12/04/2026
LABING-APAT NA WHEELCHAIR, HATID AY PAG-ASA AT GINHAWA SA MGA BENEPISYARYO NG POLANGUI, ALBAY
Naghatid ng pag-asa at ginhawa ang OVP - Bicol Satellite Office sa bayan ng Polangui, Albay sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga wheelchair.
Labing-apat na libreng wheelchair ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo upang makatulong sa kanilang mas mapagaan ang kanilang paggalaw at higit na mapabuti ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtitibay ng OVP ang pangakong maghahatid ng inklusibo, makatao, at makabuluhang serbisyo para sa lahat. Ipinapakita rin nito na ang bawat Pilipino, lalo na ang mga may kapansanan, ay karapat-dapat sa suporta, dignidad, at pag-asang makapamuhay nang mas maayos.
Bisitahin ang aming website ovp.gov.ph para sa karagdagang detalye.
10/04/2026
PAGGUNITA NG IKA-84 NA ARAW NG KAGITINGAN
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, binibigyang-pugay natin ang kabayanihan, sakripisyo, at di matitinag na pagmamahal sa bayan ng bawat sundalong Pilipino.
Sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte, nakikiisa ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa patuloy na pag-alala sa mga bayaning buong tapang na humarap sa hamon ng kasaysayan—piniling ipaglaban ang bayan upang ang susunod na henerasyon ay mamuhay sa isang bansang malaya at may dangal.
06/04/2026
Hindi ninyo matitinag ang Agila kapag pumagaspas ang Pakpak.
Ang daming buwaya na ikaw ang sinisisi sa kasalanan na sila ang may gawa!
Ikaw ang pag-asa para muling manumbalik ang sigla ng ating Bayan.
Laban Sara👊👊👊👊👊
06/04/2026
Cong Croc pahinga ka naman sa katakawan sa maleta na puno ng pera ng bayan.
06/04/2026
Ibalik ang death penalty!
Lahat ng corrupt dapat managot!
28/03/2026
200 NA MGA PAGBABAGO BAGS SA STA. MARIA, LAGUNA
Kabilang ang bayan ng Santa Maria sa probinsya ng Laguna sa mga pinuntahan ng mga kawani ng Office of the Vice President upang mamahagi ng PagbaBAGo bags sa mga mag-aaral.
Siyamnapu’t apat na mga mag-aaral mula sa Cambuja Bubucal Elementary School ang nakatanggap ng PagbaBAGo bags mula sa OVP. Habang isang daan at anim na mga mag-aaral naman mula sa New Little Baguio Elementary School ang nakatanggap ng nasabing bag.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa ilalim ng programang PagbaBAGo: A Million Learners Campaign ng OVP. Layunin nito na makabahagi ng isang milyong bags bago matapos ang taong 2028. Isang hakbang sa edukasyon tungo sa mas magandang kinabukasan.
28/03/2026
OVP ACCOMPLISHMENT REPORT
Mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2025, patuloy naming isinulong sa Office of the Vice President (OVP) ang aming mandato na maghatid ng tulong, pag-asa, at serbisyong may malasakit sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan. Sa bawat programang ipinatupad, layunin naming maabot ang mga komunidad na higit na nangangailangan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa abot ng aming makakaya.
Ang bawat serbisyong aming naihatid ay bunga ng pagtutulungan, dedikasyon, at taos-pusong hangarin na makapagbigay ng positibong pagbabago. Naniniwala kami na sa likod ng bawat numero ay may kwento ng pagbangon at inspirasyon na patuloy naming pinahahalagahan.
Sa mga susunod pang taon, mananatili kaming matatag sa aming pangako na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tapat, inklusibo, at makabuluhang serbisyo publiko. Kasama ang bawat Pilipino, patuloy naming isusulong ang isang mas maunlad, matatag, at inklusibong Pilipinas.
28/03/2026
OVP, NAMAHAGI NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA BRGY. 39, BACOLOD CITY
Naghatid ng tulong ang OVP - Panay and Negros Islands Satellite Office sa mga residente ng Brgy. 39 sa Bacolod City na nasalanta ng malaking sunog.
Sa isinagawang relief distribution noong Marso 13, 2026, umabot sa 204 na pamilya mula sa Prk. Katilingban 1 & 2 ang nabigyan ng tig-sasampung kilong bigas bilang suporta sa kanilang pangangailangan habang sila ay bumabangon mula sa nasabing insidente.
Layunin ng OVP na patuloy na matugunan ang pangangailangan ng bawat isa, lalo na sa panahon ng sakuna.