14/05/2026
๐๐๐๐๐ฟ ๐ฟ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐ฟ๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐๐๐พ๐
Nagsagawa ng Coordinating Conference ngayong araw ika-14 ng Mayo 2026 para sa nalalapit na Flood Drill ang CDRRMC North Caloocan sa pangunguna nila Sir Jack Espinas, Sir Ferdinand Dacollo, Sir Julius Kris Derama, Sir Denver Robles, OIC ng CDRRMCโNorth Caloocan, katuwang ang Barangay 165 sa pakikipagtulungan ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL.
Layunin ng pagpupulong na mapaghandaan at mapalakas ang kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna, lalo na sa banta ng pagbaha, upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Patuloy po tayong magkaisa para sa mas ligtas at handang Barangay 165.
11/05/2026
๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐ก๐ ๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ข๐๐!
Ipinagmamalaki ng Barangay 165-Bagbaguin ang matagumpay na pagpapanatili ng ating Drug Clearing Status, bilang isa sa 30,076 Drug-Cleared Barangays sa buong bansa as of April 2026.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng tuloy-tuloy na pakikiisa ng ating Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL, BADAC Focal Person Pastor Arniel Romero, mga kawani ng Barangay, mga residente, at mga katuwang na ahensya sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at drug-free na pamayanan.
Mananatiling committed ang Pamunuan ng Barangay 165-Bagbaguin sa pakikipagtulungan sa PDEA at iba pang kaugnay na ahensya upang mas mapalakas pa ang mga programa para sa drug demand reduction, community awareness, prevention, at rehabilitasyon.
Sama-sama nating panatilihin ang isang ligtas, malinis, at maunlad na Barangay 165-Bagbaguin
11/05/2026
โผ๏ธโผ๏ธ ๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง โผ๏ธโผ๏ธ
Inaanyayahan ang lahat ng GASCA Officers, Coordinators, Members at mga SENIOR CITIZEN na makiisa sa Barangayan Ballroom Dancing Activity ng Brgy. 165 na inisponsor ng ating butihing Punong Lungsod, Hon. Along Malapitan, sa pakikipag-ugnayan sa ating Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL.
๐๏ธ Mayo 13, 2026
โฐ 3:00 PM hanggang 5:00 PM
๐Bagbaguin Elementary School.
Mangyaring isuot ang inyong pinakamagandang kasuotan.
Maraming salamat po!
11/05/2026
โผ๏ธโผ๏ธ LATE UPLOAD โผ๏ธโผ๏ธ
Matagumpay na isinagawa ang Weekly Clean-Up Drive noong ika-8 ng Mayo 2026 sa General Luis Street.
Sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL, Kasama ang masisipag na Street Sweepers, at Environmental Monitoring Officer (EMO).
Sama-sama nating panatilihin ang kalinisan sa ating Komunidad. "๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐!!!!"
Malinis na tapat, maaliwalas na komunidad. ๐
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa mga programa ng ating barangay! ๐
07/05/2026
๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐๐ฅ | ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ญ๐ฒ๐ฑ-๐๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป
Matagumpay na naisagawa ang Public Information Seminar ngayong araw ika-7 ng Mayo 2026 sa Session Hall ng Barangay 165-Bagbaguin, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL. Kasama ang mahigit 50 participants mula sa Lupong Tagapamayapa, Barangay Tanod, BADAC Council, HOA Officers, BADAC Focal Person Arniel Romero at ang ating Resource Speaker na si G. Manolo Borces Hepe ng Parole and Probation Administration.
Tinalakay sa seminar ang mahahalagang paksa tungkol sa Philippine Criminal Justice System, Parole, Probation and other related laws, at R.A. 11362 o Community Service Act.
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan ng ating komunidad sa batas, katarungan, at pampublikong kaayusan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa makabuluhang gawaing ito.
Tayo para sa isang maayos, ligtas, at maunlad na Barangay 165-Bagbaguin!
07/05/2026
โผ๏ธโผ๏ธANNOUNCEMENTโผ๏ธโผ๏ธ
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
โข ๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐๐๐๐๐๐)
โข ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๏ธ MAY 11, 2026 (MONDAY)
โฐ 9:00 AM to 12:00 NN
๐ BARANGAY HALL, Brgy.165
(inaayos ang Villa Campo Covered Court)
๐DAPAT TANDAAN SA PAGKUHA NG KANILANG BIRTHDAY CASH GIFT AT MGA DAPAT DALHIN;
โก๏ธSENIOR NA PERSONAL NA KUKUHA NG CASH GIFT:
*SENIOR ID
*2 Xerox ng Senior ID (harap at likod) na may tatlong(3) pirma sa ibaba
โก๏ธREPRESENTATIVE NG SENIOR o KAMAG ANAK ANG KUKUHA:
*SENIOR ID
*ID ng Representative ng Senior.
*2 XEROX ng Senior ID (harap at likod) na may tatlong(3) pirma sa ibaba
*2 XEROX ID ng Representative (harap at likod) na may tatlong(3) pirma sa ibaba
*Authorization Letter (katunayan na kayo ay pinapayagan na kunin ang birthday cash gift at dahilan Ng HINDI pagpunta Ng Senior).
*Picture ng Senior at Representative na hawak ang kalendaryo (na may BILOG sa petsa ng pay out) at Senior ID.
โก๏ธPUMANAW O DECEASED NA SENIOR (namatay ng 30 DAYS bago Ang kanyang BIRTHDAY):
*SENIOR ID
*ID ng Representative ng Senior.
*2 XEROX ng Senior ID (harap at likod)
*2 XEROX ID ng Representative na may tatlong(3) pirma sa ibaba
*Certified true Copy ng DEATH CERTIFICATE
๐ Maligayang kaarawan po!
๐ค Kita-kits po tayo sa venue
๐ฃ๐๐๐๐๐๐: Para po sa mga nakatala na ang cash gift ay matatanggap sa pamamagitan ng GCash, hindi na po kinakailangang pumunta sa venue. Mangyaring antabayanan na lamang po ang pagpasok nito sa inyong mga account.
05/05/2026
โผ๏ธโผ๏ธLATE UPLOADโผ๏ธโผ๏ธ
๐ต๐ญ FLAG CEREMONY | FOR THE MONTH OF MAY 2026
Isinagawa ang ating Flag ceremony noong ika-4 ng Mayo 2026 sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL. SK Chairman, Hon. Julia Marie Cayanan.
Nakiisa ang lahat ng ating lingkod-bayan bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa ating Barangay.
Patuloy tayong maglingkod nang tapat para sa kapakanan ng ating komunidad. ๐๐งก
05/05/2026
๐๐ผ๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐๐
Noong ika-3 ng Mayo 2026, bandang alas-7:00 ng umaga, nagsagawa ng isang Community Engagement Activity sa NPC Court, tinalakay ang patungkol sa Crime Prevention, Drug Awareness, at pagpapatupad ng mga City Ordinances.
Pinangunahan ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL, SK Chairman, Hon. Julia Marie Cayanan dumalo din si PCPT Kim John Dela Cruz (OIC, SS7) kasama ang limang (5) iba pang tauhan mula sa Sub-Station 7, sa pakikipag-ugnayan kina PLT Remy Beringuel (C, WCPD), PMSg Mary Joyce Apada, PSSg Rolando Caberto Jr., PSSg Abegail P. Gutierrez, at PSSg Jennifer Balmeo.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Joey T. Goforth, Chief of Police ng Caloocan City Police Station (CCPS), at sa direktang superbisyon ni PLT Ma. Gracia E. Balderas, OIC ng Community Affairs Section (CAS).
Layunin ng inisyatibong ito na higit pang patibayin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, lalo na sa pagpapataas ng kamalayan ng mga magulang at iba pang stakeholders sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Nilalayon din nitong bigyang-kapangyarihan ang mga lider ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan, hikayatin ang aktibong pakikilahok sa mga programang pangkaligtasan, at isulong ang kultura ng pagbabantay, kooperasyon, at sama-samang pananagutan sa kani-kanilang mga lugar.
05/05/2026
๐๐ผ๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐๐
Alinsunod sa pinaigting na pagpapatupad ng โSafer Cities Initiativesโ ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Unit (LGU), at ng ating Barangay, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL, noong ika-26 ng Abril 2026, matagumpay na naisagawa ang Community Engagement Activity sa Bayanihan Court na tumalakay sa mga mahahalagang paksa ukol sa crime prevention, mga umiiral na ordinansa ng Caloocan City, Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, at R**e Law Prevention.
๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ sa patuloy na suporta ng mga sumusunod:
โช๏ธ Sub-Station 7
* PCPT KIM JOHN DELA CRUZ (OIC, SS7)
* PEMS MALAMUG
* PSSg ABEGAIL P GUTIERREZ
* PCLT ADIER
* PAT TOMBADO
* PAT PICANA
โช๏ธ HOME OWNERS ASSOCIATION:
* BAYANIHAN
* CIUDAD GRANDE
* PLEASANT VIEW
* IPIL DULO
* CARPARTS
* SITIO LIBIS
* PINAGPALA
* NORTH LIBIS
* AMBASADOR
* KAPATID HOAI PH. 1
* KADARAG-AN
โช๏ธ Barangay 165 Focal Persons:
* BCPC: Marry Jane Ansale
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pati na rin ang pagpapalakas ng kamalayan laban sa anumang uri ng karahasan.
05/05/2026
โผ๏ธโผ๏ธLATE UPLOADโผ๏ธโผ๏ธ
Matagumpay na naisagawa ang HIV Seminar sa ating Barangay noong ika-29 ng Abril 2026 na may temang โKnow HIV/AIDS, No Stigma: A Gender-Sensitive Awareness Orientation.โ
Pinangunahan ito ng ating butihing Punong Barangay, Hon. Victorio Ogie Dantes and COUNCIL. SK Chairman, Hon. Julia Marie Cayanan. Dinaluhan ito ng ibaโt ibang sektor ng komunidad kabilang ang mga buntis, Barangay Health Workers (BHW), barangay staff, HOA officers/representatives, pati na rin sina Maโam Wilma Delos Santos (Midwife) at Maโam Nelda Lucban (GADRCO).
Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS, itaguyod ang gender-sensitive na pag-unawa, at higit sa lahat, wakasan ang stigma sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa mga programa ng ating barangay!
01/05/2026
๐ข Magandang balita!
Naihatid na po si Nanay Lorna nang ligtas sa kanyang pamilya, sa tulong ng ating masisipag na lingkod-bayan ng barangay 165 na agad nakipag-coordinate sa Barangay 166.
Maraming salamat sa malasakit at mabilis na aksyon ng ating mga kabarangay. Isa itong patunay ng tunay na bayanihan sa ating komunidad.