat ng surveillance at paniniktik laban sa mga lider-aktibista sa Caloocan.

Mariing kinokondena ang panibagong pananakot at harassment laban sa Gabriela Caloocan at mga progresibong

12th CMO, layas sa Caloocan!
Hands off Gabriela!
NTF-ELCAC, buwagin!

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Caloocan