19/06/2021
Malugod at mapitagang pagbati sa Ika- 160 Anibersaryo ng kapanganakan ni G*t Jose Rizal! 🎈🎈🎉
Matuwid Na Aral ni Pepe: "Maging modelo ng kalinisang puri at magandang katangian, sapagkat ang sinumang nagtuturo ay kailangang mas higit lagi sa kung sino ang tinuturuan."
12/06/2021
Maligayang Ika- isangdaan at dalawampu't tatlong taong kasarinlan ng ating Inang Bayan! 🇵ðŸ‡ðŸ‡µðŸ‡ðŸ‡µðŸ‡
Panatilihin natin ang tunay na diwa ng kalayaan anumang pagsubok at unos na ating pagdaraanan. Alalahanin natin ang mga aral ng nakaraan at itaguyod natin ang mga matutuwid na aral sa kasalukuyan para sa progresibong hinaharap. MABUHAY ANG PILIPINAS!!
05/06/2021
Mainit na pagsalubong ang bumati sa National President ng ARAL Partylist na si Dr. Maricor Malitao sa Lungsod ng Marikina ngayong araw ng Sabado, Hunyo 05, 2021 na pinangunahan ni Bp. Emerson Beriones.
Ibinahagi ni Dr. Maricor ang payak na pinagmulan at kanyang mga karanasan sa buhay maging ang puspusan at patuloy na paghahatid ng kabutihan at matuwid na aral sa kapwa na siyang nagsilbing mensahe at inspirasyon sa mga dumalo sa naturang pagtitipon. Aniya pa'y "Ang pag-unlad ng isang tao ay nakabatay sa sariling mga desisyon nito." Pinangunahan rin ng huli ang isinagawang panunumpa ng mga ARAL Officers at City coordinators sa naturang lungsod.
23/05/2021
Isang masaya at mainit na pagtanggap ngayong araw ng linggo sa ating ARAL Party-List Founder & National President Dr. Maricor Malitao at sa aktibong pakikibahagi at pagsuporta sa isinagawang "Relief Giving Project and Clean Up Drive" ng ating mga KA-ARAL na Alpha Kappa Rho- Senior De Silang (AKRHO) sa komunidad na ginanap sa Bharubal Court Phase 1, Bagong Silang, Caloocan.