City Assessment Department - Caloocan City

City Assessment Department - Caloocan City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Assessment Department - Caloocan City, Public & Government Service, G/F Caloocan City Hall, 8th Street, 8th Avenue, Caloocan.

The City Assessment Department is a revenue-generating office mandated to determine the value of real properties subject to taxation in Caloocan City, including the discovery, listing, classification, and appraisal thereof.

16/03/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄 🐈🐕💉

Mga Batang Kankaloo, mahalaga na bakunado ang inyong mga alagang a*o't pusa, hindi lamang para sa sarili nilang kalusugan, kundi pati para sa kaligtasan ng ating pamayanan.

Patuloy pong naghahatid ng libreng anti-rabies vaccine ang pamahalaang lungsod kada linggo.

Narito ang schedule at venue ng free anti-rabies vaccination simula Lunes, March 16 hanggang Huwebes, March 19, 2026.

Mahalagang mga paalala lamang po:

• Magsisimula ang programa ng 9:00 am
• Bawal bakunahan ang mga sumusunod:
- Tatlong (3) buwang gulang pababa
- Nakakagat sa loob ng dalawang linggo
- Buntis o nagpapasuso ng mga anak
- May sakit o naggagamot
• Dalhin ang vaccination card ng inyong alaga (kung mayroon)
• Maaaring ipagpaliban ang bakunahan kung maulan upang maiwasang mabasa at magkasakit ang ating mga alaga

05/03/2026

Jogging tuwing Sunday, g? 😁

Mga Batang Kankaloo, isasara po natin sa mga sasakyan ang kahabaan ng 9th Street, Grace Park East, Caloocan City – South, tuwing Linggo, mula 5:00 pm hanggang 11:00 pm upang bigyang-daan ang jogging activities sa lugar.

Ito ay alinsunod sa Ordinance 1158, Series of 2025.

Samantala, pinapayuhan po natin ang lahat ng mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

13/02/2026

FAMILY DAY 2026 🌈

Inaanyayahan po natin ang mga magulang na irehistro ang inyong mga anak na 17 years old pababa upang makasali sa ating idaraos na Family Day sa February 16, 2026, mula 8:00 am hanggang 12:00 nn sa Plaza Rizal, harap ng San Roque Cathedral Parish, Barangay 16.

Awtomatikong kasali ang lahat ng makakapagrehistro sa link na ito: https://bit.ly/CaloocanFamilyDay1

Maaari niyo rin pong i-scan ang QR code sa larawan sa ibaba. Limitado po ang ating slot kaya magrehistro na upang makasali.

Kinakailangan na ang bawat kalahok na bata ay mayroong kasamang isang magulang o tagapag-alaga. Magdala ng inuming tubig, medyas para sa inflatable play areas, at valid ID ng magulang o tagapag-alaga.

Kita-kits po! Happy 64th Cityhood Anniversary! 😊

Photos from Along Malapitan's post 13/02/2026
10/02/2026

Mga Batang Kankaloo, nasa ikalawang linggo na tayo ng buwan ng Pebrero kung saan ipinagdiriwang natin ang ating Cityhood Anniversary.

Tingnan ang larawan sa baba para sa mga aktibidad na inihanda namin para sa inyo sa linggong ito!

10/02/2026

WALANG PASOK SA CALOOCAN DAY

Idineklara po natin ang Caloocan Day sa February 16, 2026 bilang isang Special Non-Working Holiday sa lungsod sa ilalim ng Executive Order 003-26 at alinsunod sa Republic Act 7550, batay na rin sa ating nakagawiang pagdiriwang at paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Caloocan bilang isang lungsod.

Inaanyayahan po natin ang lahat ng mga Batang Kankaloo na makiisa sa lahat ng mga aktibidad na inihanda ng pamahalaang lungsod upang alalahanin at pahalagahan ang kasaysayan at legasiya ng ating minamahal na Lungsod ng Caloocan.

02/02/2026

𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 𝐁𝐀𝐙𝐀𝐀𝐑 🌭🍨🍡

Bilang bahagi ng ating pagdiriwang sa ika-64 taong anibersaryo ng Lungsod ng Caloocan, muling magbubukas ang Grand Bazaar kung saan maraming pagkain, inumin, at iba pang produkto na maaaring mabili.

Opisyal na bubuksan ang Grand Bazaar sa February 4, 2026, dakong 4:00 pm. Samantala, mula February 5 hanggang February 28, 2026, magbubukas ang Grand Bazaar mula 10:00 am hanggang 10:00 pm.

Mag-food trip at mag-bonding na kasama ang inyong pamilya at barkada. Kita-kits, mga Batang Kankaloo! 😊

📍 C-Cube Complex, 8th Avenue, Grace Park East, Caloocan City

19/01/2026

𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄 💉

Para sa kaligtasan ng ating pamayanan, tuloy-tuloy po ang paghahatid ng ating Caloocan City Veterinary Department ng LIBRENG anti-rabies vaccine para sa inyong mga alagang a*o at pusa.

Narito po ang schedule at venue ng ating programa mula Lunes, January 19 hanggang Biyernes, January 23, 2026.

Mga mahalagang paalala:
• Magsisimula ang bakunahan dakong 9:00 am
• Hindi maaaring bakunahan ang mga sumusunod:
- Mga alagang tatlong (3) buwang gulang pababa
- Nakakagat sa loob ng nakaraang dalawang linggo
- Buntis o nagpapasusong hayop
- May sakit o kasalukuyang ginagamot
• Dalhin ang vaccination card ng inyong alaga kung mayroon
• Maaaring kanselahin ang pagbabakuna kung maulan, upang maiwasang mabasa o magkasakit ang ating mga alaga

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


G/F Caloocan City Hall, 8th Street, 8th Avenue
Caloocan

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm