30/12/2024
BAWAL ANG BOGA SA CALOOCAN
Kasama po sa mga ipinagbabawal nating paputok sa Lungsod ng Caloocan ang mga boga.
Sa mga magulang na may mga anak na menor de edad, pagbawalan at gabayan po nating maigi ang ating mga anak hinggil sa paggamit ng boga at iba pang ipinagbabawal na paputok.
Ang mga menor de edad na makikitang gumagamit ng boga at iba pang illegal na paputok ay i-tu-turn over sa City Social Welfare Development Department (CSWDD) habang ang mga nasa wastong edad na mahuhulihan ng ipinagbabawal na paputok ay papatawan ng karampatang parusa batay sa ating umiiral na ordinansa at sa Republic Act. 7183 o ang An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.
Muli, salubungin natin ng ligtas ang paparating na bagong taon.
23/12/2024
Maraming Salamat sa Pamaskong Handog mula sa ating SuperCONGRESSMAN Egay Erice kasama sina Konsehal Alexander Mangasar, Lemuel Simpauco at Atty. Charm Quimpo
Merry Christmas! 🎄💙
15/06/2024
Taos pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay ni dating Kagawad Albert Juanillo. Paalam at maraming salamat sa iyong kabutihan.
02/04/2024
stay safe everyone
Sa pakikipag-ugnayan po ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at ng Caloocan Schools Division Office, ipapatupad po natin ang BLENDED LEARNING (ALTERNATIVE DELIVERY MODES) para sa panghapong klase sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan ng lungsod dahil sa inaasahang matinding init ng panahon.
Ang blended learning po ay ipapatupad sa lahat ng antas maliban sa mga Grade 6 na kumukuha ng National Achievement Test.
Nasa pagpapasya naman po ng mga namumuno sa mga pribadong paaralan ang pagsuspende o pagkakaroon ng synchronus o/at asynchronus na klase.
Pinapayuhan po ang lahat na uminom ng tubig, manatili sa loob ng bahay, at iwasan ang pagbibilad sa araw.
03/03/2024
Paalam at maraming salamat sa iyong kabutihan, Kuya Danny Serrano.
Ikinalulungkot po naming ibalita ang pagpanaw ng isang mabuting kaibigan at maaasahang kabarangay natin. Masipag at madaling hingan ng tulong si Kuya Danny. Kapag may lumapit sa kanya siguradong darating at tutulong siya.
Ipinapaabot din po namin ang pakikiramay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Mami-miss ka namin Kuya Danny. Mahal ka namin. Hanggang sa muling pagkikita.
02/11/2023
Maraming salamat po sa lahat ng nagmahal, sumuporta, tumulong, at nagsakripisyo para sa Team Solusyon.
Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala sa aming mga plano at programa. Makakaasa po kayo na ipagpapatuloy namin ang ilan sa mga ito dahil marami sa kabarangay natin ang nangangailangan.
Kami ang Team Solusyon, patuloy na Tutulong at Aaksyon.
28/10/2023
Kami ang TEAM SOLUSYON
TUMUTULONG at UMAAKSYON!
28/10/2023
ATCHAY at CUTE
Suportahan din po natin ang masipag sa pagtulong at magsisilbi sa kababaihan. Pangungunahan nila ang pagtataguyod ng mga proyekto para sa mga nanay at kabataan.