Senator Norberto B. Gonzales

Senator Norberto B. Gonzales

Share

campaign ads

08/11/2025

NORBERTO GONZALES: ITUON ANG IMBESTIGASYON SA TOTOONG MAY SALA, HUWAG ISISI SA NAKARAAN

Nananawagan si dating Defense Secretary Norberto Gonzales sa mga nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects na huwag ibaling ang sisi sa mga kritiko o sa nakaraang administrasyon.

Ayon kay Gonzales, dapat pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang isyu upang mapanagot ang tunay na may sala.

“Hindi relevant ‘yong nangyaring korapsyon sa panahon ni Duterte — ibang usapan ‘yon. ‘Yong kay Chavit Singson, ibang usapan din ‘yan. Pero hindi ‘yan makakatulong para masolusyonan ‘yong problema ng korapsyon na nangyayari ngayon,” aniya.

Ito ang pahayag ng dating kalihim ng Department of National Defense (DND) matapos ang tila pagbabago ng ihip ng hangin kaugnay ng ginagawang imbestigasyon sa malawakang korapsyon sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni Gonzales na hindi makatutulong kung ililihis lamang ng kasalukuyang administrasyon ang totoong isyu at ibabaling sa oposisyon ang pagkakamali.

Bagaman hindi niya itinatangging nagkaroon din ng korapsyon sa nakaraang administrasyon o sa mga kaalyado ng mga Duterte, iginiit niyang dapat munang mapanagot ang mga kasalukuyang nangungulimbat sa kaban ng bayan.

“Tingin ko, kunyari ginamit kay Chavit Singson o ‘yong binabanggit na marami din namang nangyaring korapsyon sa panahon ni Duterte, binabanggit na ipinapakita—alam mo, hindi natin sasabihing hindi totoo ‘yong accusation kay Chavit, hindi rin natin sasabihing wala talagang nangyaring korapsyon sa panahon ni Duterte. Pero hindi makakatulong ‘yan kung ang gusto mong gawin ay mapatunayan o hindi nagkasala ‘yong mga gumagawa ng korapsyon ngayon,” paliwanag ni Gonzales.

Dagdag pa niya, tila pinapatahimik ng administrasyon ang mga kritiko nito, kabilang sina Vice President Sara Duterte, na pinapa-impeach, at Chavit Singson, na sinampahan ng kasong plunder matapos magsalita laban sa pamahalaan.

Sa huli, binigyang-diin ni Gonzales na ang interes ng taumbayan ang dapat manaig at na kailangang mapanagot ang mga tiwaling opisyal sa kasalukuyang pamahalaan.

“Ang interes ng taong bayan kung paano natin ia-address ‘yong korapsyon na nangyayari ngayon. Hindi mo puwedeng isolve ‘yan by saying na nangyari din noon ‘yan. Eh ibig mong sabihin, dahil nangyari noong panahon ni Duterte, okay na mangyari ngayon? Mali ‘yan—maling logic ‘yon. Ibig mong sabihin, korap din si Singson; hindi ibig sabihin ba niyan, hindi na totoo ang mga sinasabi niya ngayon? Maling logic ‘yan, ‘yan ang ginagawa nila ngayon,” diin ni Gonzales.

Nag-ugat ang imbestigasyon matapos lumubog sa baha ang malaking bahagi ng bansa, kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na libu-libong flood control projects na umano ang natapos sa ilalim ng kanyang pamumuno.

08/11/2025
31/10/2025

AFP DAPAT MANATILING MAY MALASAKIT SA POLITIKA NG BANSA -- EX-DND CHIEF NORBERTO GONZALES

Hindi magandang sabihin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala itong interes sa anumang nangyayari sa politika ng bansa.

Ayon ito sa dating Department of National Defense (DND) Secretary na si Norberto Gonzales sa panayam ng SMNI News.

Tugon ito ni Gonzales sa sinabi ng kasalukuyang kalihim ng DND na si Gibo Teodoro na hindi aniya dapat makialam ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa politika ng bansa.

Si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner din ay may kaparehong pahayag ni Teodoro.

Ani Gonzales, mas mainam na may interes sila sa politika ng bansa ngunit mananatiling wala silang kakampihang panig.

Samantala, nauna nang ipinaalala ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa panayam din ng SMNI News na dapat taumbayan ang protektahan ng AFP at hindi ang pangulo ng bansa.

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Caloocan
1428