10/04/2024
PAPURI AT PASASALAMAT SA PANGINOONG DIYOS PARA SA PANIBAGONG PAGPAPALA SA CAMARIN HIGH SCHOOL -
LAHAT NA NG CLASSROOMS SA CAMARIN HIGH SCHOOL AY MAYROON NG 45-inch NA TELEBISYONG PANTURO!
Paano nalagyan ng 45 inches na telebisyong panturo ang 126 na classrooms sa Camarin High School nang hindi nag-aambagan ng perang pambili ang mga mag-aaral at magulang?
4 PARA 126 (sa panulat ni Bb. Jovy P. Bautista, dalubg**o sa Filipino, Camarin High School)
“No Collection Policy”, isang polisiya na maigting ang implemetasyon ng DepEd. Ito ay isang polisiyang makabata at nararapat.
Subalit may mga pangangailangan na sadyang hindi kakayanin na maihain ng Kagawaran, ang pondo ay hindi sapat kung kaya’t kailangang may gawing inisyatibong malikhain at mapanuri.
Nagsimula ang kuwento sa isang pagmamasid, makatanaw sa mga g**ong kipkip sa gilid ang telebisyon, sa kabila ang bag at ibang kagamitin.. paakyat pababa sa mga gusaling nagtatarikan.
Isang aksyon ang kailangang gawin subalit ang mga polisiya ay hindi dapat na baliin.
Bilang isang ama, hahanapin ang paraan upang makatulong at maibsan ang pagsubok ng iyong mga anak.
Nagsimula sa isang pangarap, pinaigting ng pangangailangan, pinatatag ng kakayahan.
Bago pa man ang hangaring makapaglagay ng mga telebisyon sa lahat ng silid aralan, na makatutulong sa 351 kaguruan at 10, 383 na mag-aaral, marami nang proyektong naisagawa at maraming kabataan na ang natulungan ng tinatawag naming lahat na TATAY.
Ang aming Tatay ay muling umaksyon, kahit ang pangarap ay tila isang imposibleng misyon.
Upang malagyan ng 45 inches na mga telebisyong panturo ang 126 classrooms na magagamit sa pagtuturo at pagkatuto sa Camarin High School gimamit ang kaniyang talento sa pagsulat ng script, pagdirehe ng maiikling pelikula at pagtatanghal sa entablado, pag-arte at pagiging tagapagsalita bilang life coach sa pamamagitan ng FOURdaKWENTO, isang film symposium for a cause.
Kilala sa tawag na ‘Tatay F’, si Ginoong Ferdinand A. De Leon, katuwang ang Tatay F Creative Team (TFCT) at Teatrong Pinangalanan Na (TPN) ng Camarin High School ay nagsasagawa ng nasabing film symposium patungkol sa mental health na nakasalig sa mga mensaheng hatid ng apat na maiikling pelikula at isang pagtatanghal sa entablado na kanyang sinulat, dinirehe, binigyang konsultasyon at ginampanan kasama ang mga piling mag-aaral at g**o ng TNP at TFCT. Bahagi ng symposium na ito ay ang talakayan at interaksyon patungkol sa tema na ‘mga kislot ng isip at emosyon’ na kaniyang pinangunahan bilang isang life coach.
Ang nasabing film symposium na naglalayon na makalikom ng pondo upang ipambili ng mga telebisyong panturo ay pinasimulang isagawa noong Nobyembre 2023 na sinuportahan at dinaluhan ng mga pamunuan, g**o, mag-aaral at magulang mula sa mahigit sa sampung katuwang na mga pribadong paaralan at simbahan sa Caloocan at Quezon City.
Naging bahagi din ng proyektong ito ang mga g**o na miyembro ng Tatay F Creative Team bilang co-facilitators, artista at technical working group:
G. RHOMAR P. ABID
G. JHON STEVEN C. ANGCAY
Bb. NASSTASIA CRISTINE L. BAGO
G. DANIEL D. DELA CRUZ
G. KENNETH S. DELA CRUZ
G. JOSEPH D. MACARANAS
Bb. KARIS APRIL A. MACARANAS
Bb. JESSECA L. MONTEMOR
G. JUSTINE C. MONTOYA
Bb. JENNYFER O. RAMOS
Bb. MICHELLE D. SOLIVEN
May mga natatanging paganap:
Bb. LERIZZ CARDONA
Bb. MALOU DE DIOS
G. RICKY F. DELA CRUZ
G. JOSHUA VERDEJO
G. KENNETH SANTOS
TEATRONG SIKRETO ANG PANGALAN
TEATRONG PINANGALANAN NA
Abellano, Jayn A.
Bañaria, Ian C.
Cana, Paula Allen E.
Caponpon, Ken C.
Coronacion, Mico P.
Dela Cruz, Gabrielle A.
De Leon, Adrian G.
Dillera, Lovely C.
Espayos, Albert Jr. S.
Fajardo, Jules R.
Flores, Angeline C.
Garcia, Kerz Louie A.
Ico, Jeremy C.
Llobrera, Cyruz Jared C.
Masong, Mary Grace R.
Mateo, Kean Cazandra S.
Maulana, Ester Victoria B.
Maulana, Sam B.
Orpiada, Rold Andrei R.
Pepito, Samantha Jaira B.
Ramirez, Aliyah A.
Sablawon, Junnifer Lhian D.
Terrencio, Jhealene A.
Tiongson, Renz Wilmer Y.
TPN Alumni
TEAM O NG LGU CALOOCAN
Kinilala din ang pagiging katuwang ni G. Kenneth Surillo ng Kenneth Surillo Films sa pagiging consultant at katuwang sa paggawa ng mga short films na ‘The Project Proposal’, ‘Labs Paramdam’, ‘F2F’ at ‘Disgrasya’ ang mga maiikling pelikula na pinanood at tinalakay kasama ang pagtatanghal sa entablado na pinamagatang ‘Magulang ang iyong anak, Anak ang iyong magulang’. Pati na din ang mga orihinal na awitin likha nina G. Cedric Evaristo, Angel Surillo at THMP Band.
Bukod sa 126 na telebisyong panturo, may iba pang donasyong telebisyong panturo mula sa alumni association na tatlong 32 inches, dalawang 32 inches mula sa batch 2003, tatlo na 43 inches mula sa batch 1993 , isang 45 inches mula sa batch 1987, at isang 50 inches mula sa Gate of Heaven Academy of Senate Village, Inc.
Kinilala din sa pagtatapos ng bawat symposium na naidaos ng 18 walong beses ang mga sumusunod na partner-schools and institutions bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa tagumpay ng nasabing proyekto:
St. Francis Technical Institute,
Every Nation Campus
Systems Plus College Foundation,
His Presence Church
The Lord’s Wisdom Academy of Caloocan, Inc.
Henry Gusse Christian School
St. Agnes Academy of Caloocan, Inc.
Christian International School of Caloocan, Inc.
Gate of Heaven Academy of Senate Village, Inc.
St. Vincent de Paul Academy
Our Lady of Lourdes Catholic School
Mary the Queen College of Quezon City, Inc.
Metropolitan Institute of Arts and Sciences
Cieverose College, Inc.
Mystical Rose School of Caloocan, Inc.
Robinsons Cinema 4 & 8 , Victory Mall
Taos pusong pasasalamat ang ipinabot sa pamunuan ng SDO- Caloocan, sa pangunguna ng Schools Division Superintendent Dr. Jenilyn Rose Corpuz, Assistant Schools Division Superintendent Dr. Warren Ramos, SGOD Chief Dr. Ivee Perez at buong SGOD Team na sumuporta at dumalo sa premiere screening ng nasabing symposium.
Sa apat na kuwento, daang telebisyong ang nalikom, libong mag-aaral ang nakinabang subalit ibayong tagumpay pa na ang mga pelikulang may handog na aral at mga pananalitang may dalang inpirasyon at higit na lumawak ang nararating ngayon.
PAPURI SA KATAAS-TASANG PANGINOON NA PINAGMUMULAN NG MGA DAKILANG PAGPAPALA!

02/08/2023
21/07/2022
16/05/2022
28/03/2022
28/03/2022