28/10/2023
"Nakakahatak ng pag-asa ang pag-asa."
Taos puso ang pasasalamat ni Doc Edwin Balcos at ng buong Team EB sa pagkakataon na ibinigay ng ating mga kabarangay na marinig ang kanilang mga plano at pangarap para sa mahal nating 161. Natapos man ang panahon ng kampanya, simula pa lang ito ng panibagong yugto na ating isusulat. Ang minimithi nating pagbangon ay abot tanaw na. Walang imposible kung may pagkakaisa!
Mga kabarangay, maraming salamat po!❤️
26/10/2023
KNOW YOUR CANDIDATE❗️❗️❗️
DOC EDWIN BALCOS para KAPITAN❗️❗️❗️
Subok na ng panahon sa iba't ibang posisyon na kanyang nahawakan sa gobyerno at pribadong sektor, likas na kay Doc Edwin Balcos ang pagtataguyod sa kapakanan at ikabubuti ng nakakarami. Mula sa pagiging student leader hanggang sa kaniyang propesyonal na buhay, malinis na track record ang maipagmamalaki niya.
Ang public servant na hindi namimili ng tutulungan. Doc Edwin Balcos para Kapitan sa Oktubre 30!
24/10/2023
BLUE LACAP para SK Chairman ❗️❗️❗️
Kasalukuyang isang criminology student, hangarin ni Blue Lacap na makagawa ng mga makabuluhang proyekto na pakikinabangan ng kanyang mga kapwa kabataan. Kabilang sa kaniyang mga plataporma ay ang pagbibigay ng SCHOLARSHIP GRANTS sa mga kabataan ng 161 upang masiguro na mabibigyan ang lahat ng may gusto ng oportunidad na makapagtapos. Bilang siya’y magiging Pulis sa hinaharap, pangungunahan niya rin ang SK council na mag-akda ng mga ordinansa na masisiguro ang kaligtasan at seguridad ng kabataan sa barangay.
Sa Oktubre 30, Blue Lacap para SK Chairman! Doc Edwin Balcos para Kapitan!
24/10/2023
BUTCH BULOSAN para Kagawad ❗️❗️❗️
Isang Radiologic Technologist at respetadong miyembro ng Seventh-Day Adventist Church, kritikal ang papel na gagampanan ni Butch Bulosan kapag siya ay nahalal. Sa plano ni Doc Edwin Balcos na magpatayo ng bago at SARILING HEALTH CENTER NG 161, magagamit ang kasanayan ni Butch sa pagpapaandar ng mga Laboratory machines gaya ng X-Ray. Ito’y bukod pa sa mga ordinansa na may kinalaman sa kalusugan na balak niyang maipasa.
Sa Oktubre 30, Butch Bulosan para Kagawad! Doc Edwin Balcos para Kapitan!
24/10/2023
RICO OPELLOR para Kagawad ❗️❗️❗️
Kilalang maaasahan at matulungin, tapat ang pambato ng Jasmin na si Rico Opellor sa layunin na gawing malinis at maaliwalas ang Barangay 161. Siya ang mamamahala sa gagawin ni Doc Edwin Balcos na muling pagbuhay sa CLEAN AND GREEN initiative. Sa sigasig ni Rico, tiyak ang tagumpay ng planong ito upang maihabol natin ang 161 sa ganda at kaayusan ng ating mga karatig-barangay.
Sa Oktubre 30, Rico Opellor para Kagawad! Doc Edwin Balcos para Kapitan!
24/10/2023
ROMY MALANA para Kagawad ❗️❗️❗️
Respetado sa kaniyang komunidad, dating Bise Presidente ng Kapit Bisig Libis (KBL) si Romy Malana. Isa ding aktibong opisyal sa bawat trabaho at organisasyon na kaniyang kinabibilangan, alam niya ang iba’t ibang daing at pangangailangan lalo na ng kaniyang mga kapwa SENIOR CITIZENS.
Kapag nahalal, siya ang maaasahan ni Doc Edwin Balcos at ng Barangay 161 na aakda ng mga ordinansa sa kapakinabangan ng mga Senior Citizens. Siya rin ang tututok sa pagsasaayos ng mga drainage, kalsada, at kaunlaran ng Libis.
Sa Oktubre 30, Romy Malana para Kagawad! Doc Edwin Balcos para Kapitan!
24/10/2023
REGGIE MENDOZA para Kagawad ❗️❗️❗️
Isang Union President, nasa puso ni Reggie Mendoza ang pagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa. Kapag nahalal, aakda siya ng mga ordinansa na magiging kapaki-pakinabang sa mga trabahante ng Barangay 161. Kasangga si Doc Edwin Balcos, itataas niya ang antas ng paggawa sa barangay at sisiguraduhin na mabigyan ng oportunidad ang lahat.
Sa Oktubre 30, Reggie Mendoza para Kagawad! Doc Edwin Balcos para Kapitan!
24/10/2023
BECCA OJANO para Kagawad ❗️❗️❗️
Respetado at hinahangaan hindi lamang ng mga taga 161, babad si Rebecca “Becca” Ojano sa serbisyo publiko at pakikinig sa saloobin ng kaniyang mga kabaranggay. Nanilbihan na sa maraming importanteng posisyon, kamakailan lamang siya’y nanilbihan din bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang staff ni dating Konsehal PJ Malonzo. Naging secretary din siya noon ng isang NGO na BALIKATAN dito din sa ating barangay. Dahil dito, pamilyar si Becca kung ano ang mga agarang suliranin na dapat aksyunan.
Siya ang magiging kaagapay ni Doc Edwin Balcos na tututok sa pagbibigay sa ating mga kabarangay ng LIVELIHOOD TRAINING AND ASSISTANCE at SCHOLARSHIP GRANTS para sa mga gustong makapag-aral.
Sa Oktubre 30, Becca Ojano para Kagawad! Doc Edwin Balcos para Kapitan!
24/10/2023
ESTONG ESPIRITU para Kagawad ❗️❗️❗️
Dating Civil Relations Officer ng lokal na pamahalaan ng Caloocan, malapit si Estong Espiritu sa mga hinaing ng ating mga kabarangay lalo na patungkol sa kalikasan. Kapag nahalal, siya ang sususog sa pagpapatupad ng CLEAN AIR ACT at ANTI RABIES LAW sa ating pamayanan. Sa pamamagitan nito, makakasangga rin siya ni Doc Edwin Balcos sa kanyang layunin na isaayos ang mga kanal ng ating barangay at pagsasalugar sa lumalaking problema ng mga nagkalat na a*o sa kalye.
Sa Oktubre 30, Estong Espiritu para kagawad! Doc Edwin Balcos para kapitan!
24/10/2023
BENSON BAJAMONDE para Kagawad ❗️❗️❗️
Representasyon. Kapag nahalal, ito ang napakahalagang dala ni Robinson “Benson” Bajamonde sa konseho ng Barangay 161. Siya ang tututok sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng Bajamonde at Gonzales estates —- mga lugar sa’ting barangay na napabayaan at kinalimutan ng mga nagdaang administrasyon. Kaagapay si Benson, isasakatuparan ni Doc Edwin Balcos na makuha ng ating mga kabarangay ang napakaraming oportunidad sa hanap-buhay sa mga nasabing lugar. Siya rin ang tututok sa suliranin ng pag-agaw ng Malabon sa teritoryo ng Barangay 161.
Sa Oktubre 30, Benson Bajamonde para Kagawad! Doc Edwin Balcos para Kapitan!
23/10/2023
KNOW YOUR CANDIDATE❗️❗️❗️
DOC EDWIN BALCOS para KAPITAN❗️❗️❗️
Mula sa kanyang panahon bilang isang student leader sa kaniyang unibersidad, likas kay Doc Balcos ang pagtataguyod sa kapakanan ng nakararami. Sa kaniyang propesyonal na buhay, subok na rin siya ng panahon sa iba’t ibang posisyon na kaniyang nahawakan sa gobyerno at pribadong sektor.
Ang public servant na hindi namimili ng tutulungan. Doc Edwin Balcos para Kapitan sa Oktubre 30!