Anakbayan South Caloocan

Anakbayan South Caloocan

Share

Ang pinakakomprehensibong pambansa-demokratikong pang-masang organisasyon ng kabataan sa Timog Kalookan! Sumapi na sa Anakbayan! ❤️✊

Photos from Anakbayan South Caloocan's post 27/02/2024

CHA-CHA NI MARCOS, BIBIGUIN NG MAMAMAYAN 🗑️‼️

ICYMI: Nakiisa ang ANAKBAYAN South Caloocan, kasama ang iba't ibang sektor ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) sa EDSA@38; mula sa Monumento Circle hanggang sa EDSA Shrine.

Patuloy na ngang tumataas ang presyo ng mga pagkain, tubig, pamasahe, at matrikula sa mga pamantasan, tulad lamang ng inaasahang 6% Tuition and Other Fees Increase (TOFI) sa University of the East Caloocan, ang tugon pa ni Marcos Jr. sa krisis na ito ay Charter Change (Cha-Cha).

Sa panahon kung saan ang mga kabataan mula sa iba't ibang sektor ng ating lipunan ay apektado ng krisis sa ekonomiya, transportasyon, at edukasyon, ang Cha-Cha ng rehimeng US-Marcos II na layon ay buksan ang ating ekonomiya sa mga dayuhan ay magsisilbing dagdag pahirap lamang.

Hindi sagot sa krisis ang Cha-Cha ng US-Marcos II, kundi ang pagtanggal ng mga hadlang sa edukasyon, pambansang industriyalisasyon, tunay na reporma sa lupa, at pagtigil ng kaniyang pagiging tuta sa imperyalistang Estados Unidos. Maaasahan natin na kapag natuloy ang Cha-Cha, patuloy, at mas lalala, ang pribatisasyon at komersalisayon ng ating mga karapatan— patuloy at mas lalala ang krisis sa ating lipunan.

Hamon ngayong Ika-38 na andibersaryo ng EDSA People Power Revolution (PPR) ang muling pagsanib ng mga kabataan sa mga batayang sektor ng ating lipunan upang sama-sama nating matutulan ang maka-dayuhan at anti-mamamayan na Cha-Cha ng US-Marcos II.

Hindi natatapos sa paggugunita sa EDSA PPR, ang ating laban. Sa panahon ng pagbalik nanaman ng pasistang US-Marcos sa ating bayan, ating alalahanin na ang tunay na tigapaglikha ng kasaysayan ay ang sambayanan parin mismo.

Kabataan, tutulan ang ChaCha!
Buhayin ang diwa ng EDSA!

SUMALI SA ANAKBAYAN SOUTH CALOOCAN:
bit.ly/Join-ABSouthCalo



24/01/2024

ANG TAO! ANG BAYAN! NGAYON AY LUMALABAN!

Tagumpay ng mga tsuper, operator, at komyuter ng bayan ang kamakailang extension ng deadline para sa franchise consolidation hanggang April 30. Gayunpaman, hanggat ito ay hindi nababasura, tuloy ang laban!


Photos from Anakbayan South Caloocan's post 24/01/2024

NGAYON: Ang mga tsuper, operator, at komyuter ng bayan ay kasulukuyang naglulungsad ng programa sa labas ng House of Representatives habang on-going ang pangalawang hearing hinggil sa palpak, makadayuhan, at negosyong PUVMP sa loob nito.


Photos from Anakbayan South Caloocan's post 23/01/2024

KORTE SUPREMA, ILABAS ANG TRO!

KANINA: Naglungsad ng isang kilos-protesta ang mga tsuper, operator, at komyuter sa labas ng Korte Suprema. Panawagan ng mga mamamayan ang kagyatang paglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) sa negosyong PUVMP.


Profile pictures 20/01/2024

Ang Tanggol Pasada Network ay isang malawak na network na binubuo ng mga tsuper, operator at komyuter. Kaakibat dito, ang Tanggol Pasada Network - CAMANAVA ay itinatag noong Ika-18 ng Enero, 2024 upang ibuklod ang malawak na hanay ng mga mamamayan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela sa kampanyang tigilan ang PUV phaseout.

Layon din nitong labanan ang makadayuhan at negosyong programa sa modernisasyon sa transportasyon (PUVMP) at isulong ang progresibo at makamasang transportasyon.

Ang laban ng mga tsuper at operator ng bayan, ay laban ng bawat komyuter at buong sambayanan!



Ang Tanggol Pasada Network ay isang malawak na network na binubuo ng mga tsuper, operator at komyuter. Kaakibat dito, ang Tanggol Pasada Network - CAMANAVA ay itinatag noong Ika-18 ng Enero, 2024 upang ibuklod ang malawak na hanay ng mga mamamayan ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela sa kampanyang tigilan ang PUV phaseout.

Layon din nitong labanan ang makadayuhan at negosyong programa sa modernisasyon sa transportasyon (PUVMP) at isulong ang progresibo at makamasang transportasyon.

Ang laban ng mga tsuper at operator ng bayan, ay laban ng bawat komyuter at buong sambayanan!

SUMALI SA TPN CMNV: bit.ly/JOIN-TPNCMNV



19/01/2024

CAMANAVA ESTABLISHES TANGGOL-PASADA NETWORK ✊🛣️🪪

YESTERDAY: Organizations from Caloocan, Malabon, Navotas, and Valenzuela (CAMANAVA) established their Tanggol-Pasada Network with the goal of unity against the phaseout of PUVs.

The people's call: Rehabilitation not importation! No to the corporatism and monopolization of our public transport system!

What the people need is a pro-people and progressive transport system that is built by the establishment of national industries as opposed to foreign importations, and a pro-people, worker-led, and just transition program instead of the LTFRB, DOTr, and Marcos-Duterte's bogus and anti-people PUV Modernization Program.

Tanggol-Pasada Network CAMANAVA aims to unite the people under the banner of these calls in order to achieve the halt of the massacre of livelihoods and our public transport system itself.

We call on the Marcos-Duterte regime and their beloved fascist allies within the upper ranks of the state to listen to the people's calls to stop the massacre! Until then, we call on upon the people to unite and to struggle for livelihood, service, and our rights!


15/01/2024

TANGGOL-PASADA! IBALIK ANG PRANGKISA! ✊🪧🛣️

Kabataa't komyuter makiisa sa laban ng mga tsuper at operator ng bayan para sa kabuhayan at serbiyso.

Sumama sa gaganaping pagkilos:
🕚 11 AM | January 16
📍 Welcome Rotonda, Q.C.



10/01/2024

TINGNAN: Ang mga tsuper, operator, at komyuter sa labas ng House of Representatives ay nakikinig sa ginaganap na hearing sa loob ng HoR hinggil sa korapsyon sa PUV Modernization Program.


Photos from Anakbayan South Caloocan's post 10/01/2024

NGAYON: Nag-anaantay ngayon sa labas ng South Gate, House of Representatives ang mga tsuper, operator, at komyuter, upang malaman ang magiging kinalabasan ng hearing hinggil sa korapsyon sa PUV Modernization Program.


Photos from Anakbayan South Caloocan's post 10/01/2024

TINGNAN: Naglungsad ngayong umaga ng programa sa labas ng House of Representatives ang mga tsuper, operator, at komyuter habang ginaganap ang hearing hinggil sa korapsyon sa PUV Modernization Program.

Panawagan ng mga mamamayan, itigil ang bogus, palpak, at pahirap na PUV Modernization Program, at isulong ang isang pro-people, worker-led, and just transition!


04/01/2024

TANGGOL PASADA TULOY ANG LABAN ‼️🛣️✊

The ghost of the massacred PUVs and livelihood brought upon by Marcos Jr. and the LTFRB's bogus and anti-people PUVMP will continue to haunt and roam the streets under Tanggol Pasada.

Tuloy ang pasada at tuloy na tuloy lamang din ang laban para sa kabuhayan at serbisyo sa bayan!

Kabataan, komyuter, tsuper, at operator, magkaisa sa pagtanggol ng karapatan na maghanapbuhay at mamasada!

________________________________

Sumali sa Anakbayan South Caloocan: bit.ly/Join-ABSouthCalo

________________________________



Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Caloocan