Office for Senior Citizens Affairs - Caloocan City

Office for Senior Citizens Affairs - Caloocan City

Share

This page contains all the activities and programs of OSCA Caloocan City (North and South).

03/06/2026

Isang taos-pusong pasasalamat mula kina Nanay Emelita at Edgardo Valerio ng Barangay 156 sa Birthday Cash Gift na kanilang natanggap mula sa Pamahalaang Lungsod.

Ang simpleng handog na ito ay nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating mga nakatatandang kababayan.

Patuloy tayong magbibigay malasakit sa ating mga senior citizens! ๐Ÿ’œ

#๐—”๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—”๐˜๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜

03/06/2026

Libreng cancer chemotherapy sessions (infusion therapy) mula sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at Prime Treatment Group.

Bukas po ito para sa lahat ng residente ng lungsod na mayroong cancer, anuman ang edad.

Hiling ko po na makatulong ito sa inyong tuloy-tuloy na paggaling. Palagi po nating uunahin ang kapakanan ng ating mga kababayan, lalo na sa aspeto ng kalusugan.

Photos from Office for Senior Citizens Affairs - Caloocan City's post 01/06/2026

๐Ÿฅณ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜ ๐‚๐€๐’๐‡ ๐†๐ˆ๐…๐“ ๐’๐‚๐‡๐„๐ƒ๐”๐‹๐„๐Ÿฅณ
โ€ข ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ (๐”๐๐‚๐‹๐€๐ˆ๐Œ๐„๐ƒ)
โ€ข ๐Œ๐€๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐๐“๐’

Para po sa ating mga minamahal na lolo at lola, narito po ang schedule ng ating Birthday Cash Gift pay-out para sa buwan ng Mayo.

Happy birthday po!

See you po sa venue!
Naibaba na po sa barangay ang listahan ng mga benepisyaryo.๐Ÿ˜Š

๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”: Para po sa mga nakatala na ang cash gift ay matatanggap sa pamamagitan ng GCash, hindi na po kinakailangang pumunta sa venue. Mangyaring i-check na lamang po ito sa inyong mga GCash account.


Photos from Office for Senior Citizens Affairs - Caloocan City's post 01/06/2026

Nitong nakaraang Huwebes, nagbigay ng saya at ngiti ang Philippine Association of Management and Accountancy at ang Northern Rizal Yorklin School Alumni Association, Inc. sa ilan nating mahal na Senior Citizens bilang bahagi ng kanilang Post Motherโ€™s Day Celebration. ๐Ÿ’œ

Simple man ang selebrasyon, ngunit malaking kasiyahan ang naidulot nito sa ating mga Lola Momshie.

Maraming salamat sa inyong malasakit at pagmamahal sa ating mga nakatatanda.
Ang kanilang mga ngiti ang tunay na sukatan ng tagumpay ng araw na ito. ๐ŸŒท๐Ÿ˜Š



26/05/2026

Another day, another movie date! ๐ŸŽฌ๐Ÿฟ

Punong-puno ng saya at excitement ang ating mga lolo at lola mula Brgy. 156 kasama si Mayor Along Malapitan sa kanilang espesyal na movie experience. ๐Ÿ’œ๐Ÿค๐Ÿงก

Hindi lang libreng sine ang hatid kundi pati masasayang alaala at happy core memories para sa ating mga senior citizens. ๐Ÿ˜Š



Photos from Office for Senior Citizens Affairs - Caloocan City's post 21/05/2026

Ang Office for Senior Citizens Affairs Caloocan ay taos-pusong bumabati sa mga bagong halal na officers ng Senior Citizens ng Brgy. 125 sa pangunguna ni Pres Abelardo Vijandre.

Sila ay pormal na nanumpa sa harap ng ating Mayor Dale Gonzalo โ€œAlongโ€ Malapitan kasama si Konsehal Kuya Lanz Almeda.

Kasabay nito ang pagbabahagi ng ibaโ€™t ibang programang local at national para sa ating mga nakatatanda. Nakiisa rin ang GCash Team sa pagrerehistro ng ating mga senior citizens upang mas mapadali ang pagtanggap nila ng kanilang birthday cash gift.

Patuloy po nating susuportahan at papahalagahan ang ating mga senior citizens na tunay na haligi ng ating komunidad.


Photos from Along Malapitan's post 19/05/2026

๐Ÿ’œ๐Ÿค๐Ÿงก

Photos from Office for Senior Citizens Affairs - Caloocan City's post 15/05/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜, ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ.
๐Ÿ’œ๐Ÿค๐Ÿงก

Kahapon ay naging bahagi ang Office for Senior Citizens Affairs โ€“ Caloocan sa pormal na panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Kaagapay ng Senior Citizens ng Barangay 35, na pinangunahan mismo ng ating mahal na Mayor na si Dale Gonzalo Malapitan.๐Ÿงก

Kasabay nito ang pagbabahagi ng ibaโ€™t ibang lokal at nasyonal na programa para sa kapakanan ng ating mga senior citizens, katuwang ang ating mga Social Worker. Nagsagawa rin ng GCash registration upang mas mapadali ang pagtanggap ng benepisyo at ayuda ng ating mga lolo at lola.

Patuloy nating pahahalagahan at susuportahan ang ating mga senior citizens na naging haligi ng ating komunidad.๐Ÿซถ


Photos from Office for Senior Citizens Affairs - Caloocan City's post 12/05/2026

Ngiti at saya ang hatid ng isa na namang movie date kasama ang ating butihing Along Malapitan para sa ating mga minamahal na Senior Citizens! ๐ŸŽฅ๐Ÿฟ

Sa pamamagitan ng libreng panonood ng sine tuwing Lunes, mas napapasaya at napaparamdam natin sa ating mga lolo at lola na sila ay mahalaga, inaalala, at tunay na pinapahalagahan. ๐Ÿซถ

Dahil ang simpleng bonding, tawanan, at masayang alaala ay malaking bagay para sa kanila. ๐Ÿ’œ๐Ÿงก๐Ÿค



10/05/2026

Happy Mother's Day to our beloved Senior Citizen.

Kayo po ang ilaw ng tahanan at inspirasyon ng ating komunidad. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at pag-aaruga sa inyong pamilya at kapwa. ๐Ÿงก

Nawaโ€™y suklian kayo ng Panginoon ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, at pusong laging masaya. Kayo po ay tunay na biyaya. ๐Ÿ’œ

Maligayang Araw po ng mga Ina!



Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


8th Street 8th Avenue Bgy 103 Gracepark
Caloocan
1400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm