09/01/2026
Mga Kabarangay inaanyayahan po namin kayo na makilahok sa aming mga palaro at pa BIngo Bonanza para po sa Kapistahan ng Sagrada Familia Parish ito po ay gaganapin sa araw ng Sabado Enero 10, 2026 sa ganap na alas 2:00 ng hapon sa lugar ng Magsaysay Street sa pagitan ng 8th street at 7th street.... Ito po ay handog ng ating Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Kap Rod Garcia at mga Kagawad... Kita kita po tau... Happy Fiesta Barangay 124
08/01/2026
Mula po sa Sangguniang Kabataan sa Pangunguna ng ating SK Chairperson Queenie Marie Ocañada at SK Council magkakaroon po ng Street Party sa ating Barangay na ang lahat ay pwedeng makilahok para sa ating kapistahan... Magkita Kita po tau... Happy Fiesta Sagrada Familia...
TARA NA'T MAKISAYA, as we are about to have a blast on one amazing night sa kalsada; STREET PARTY 2026 at Barangay 124! 🥳
Isang pagdiriwang sa fiesta ng Sagrada Familia,
ito pong darating na Linggo, JANUARY 11 🎉
Hatid sainyo ng SK Council, sa pamumuno ng ating SK Chairwoman; Queenie Marie Ocañada
GATE OPENS AT 6PM! Makisaya at makisayaw, don't miss the unforgettable night, kitakits sa kalsada everyone!
HAPPY FIESTA, SAGRADA FAMILIA! 💓
22/12/2025
Kami po sa Barangay 124 ay Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa ating Year-End Party ng Barangay 124. Ang inyong presensya at pakikiisa ang siyang nagbigay-buhay at saya sa ating munting salu-salo. Kami po ay lubos na nagagalak na makita na sa inyong pag-uwi ay baon ninyo ang katuwaan at ngiti sa inyong mga labi, na siyang patunay ng tagumpay ng ating pagtitipon. Maraming salamat din sa pangunguna at patuloy na suporta ng ating Punong Barangay Kap Rod Garcia, Kapitana Grace Garcia at ng buong konseho. Sana ay magsilbi itong paalala ng ating pagkakaisa at matibay na samahan bilang isang barangay. Kami po ay bumabati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
20/12/2025
Amin pong inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Year-End Party ng Barangay 124 na isasagawa sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap. Rod Garcia, kasama ang buong Sangguniang Barangay.
Halina’t magsama-sama sa ating munting salu-salo bilang pasasalamat at pagsasalo sa mga biyayang natanggap sa buong taon.
🗓 Petsa: Linggo, Disyembre 21, 2025
🕑 Oras: Ganap na ika-2:00 ng hapon
📍 Lugar: 6th Avenue, Quezon Street (Garcia's Residence)
Lubos po naming ikagagalak ang inyong pagdalo.
17/12/2025
Maraming Salamat po CHOI FAMILY sa paabot nyu po na prutas para sa Sanggunian God Bless 🙏 po.
From Council
17/12/2025
Mula po sa pamunuan ng Barangay 124 sa pangunguna nang ating Punong Barangay Kap Rod Garcia at Council. Kami po ay Lubos na nagpapasalamat sa pamigay na Gift Pack para po sa ating mga Tanod, Lupon at Staff Maraming Salamat po Mayor Along Along Malapitan
30/11/2025
Mula po sa Barangay 124 sa pangunguna ng aming Punong Barangay Kap Rod Garcia, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa naipamahaging Pamaskong Handog mula sa Lungsod ng Caloocan, sa pangunguna ng aming Mahal na Mayor Along Malapitan . Tunay na nakapaghatid ito ng saya at ngiti sa mga Batang Kankaloo, at malaking tulong ito upang madama ang diwa ng Pasko sa ating komunidad.Maraming Salamat po sa ating masisipag na mga CRO at sa aming Mga Kagawad, SK Chairperson, Secretary at mga tanod na mga nag ikot. Maraming salamat po sa inyong patuloy na Aksiyon at Malasakit para sa aming mga residente. Mabuhay po kayo, Mayor, at maligayang Pasko sa lahat!
28/11/2025
FYI Barangay 124
Bababa po ang CRO bukas Nov. 29, 2025
Magbabahay bahay po para sa stub for distribution ng Pamaskong Handog na mula sa ating Mayor Along Malapitan.
Maraming Salamat po.
16/11/2025
November 15, 2025
Feeding Program Sagrada Familia Parish sa pangunguna ng Kawan ng Sto. Tomas at pakikipagtulungan ng aming Punong Barangay Kap Rod Garcia , Kapitana Grace Garcia at ng Council... Maraming salamat sa mga sponsor Konsi Carol Cunanan, Konsi Cons Asistio at kay Pilar Santos. Muli Maraming Salamat po
08/11/2025
Ang Sagrada Familia Parish ay magkakaroon ng Feeding Program dito po sa ating Barangay at ito po ay gaganapin sa November 15, 2025 sa ganap na 10:00 ng umaga at sa harap po ng Bahay ng ating Punong Barangay Kap Rod Garcia.... Kami po ay umaasa na kau po ay makikilahok sa munting Handog ng ating Parokya. Maraming Salamat Po..
08/11/2025
November 08, 2025
Week # 45
Patuloy ang pakikiisa ng Barangay 124 sa mandato ng DILG sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program ng pamahalaan.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap Rod Garcia kasama ang buong Konseho, SK Chairperson, mga Tanod at Vice - Pres ng Senior Citizen ay patuloy na susuportahan ang adhikain ng pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran.,💚🧡
"ISULONG ANG NASIMULAN NG MAY AKSIYON AT MALASAKIT"
01/11/2025
October 31, 2025
TRICK OR TREAT
Mula po sa Barangay 124 sa pangunguna ng aming Punong Barangay Kap Rod Garcia at sa pakikipagtulungan ng aming SK Chairperson Queenie Ocañada pati narin ang aming mga masisipag na kagawad at Brgy. Secretary kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga nakilahok sa aming TRICK OR TREAT. Maraming salamat po sa aming mga constituents na nagpaabot ng mga Candy at chocolates na naikutan po namen at sa mga prizes po muli maraming salamat po sa pag suporta sa Barangay 124.