Barangay 186, District III, Caloocan City

Barangay 186, District III, Caloocan City

Share

The Official page of Barangay 186 under Kap Jess Basmayor and administration

01/06/2026

πŸ“’ BIRTHDAY CASH GIFT SCHEDULE

πŸŽ‰ April Celebrants (Unclaimed)
πŸŽ‰ May 2026 Celebrants

Nasa barangay na po ang listahan ng mga benepisyaryo. Maaari na po kayong pumunta upang malaman ang inyong payroll number.

πŸ“ Kita-kits po sa venue!

Mga Paalala:
βœ… Para sa mga may GCash, hintayin na lamang po ang pagpasok ng cash gift sa inyong GCash account. Hindi na po kailangang pumunta sa venue

βœ… Uminom po ng inyong maintenance medicines bago pumila.
βœ… Magdala po ng tubig o bottled water upang hindi mauhaw habang naghihintay.
βœ… At panghuli, magdala po ng mahabang pasensya upang maging maayos at mabilis ang proseso para sa lahat.

Maraming salamat po at ingat sa inyong pagpunta! πŸ™πŸ’™

Photos from Barangay 186, District III, Caloocan City's post 01/06/2026

πŸ‡¨πŸ‡ΏFlag Raising Ceremony

31/05/2026

Flag Raising Ceremony | Unang Lunes ng Hunyo πŸ‡΅πŸ‡­
Isang maulan na umaga ngayong unang Lunes ng buwan ng Hunyo, ngunit hindi ito naging hadlang sa ating pagtitipon para sa ating Flag Raising Ceremony.
Taos-pusong pagbati at pasasalamat sa ating masipag na Kapitan Jess Basmayor at sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay sa kanilang patuloy na dedikasyon at serbisyo para sa kapakanan ng ating komunidad.
Sa kabila ng ulan, nananatili ang ating pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa bawat mamamayan. Sama-sama nating harapin ang mga hamon at ipagpatuloy ang pagsulong tungo sa mas maunlad at maayos na barangay.

Magandang umaga at mabuhay ang ating barangay! πŸ‡΅πŸ‡­

31/05/2026

ingat po tayong lahat sa maulan ng umaga ngayon araw

Patuloy po nating minomonitor ang sitwasyon kaugnay ng bagyong na nakaaapekto sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Lungsod ng Caloocan.

Ayon sa huling weather bulletin ng PAGASA, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan at malalakas na pagbugso ng hangin.

Nakaantabay po ang ating City Disaster Risk Reduction and Management Department upang agad na tumugon sa anumang sitwasyon.

Kung may agarang pangangailangan ng tulong, maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating 24/7 emergency hotlines:

(02) 888 (25664)
0908-81-25664
0998-51-25664

29/05/2026

PROJECT OF 2026

Pang APAT na Stairway at Drainage system improvement sa LD Highway.

Tingnan ang BEFORE and AFTER photos nang nagawang konstraksyon sa lugar.


Photos from Barangay 186, District III, Caloocan City's post 29/05/2026

πŸ“’πŸ’‰ LIGTAS TIGDAS CAMPAIGN πŸ’‰πŸ“’
Ngayong araw ay matagumpay na isinagawa ang Ligtas Tigdas Campaign Motorcade kasama ang ating napakasipag na Punong Barangay, Jess Basmayor mga masisipag na kagawad, doktor, health center staff, purok leader, at mga barangay tanod na patuloy na naglilingkod para sa kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong suporta at pakikiisa sa Supplementary Immunization Activity (SIA) 2026 upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas o measles.
βœ… Magpabakuna sa pinakamalapit na health center
βœ… Kumonsulta sa nurse o midwife ng barangay
βœ… Sama-sama nating sugpuin ang tigdas!

πŸ’‰ Bakuna ay proteksyon para sa bawat bata at pamilya.




27/05/2026

✨ EID'L ADHA GREETINGS & ADVISORY ✨

To all residents of Barangay 186, especially our Muslim brothers and sisters, warmest greetings on the celebration of Eid'l Adha! πŸ™

Please be informed that May 27, 2026 (Wednesday) is declared a National Holiday per Proclamation No. 1264.

🚫 OFFICE CLOSURE NOTICE:
In line with this celebration, our Barangay Office will be CLOSED Today, May 27, 2026. Normal transactions and services will resume the following day.

Let us continue to promote peace, respect, and harmony in our community.

- Kap. Jess Basmayor
Punong Barangay, Barangay 186

Photos from Barangay 186, District III, Caloocan City's post 26/05/2026

πŸ“ WEEK 21 CLEAN-UP DRIVE πŸ“
Isinagawa ang lingguhang clean-up drive sa: βœ… St. Joseph Avenue (Pathwalk)
βœ… St. Lorenzo Ruiz Extension (Pathwalk)
Sa pangunguna ng ating masipag na Kapitan Jess Basmayor katuwang ang Committee on Waste Management Kgwd.Mary Jene A.Rubio Barangay Administrator.Imelda Cardenas mga barangay staff, tanod, at iba’t ibang grupo ng volunteers, matagumpay nating naisagawa ang paglilinis sa ating komunidad.
Ang malinis na kapaligiran ay tanda ng kaunlaran at pagkakaisa ng mamamayan.

Patuloy nating isabuhay ang disiplina af malasakit sa kalikasan.
♻️ Isabuhay muli natin ang 4T at 4R: βœ”οΈ Tapon nang tama
βœ”οΈ Taktak
βœ”οΈ Taob
βœ”οΈTaktak
βœ”οΈTuyo
at
βœ”οΈ Reduce
βœ”οΈ Reuse
βœ”οΈ Recycle
βœ”οΈ Recover
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para sa mas malinis at maayos na barangay! πŸ’š





Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Barangay 186
Caloocan
1427

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm