23/05/2022
PINAKAMATAAS NA PAGPUPUGAY KAY ROMEO 'PAREKOY' SARABIA
Mainit na pakikiramay ang ipinapaabot ng Migrante Philippines sa pamilya, kaibigan at kasamang naiwan ni Romeo "Parekoy" Sarabia.
Si Romeo Sarabia o mas kilala bilang Parekoy ng nga kasama at kaibigan ay isang magiting at masigasig na lider-maralita. Mula sa pagiging manininda sa palengke ng Bagong Silang Caloocan noong 2017, namulat siya sa kahalagahan ng kolektibong pagkilos upang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa kabuhayan. Matagumpay niyang pinamunuan ang laban ng mga manininda sa mga tangka ng lokal na gobyerno ng Caloocan na palayasin ang mga kariton vendors sa palengke. Napagtibay ng kanilang organisasyong Samahan ng mga Manininda sa Bagong Silang (SAMABASI), kung saan siya nahalal bilang tagapagtatag na pangulo, ang karapatang maghanapbuhay ng hindi bababa sa 50 manininda hanggang sa ngayon.
Pinaglingkuran rin niya ang iba pang inaaping mamamayan. Organisador siya ng mga OFW at pamilya sa ilalim ng Migrante Caloocan. Hindi matatawaran ang ambag ni Parekoy sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga manininda, migrante at masang api. Susi ang kaniyang papel sa nagpapatuloy na laban ng mamamayan ng Caloocan para sa ayuda sa panahon ng pandemya.
Naging bahagi rin siya ng mga community pantry, bungkalan, at iba pang mga aktibidad na nagbubuo ng malawak na pagkakaisa ng mamamayan. Isa rin siya sa mga masigasig na kampanyador ng Anakpawis Party-list, ni Neri Colmenares, ni Elmer "Ka B**g" Labog, Kiko Pangilinan at Leni Robredo noong eleksyon. Higit sa lahat, pinatunayan ng pamumuno ni Parekoy ang malaking papel ng mga mala-manggagawa sa pagkakaisa ng mga maralitang mamamayan.
Ipagpatuloy natin ang makatarungang laban ng mga manininda, migrante at mamamayan para sa pambansang demokrasya at ganap na pagkakapantay-pantay sa alaala ni Parekoy.
06/05/2022
TEAM BAGONG SILANG, WALANG KAPAGURAN!
Walang mapaglagyan ng enerhiya ang ating mga volunteers mula sa Bagong Silang kaya’t hindi nagpaawat ngayong araw ang ating team para magpostering, mag-house-to-house, at mag-MPTrike! Dito sa Phase 9 lumarga ang ating team at damang-dama natin ang suporta ng mga tao rito!
Isinusulong ng Anakpawis Party-list ang kagalingan ng masang maralita! Mula sa mga magsasaka sa kanayunan hanggang sa mga maralitang taga-lungsod, ang Anakpawis Party-list lang ang boses ng masang api sa kongreso!
Kaya marapat lang na ipanalo na natin ‘to!
06/05/2022
PARTY-LIST NATIN AY ANAKPAWIS, BOSES NATIN SA CONGRESS!
Hatid sa inyo ng Anakpawis Kankaloo ang MPTrike! Kayang-kayang iparinig ang ating adhikain maski sa maliliit na eskinita. Maaabot ang mga nasa kaloob-looban at kasuluksulukan.
Ipanalo na natin ‘to mga Mar at Par, mga SER at MAM!
06/05/2022
WHAT’S UP KANKALOO!
Bago tayo umattend ng Meeting de Avance ng Anakpawis Party-list, halika muna at magbahay-bahay, mag-MPT at ipakilala sa lahat ang ating partido!
05/05/2022
KUSINA MARALITA - Santa Rita, North Caloocan
KUSINA MARALITA - Concepcion, North Caloocan
Sa pakikipagtulungan sa atin ng opisina ni Senator Leila de Lima, dalawang Kusinang Bayan ang ating nailunsad ngayong araw dito sa North Caloocan.
Alas-otso ng umaga, inihain natin sa mga taga-Concepcion ang mainit na champorado bilang kanilang almusal na pinagsaluhan ng higit 70 katao at noong hapon naman ay nagtungo tayo sa Barrio Sta. Rita upang maghatid ng malasang meryenda na pinagsaluhan ng 60 katao.
Tuwang-tuwa ang mga residente na taga-Kankaloo na muli nagsasama-sama ang komunidad upang magluto at kumain ng sabay-sabay. Kahit hindi pa man eleksiyon, ginagawa na ito ng Anakpawis Party-list. Naglulunsad tayo ng mga aktibidad kung saan kolektibo tayong nagpapartisipa gaya ng Tulong Anakpawis , Sagip Kanayunan at Tulong Anakpawis Kitchen. Naniniwala ang Anakpawis na ang sama-samang pagkilos ay may hatid na kakaibang lakas sa pagsasalu-salo man yan o maging sa pakikipaglaban para sa Lupa, Sahod, Trabaho, Paninirahan at Karapatan! NAKS! 💪🏽💪🏽💪🏽✊🏽✊🏽✊🏽
Kaya’t patuloy tayong magkaisa at manindigan. Lahat ng laban ay maipananagumpay sa pamamagitan ng sama-sama nating pagkilos!
SULONG KANKALOO, SULONG ANAKPAWIS!
**gLabogSsSenado
05/05/2022
TEAM CAMARIN, MAG-INGAY!!!!
Maraming salamat sa mga walang pagod nating mga volunteers mula sa Camarin na maghapong nag-postering, nag-palengke-to-palengke, nagbahay-bahay at nag-MPT para mas makilala ng buong Camarin ang tunay na party-list na boses ng masa sa kongreso, ang Anakpawis Party-list. Ito lamang ang natatanging party-list na naninindigan at nakikipaglaban para sa lupa, sahod, trabaho at karapatan! Tiwala rin tayo sa ating mga kandidatong maghahatid ng gaya ni Neri Colmenares at Elmer "Ka B**g" Labog para sa Senado, Kiko Pangilinan para sa Bise Presidente at VP Leni Robredo para sa Presidente.
Kaya't .
05/05/2022
WHOOOOP WHOOOOP!
Mula Deparo, Caloocan hanggang General Luis, QC ay tumawid ang Team Anakpawis Kankaloo upang paliwanagan ang ating mga kababayan kung ano ang Anakpawis Party-list. Namigay din tayo ng mga polyetong nagtatalakay ng mga plataporma ng .
05/05/2022
Ilang araw na lamang bago ang eleksiyon kaya naman ubos-kaya tayong lumalarga para ikampanya ang at . Walang iba kun’di .
Kahapon, pinuno natin ng ang kahabaan ng Mindanao Avenue - Valenzuela Bound kung saan matatagpuan ang mga naglalakihang mga paggawaan. Kinausap rin natin ang bawat dumadaang mga manggagawa at mga manininda upang suportahan at ipanalo ang laban natin ngayong halalan.
Sumulong tayo, Anakpawis Party-list!
.
05/05/2022
Kankaloo, Busy kayo?
OO! Pero hindi para sa Meeting de Avance ng nag-iisang
03/05/2022
Various groups march along Session Road to Melvin Jones Grandstand in Baguio to show support for presidential candidate and Vice President Leni Robredo and her running mate, Senator Kiko Pangilinan, on Monday. (Photos by Andy Zapata/The Philippine STAR)
02/05/2022
CAMARIN! SAGAD-SAGARIN NA NATIN!
Kumamada ng todo-todo ang ating Team Camarin dito sa Kankaloo para ikampanya ang nag-iisang at siyempre pa, ang Anakpawis Party-list, wala na talagang iba pa! Sa pagiikot natin sa palengke at mga bahay, nakakatuwang isipin na marami pa rin sa ating mga kababayan ang naniniwala sa adbokasiya ng Anakpawis Partylist upang ipaglaban ang sahod, trabaho, karapatan, kabuhayan, disenteng paninirahan at maging ang ayuda. Tunay nga na Anakpawis Party-list lang talaga ang nakauunawa sa dinaranas ng mga mamamayang nagsusumikap para sa maayos na pamumuhay. Lunod na tayo dahil sa walang katapusang pangako. Kaya dapat, muling maihalal ang Anakpawis sa kongreso upang magtulak ng mga batas na para sa mga maralita.
Ngayong eleksiyon, lagi rin natin tandaan na mamimili ng mga mahuhusay na politiko para sa nais nilang posisyon sa pamahalaan.
Si B**g Labog at Neri Colmenares ay ang makabayang mga senador na kailangan ng ating bansa. Ang tambalang naman ang natatanging tambalan na ating pinagkakatiwalaan upang pamunuan ang Pambansang Opisina ng Presidente at Bise-Presidente.
'Wag nating kalimutan: