07/11/2025
Maaga palang ngayong araw ay nag-ikot na ang ating mga kawani mula sa Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department (CCDRRMD) sa mga barangay na nasa mabababang lugar at posibleng makaranas ng pagbaha dala ng Bagyong .
Sa ating pag-iikot, ay inihanda ng CCDRRMD ang mga rescue equipment ng ating lungsod para sa mas mabilis na pagresponde sa mga emergency.
Kasabay nito ay nagbigay tayo ng mga bilin sa ating mga mamamayan tungkol sa kahandaan sa paparating na bagyo, kabilang ang impormasyon tungkol sa pre-emptive evacuation at mga dapat at hindi dapat gawin upang makaiwas sa panganib o aksidente.
Nagsagawa rin po ang ating CCDRRMD ng pre-disaster risk assessment sa lahat ng mga opisyal ng mga barangay upang suriin ang kanilang kahandaan sa oras ng sakuna.
Mga Batang Kankaloo, mag-iingat po tayong lahat. Asahan niyo pong laging nakahanda ang pamahalaang lungsod na tumugon sa inyong mga pangangailangan.
CALOOCAN 24/7 EMERGENCY HOTLINE:
βοΈ(02) 888-25664
π±0908-81-25664
28/06/2025
NEWS ALERT: LIBO-LIBONG TRABAHO, HATID NG MEGA JOB FAIR SA CALOOCAN!
Libo-libong oportunidad ang muling inihain para sa mga naghahanap ng trabaho sa isinagawang Mega Job Fair sa lungsod ng Caloocan.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng maayos at disenteng kabuhayan ang mga residente, lalo na ang mga bagong nagsipagtapos.
25/06/2025
Ikinagagalak ko pong ibalita na iginawad ng Commission on Audit (COA) ang pinakamataas na pagkilalang "UNMODIFIED OPINION" sa Lungsod ng Caloocan.
Ang karangalang ito ay tanda po ng ating maayos na financial statements sa lokal na pamahalaan at masinop na pamamahala sa pondo ng ating pamahalaan.
Mga Batang Kankaloo, ang karangalang ito po ay para sa inyo.
11/02/2025
MGA FUR PARENTS NA BATANG KANKALOO, I-REHISTRO NA ANG INYONG MGA ALAGA PARA SA πππππππ πππππππππππππ.
Inihahandog po natin ang microchipping para sa mga alagang a*o at pusa sa unang 1,000 na makakapagrehistro ng kanilang alagang hayop para sa LIBRENG serbisyong ito.
Maaaring mag-register mula ngayong araw, February 11, 2025 hanggang sa February 16, 2025, gamit ang QR code sa larawan o ang link na ito: https://tinyurl.com/4xpvw6ud.
Mahalagang paalala at mga kailangang ihanda bago magrehistro:
- First come, first serve basis po ito
- Ihanda ang inyong certificate of residency mula sa inyong barangay
- Ihanda ang Valid ID na may address sa Caloocan
- Pagkatapos magrehistro, hintayin na i-post ang inyong pangalan kasabay ng schedule ng inyong alaga
Dito sa Caloocan, pagmamalasakitan po natin pati ang inyong mga fur babies!
06/02/2025
Tuloy-tuloy lamang po tayo sa pagtugon sa mga request kaugnay sa kinakailangang Funeral Es**rt Vehicle ng ilan sa ating mga ka-distrito.
Sa mga nais din pong humiram, magpaabot lamang po ng mensahe rito sa aking page.
29/12/2024
PET SAFETY TIPS PARA SA BAGONG TAON
Sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan at ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan City, kasama ang Caloocan City Veterinary Department, narito ang mga tips para sa kaligtasan at kapakanan ng inyong mga alagang hayop ngayong Bagong Taon:
πΎ Pakainin ang inyong mga alaga nang maaga.
Siguraduhing silaβy nakakain 2-3 oras bago maghatinggabi para mapanatili ang kanilang kalusugan at maibsan ang kaba sa oras ng paputok.
πΎ Siguraduhing silaβy nasa ligtas na lugar.
Ilayo ang inyong mga alaga sa lugar kung saan maingay at may paputok. Mas mabuting ilagay sila sa isang tahimik na kwarto o kulungan.
πΎ Panatilihing komportable ang kanilang kapaligiran.
Buksan ang radyo o TV sa mahinang volume para malibang sila at mabawasan ang ingay mula sa labas.
πΎ Iwasan ang pagpapakain ng pagkain para sa tao.
Hindi lahat ng pagkain ay ligtas para sa kanila. Siguraduhing tama at angkop ang kanilang kinakain.
πΎ Bigyang-pansin ang kanilang emosyon.
Kung kinakailangan, yakapin o aluin sila upang mabawasan ang kanilang stress.
π‘ Kung sakaling may emergency, maaaring tumawag sa pinakamalapit na veterinarian o animal clinic para sa agarang tulong.
Sama-sama nating ipagdiwang ang Bagong Taon nang ligtas para sa ating lahat, kasama ang ating mga alagang hayop!
30/07/2024
Former SK Chairman Ian βKuya Toyβ Estopa at PLDT, SMART Telecommunication at kasama ang ang current SK Chairwoman Ate Ally Badilla ay namahagi ng tulong sa mga residente na naapektohan ng Bagyong Carina.
Ang ating minamahal na FSK Chairman Kuya Toy ay pinangunahan ang pamimigay ng tulong sa mga residente ng ating barangay na lubos na naapektohan ng bagyong carina kamakailan.
βLubos po ang aking pasasalamat sa PLDT at SMART sa pag bibigay ng mga relief goods na lubos din na makakatulong sa aming mga minamahal na residente, nais ko din pasalamatan ang ating butihing Kapitan Ronald βDocβ Nagusara sa pag suporta sa ating munting tulong sa mga naapektohan ng bagyong carina. Ganun din sa ating SK Chairwoman Ally Badilla sa pag tulong sa pamamahagi ng mga relief goods. Sa mga minamahal kong Kabarangay lagit lagi ko pong tatanawin na utang na loob ang inyong tiwalang inyong pinag kaloob nuong akoy inyong SK Chairman, hindi po mawawala ang isang Kuya Toy andito lang po sainyong tabi laging tutulong sa abot ng aking makakaya may posisyon man or wala.β
Ang pagmamahal ng ating Kuya Toy Estopa sa ating mga Kabarangay ay hindi nasusukat sa posisyon lamang bagkos ito ay sa totoong pag bibigay ng kakayanan netong makatulong.
Muli, ang aming pasasalamat sainyong lahat at naway ang munting tulong na ito ay lagi natin maisapuso at alalahanin na wag sumuko dahil may taong nag mamahal para sainyo.
Maraming Salamat po at Mabuhay po tayong lahat!
25/07/2024
Sa gitna ng mga pag subok na ating kinakaharap sa pananalanta ng Bagyong Carina at Habagay, muli natin ipinakita ang diwa ng bayanihan at pag tutulongan.
Bagamaβt handa ang lungsod, nakakatuwa na marami sa ating mga kababayan ang gustong mag hatid ng kanilang tulong.
Kayaβt kami po ay mag lulunsad ng isang Donation Drive. Maari po ninyong dalhin ang inyong mga donasyon gaya ng pag kain, damit at iba pang pangunahing pangangailangan sa Bulwagang Katipunan, 3rd Floor Caloocan CityHall.
Taos-puso ang aking pasasalamat sa inyong walang sawang pagbibigay ng Aksyon at Malasakit sa kapwa.
- Mayor Dale Gonzalo βAlongβ Malapitan.
Sa gitna ng mga pag subok na ating kinakaharap sa pananalanta ng Bagyong Carina at Habagay, muli natin ipinakita ang diwa ng bayanihan at pag tutulongan.
Bagamaβt handa ang lungsod, nakakatuwa na marami sa ating mga kababayan ang gustong mag hatid ng kanilang tulong.
Kayaβt kami po ay mag lulunsad ng isang Donation Drive. Maari po ninyong dalhin ang inyong mga donasyon gaya ng pag kain, damit at iba pang pangunahing pangangailangan sa Bulwagang Katipunan, 3rd Floor Caloocan CityHall.
Taos-puso ang aking pasasalamat sa inyong walang sawang pagbibigay ng Aksyon at Malasakit sa kapwa.
- Mayor Dale Gonzalo βAlongβ Malapitan. π§‘π