Team Cocoy

Team Cocoy

Share

Responsable At Maaasahan

12/11/2023

Maraming salamat po sa inyong lahat na nagtiwala at sumuporta! Congratulations din po sa lahat ng mga bagong halal na Barangay Officials ng ating Mahal na Barangay. Hindi man po pinalad sa nakaraang eleksyon ang iba sa amin, nasa pwesto man po o wala, ang pagtulong at serbisyo po namin sa inyo ay patuloy sa abot po ng aming makakaya.

27/10/2023

Handang handa na po kami na kayo ay paglingkuran at pagserbisyuhan mga mahal naming residente ng ating Barangay. Andito po ang Team Cocoy para sa inyo. Serbisyo publiko aming iaalay sa inyo ng buong puso. Basta Team Cocoy, Responsable at Maaasahan πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

Photos from Team Cocoy's post 26/10/2023

Ang atin pong mga kagawad na bumubuo ng Team Cocoy na handa kayong paglingkuran ng buong puso. Atin po silang suportahan sa darating na halalan sa Oktubre 30, 2023.. Maraming salamat po! ☺️☺️☺️

Photos from Team Cocoy's post 22/10/2023

1st Parade po ng ating Team COCOY.. Maraming maraming salamat po sa inyong suporta at pagtitiwala #1 Councilor Doc Ed Aruelo. Ang isa sa ginagalang at hinahangaan naming konsehal. Isa ka sa aming inspirasyon Doc Ed sa halalang ito. πŸ™‚πŸ‘

Photos from Team Cocoy's post 21/10/2023

Plataporma na aking tutuparin at ng bumubuo ng Team COCOY. Ito ay aming maisasakatuparan sa inyo pong pagtulong at suporta sa darating na halalan sa Oktubre 30, 2023. Asahan po ninyo na ang bawat isa sa amin ay handa kayong paglingkuran ng buong puso at walang pag aalinlangan. πŸ™‚πŸ‘

Photos from Team Cocoy's post 20/10/2023

Kilalanin po natin ang ating Kapitan Rico Cocoy Martinez. Walang pagsisinungaling. Tunay na pagkatao ang tanging ilalahad sa inyo. Handa kayong paglingkuran sa abot ng kanyang kakayanan. RICO COCOY MARTINEZ Ang atin pong BARANGAY CHAIRMAN πŸ™‚

19/10/2023

Dito sigurado tayo! Ang maglilingkod sa inyo ng buong puso. Matuwid at matino ang pagkatao. Kay Rico COCOY Martinez ang buong Barangay ang tunay na panalo. Sa darating na halalan isulat po natin sa ating balota bilang ating Punong Barangay..

18/10/2023

Sa pagsisimula ng araw ng pangangampanya, siguradong ang lahat ng mga kalahok sa darating na eleksyon ay may mga ipapangako po sa inyo na maganda sa inyong pandinig. Tayo po ay maging matalino at mapagmatyag. Kilatisin natin ang bawat kandidato. Ang inyong boto ay mahalaga. Ito ay hindi ipinagbibili. Ito ay isa sa magiging sukatan ng inyong pagkatao sa darating na halalan. Huwag magpaloko. Huwag maging kasangkapan ng mga kandidato na ang tunay na hangarin ay pansarili lamang. Ipagkatiwala natin ang ating mga boto sa mga kandidato na nasa puso ang tunay na paglilingkod. Ang boto mo ang magiging daan sa maayos at maunlad na Barangay. Magtulungan po tayo. Kayo ang may tunay na kapangyarihan kung gusto natin ng isang maayos at maunlad na Barangay. Iluklok natin sa pwesto ang mga karapat dapat. Inyo pong pakatandaan na sa darating na eleksyon na ANG AKING BOTO ANG SUMASALAMIN SA AKING PAGKATAO! Mula po sa TEAM COCOY, hangad po namin ang maayos at patas na labanan sa darating na eleksyon. πŸ™‚πŸ™‚πŸ™‚

27/08/2023

Happy Sunday to all! Mula po sa inyong mga tunay na kaibigan, Team Cocoy ☺️

Photos from Team Cocoy's post 17/08/2023

Happy happy Birthday Baby Angela ❀️❀️❀️

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Barangay 57, Zone 5, Dist. II
Caloocan
1400