02/06/2026
𝗠𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗝𝗠𝗣 𝗖𝗮𝗹𝗼𝗼𝗰𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗝𝗮𝗶𝗹, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲
Ngayong araw, Hunyo, 2, 2026 - sa inisyatiba at direktiba ni Caloocan City Jail Warden, 𝗝𝗦𝗨𝗣𝗧 𝗘𝗟𝗟𝗘𝗡 𝗕 𝗕𝗔𝗥𝗥𝗜𝗢𝗦, 𝗗𝗦𝗖, ang mga kawani mula sa BJMP Caloocan City Jail, kasama ang mga Jail Officer 1 Trainees mula sa National Jail Management and Penology Training Institute, ay nakiisa sa Brigada Eskwela 2026 na isinagawa sa M.B. Asistio Sr. High School - Unit I, Pla-Pla St., Kaunlaran Village, Caloocan City.
Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pasukan na magsisimula sa Hunyo 8, 2026, nakiisa ang mga kawani sa paglilinis, pagpipintura, at iba pang mga gawaing pangkalinisan sa loob ng paaralan upang matiyak ang maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral at g**o. Nagbigay rin ng mga donasyong school supplies ang BJMP Caloocan para sa mga pili at lubos na nangangailangang mag-aaral sa nasabing paaralan.
Ipinapakita ng ganitong pakikiisa sa mga programa ng komunidad ang patuloy na suporta at pagpapahalaga ng BJMP sa edukasyon bilang mahalagang pundasyon sa paghubog ng kabataan at pag-unlad ng lipunan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, naipapamalas ang diwa ng bayanihan at ang pagkakaisa ng iba't ibang sektor para sa kapakanan ng mga mag-aaral, mga g**o at ng buong komunidad.

01/06/2026
30/05/2026
30/05/2026
29/05/2026
29/05/2026
27/05/2026
25/05/2026